Chapter one (part 2)

4.7K 78 0
                                    


Nagising ako kasi lumalamig na masyado ang aircon sa kwarto pero tiantamad akong bumangon ang sarap-sarap kasi ng higa ko at ang lambot at bango-bango pa ni kiwi, hay kiwi kung may isang bagay man ako na hindi itatabi sa malayong kasuluksulukang sulok ng kwarto ko na bigay ng hayop na Luis na yun ay ikaw yun.

Ang Paborito kong stuff toy. Niyakap ko pa ito ng mahigpit ng maramdaman kong parang gumalaw si kiwi parang itinalikod nya ang mukha nya sakin.

"Kiwi pati ba naman ikaw tatalikuran ako" wala sa sariling sinabi ko.

Hindi pa din ako dumidilat  pero alam ko any moment eh iiyak na ako. Naramdaman ko na umuurong din ang kumot ko.

Malamig kaya hinila ko ulit to pabalik. naramdaman ko ulit na may humihila nito.

"Teka! teka!!!" napasigaw ako sa isip ko, dumilat, umupo at narealize kong wala akong damit.

Shit! napatingin ako sa paligid ko "Asaan ako? nakauwi ba ako kagabi? ano bang nagyari?" sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko.

Naalala ko na sumakay ako ng taxi sinabi ko pa nga yung address ng bahay di ba?

Oh hindi!!! napatingin ako sa katabi kong lalaki na nakadapa.

Parang sira na sinilip ko ulit ang ilalim ng kumot ko wala wala wala talga akong damit!!!

"aaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!"

sumigaw ako ng malakas na ikinahulog sa kama nang lalaking katabi ko shit anong nagyari naisuko na ba ang bataan?

"Ouch! anong nangyari? bakit ka sumisigaw?" kalmadong tanong ng lalaki na kasama ko

Napatinign ako sa hubad nyang katawan buti na lang nakaboxer sya. Nakita nya akong nakatitig sa kanya. Matagal kaming nagkatitigan bago kami sabay na nagsabing

"ikaw?!!!!!"

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon