Elliot POV
Nandito na kami ngayon sa Dinning Area sa Bahay nila Bianca kahit kasi pagod na ang mommy pa din ni Bianca ang nagprisinta na magluluto para sa amin.. Well she's actually a good cook wala ako masasabi para kang kumakain sa isang five star restaurant.. My mom cooks well but Bianca's mom is one of a kind.
Nagkwekwentuhan sina lolo at nakikisalo din naman ang parents namin tumatawa at nagco-comment din ako paminsan minsan.. Napakatypical lang parang noong mga bata pa kami Pero kapansin pansin si Bianca na talaga namang napakatahimik.. kumakian naman sya at mukhang hindi naman nasusuka pero ang tahimik parang may malalalim na iniisip. Alam ko naman na mahirap ang situation naman ngayon at alam ko na kinakabagan sya katulad din ng kabang nararamdaman ko.
"Anak.. " narinig kong tawag ng Daddy ni Bianca napatingin kaming lahat sa kanya. "I know na kumakain pa tayo at awkward ang tanong na ito pero.." Nagpause sya saglit "Is it true na nagdadate kayo ni Elliot?" pagpapatuloy nya
Parang kakawala sa kaba ang puso ko eto na nga ba ang sinasabi ko e.. Hindi ko pa kayang sabihin na Nabuntis ko si Bianca at hindi ko pa alam ang gagawin ko kay Ivy pero bahala na isasa-Diyos ko na lang ang lahat.
Pasagot na sana ako ng magsalita si Bianca. "Hindi po Dad.. nililibang lang po ako noon ni Elliot.. may pangako din po kasi sya noon sa akin"
"Pangako?" tanong naman ng mommy nya
"Opo my.. noong mga bata pa po tayo at hindi ako nakasama sa tour kasi nagkasakit sya" sagot ni Bianca na tumingin naman sa akin.
"Opo nangako po ako noon na dadalhin ko po sya sa zoo kapag malaki na kami" pagpapatuloy ko naman
"I see.. so atleast we can clear it sa press at ng hindi na kayo napaguusapan maging ng mga investors" Tugon ng Daddy nya.
"Napaguusapan? im sorry dad for the bad publicity" may lungkot na sagot ni Bianca
"No iha! it's not bad at all iniisip nga nila na mas magigimg strong at bonded ang company kung totoo man ang balita" singit ni Lolo Timmy
"Why dont you go on a real date? sagot na namin anywhere anytime..just give it a try" pangangatong naman ni lolo john
Sasagot na sana ako pero hilig na ata nitong si Bianca na unahan ako..
"We can't lolo" sagot ni Bianca her voice is shaking..
"Why?" balik na tanong ni lolo timmy "Wala namang mali sa kanya hindi ba?" pagpapatuloy nito
"Because.... because im pregnant lolo" sagot nya at tuluyan ng umiyak.
Halos tumigil ang mundo naming lahat at parang tumigil ang puso ko sa pagtibok eto na.. eto na yung panahon na pinipilit kong ipagdasal na hindi mangyayari.. pero kailangan kong maging isang tunay na lalaki at panindigan ang nagawa ko...
Napatayo ang daddy ni Bianca. "What did you just say?!" may gulat at galit nyang tanong
"Im sorry Daddy im pregnant.." nagpatuloy sya sa pagiyak
"Shit! to whom?!" malakas ang sigaw ng Daddy nya.. alam ko namang mangyayari ito pero hindi ko inaakala na magiging ganito para akong napako sa kinauupuan ko hindi ako makaimik.
"To... to--- somebody who i dont even know" sagot nya sa gitna ng mga hikbi
"What the hell are you saying Princess?!" galit na tanong naman ng Mommy nya "kay Luis ba ha?!" tanong ulit niya..
Gusto kong magsalita gusto kong sabihing ako pero bakit natatakot ako bakit nababading ako.. Bakit hindi ko magawa hindi ko dapat iwanan si Bianca pero eto ako hindi makaimik.
"No mommy no" sagot nya. "I went to a bar after Luis and i broke up when i woke up nasa isang hotel na ako naked.. i dont know what happened" humahagulgol sya. She was lying. Bianca is lying and me im such a coward not saying or doing anything..
Napatayo ang Mommy nya everyone was in shocked nakahawak sa dibdib nya ang mommy nya. Bianca also stood up and then she collapsed leaving all of us in Panic
![](https://img.wattpad.com/cover/3874179-288-k176982.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomanceYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...