Chapter 49

1.9K 22 0
                                    

--

Bianca's POV

"Ano ba balak ni boss dyan?" narinig kong tanong ng isang lalaki. Hindi ko alam kung nasaan ako nakapiring kasi ang mga mata ko, nakatali ang mga kamay at may busal sa bibig.

"Hindi ko alam.. ang sabi nya hayaan lang daw lumutang sa tubig" sagot naman ng isa.

"Papatayin ba natin?"tanong na naman ng isa.

"Oo pagtawag ni Boss" sagot ng kausap nya.

Nakaramdam ako ng matinding takot.

Diyos ko po sino ba ang mga lalaking ito? ano ba kailangan nila sa akin? Naalala ko ang mga anak ko. Ni hindi pa nga nabubuo ang pamilya ko pero mawawala na ako.

Ayoko pang mamatay! Anthony nasaan ka na ba? Please tulungan mo ako. Tahimik akong umiiyak at nagdadasal na sana ay may tulong na dumating para sa akin. Ayoko pa mawala ayoko pa.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nandito at gaano ako katagal nakaidlip sa sobrang pagod sa pagiyak.

"Magtratrabaho na lang kayo hindi pa malinis!" pamilyar sa akin ang boses na nadidinig ko kahit nangagaling ito sa malayo.

Sinibukan kong gumalaw at naramdaman kong nasa malambot na upuan ako. Maluwag na rin ang pagkakatali ng mga kamay ko kaya pinipilit ko itong makalas.. Gusto ko ng umalis dito.

"Pambihira naman.. saka masyado nyong hinigpitan" papalapit ang boses na iyon sa akin kaya nagkunwari akong walang malay.

Naramdaman ko ng may ihagis ito sa kama.

Maya-maya ay naramdaman ko ang paghawi nya sa buhok ko naa nakatabing sa mga mukha ko.

kinalas na nya ang busal ko sa bibig na kinagulat ko.

Narinig ko syang bumuntong hininga at saka naglakad palayo ng marinig ko ang pagsara ng pinto ay tumayo naman ako agad at tuluyan ko na ngang nakalas ang gapos ko sa kamay tinagal ko na din ang piring ko sa mga mata.

Kailangan ko ng makaalis dito.

Nagpalinga linga ako at nasa loob pala ako ng isang magandang kwarto. Nakakamangha pero hindi! hindi ito ang tamang oras para humanga ako. Nagsimula akong maghanap ng kahit anong bagay na pwede kong magamit na panlaban sa kanila pero wala akong makita.

Ang tanging nakita ko lamang ay ang bag ko na alam kong nahulog ko ng dukutin nila ako ipinagtaka ko kung paano ito napunta dito.

isinantabi ko muna ang pagiisip at hinana ang cellphone ko.

Nasa loob pa din ng bag ang cellphone ko kailangan kong malaman kung nasaan ako at tawagan si Anthony para sa tulong.

[A/N: ang lame lang ng chapter na to :( may part 2 pa po iuupdate ko na sya kasi masyadong mahaba sorry po]

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon