-------
Elliot
Third day ko na dito sa office ko sa Company namin. Isang taon na din akong graduate isang taon na ding nag-aaral sa pasikot -sikot dito sa Company pero ngayon-ngayon palang talaga ako mag mamanage dito,
Nasa Business trip sa Hongkong ang parents ko si Lolo John at Lolo Timmy (lolo ni Bianca) ay nasa bakasyon daw ako ang may full control sa company dito sa pilipinas.
Well actually not full control dahil kasama kong nagmamanage ngayon dito si Bianca. Si Bianca na kanina pa nandito sa office ko at kumakain ng kung ano-anong matamis.
Hindi ko naman sya mapaalis nakakainip naman din kasi talaga ang magisa dito sa malaking office na ito.. madaming papers na dapat pag-aralan at nakakatuwa namang isipin na kahit kain ng kain si Bianca mula kanina pa ay binabasa nya din ang mga project proposal sa amin.
"Bianca bakit ba ayaw mo na lang magstay sa office mo?" tanong ko sa kanya.
"ang panget kasi ng view doon buti pa dito kita ang mga buildings at kalsada sa baba" patuloy sya sa pagkain habang nagbabasa ni hindi man lang ako nilingon.
Nauna kasi akong pumili ng pwe-pwestuhan ng magiging office ko. pinili ko itong room sa 23rd floor maganda kasi ang glass wall nito na kitang kita ang view ng buong city. Nakakrelax kasi lalo na kung gagabihin ka makikita mo ang nagiilawang mga establishment.
Seryoso si Bianca sa binabasa nya nakakatuwa namang isipin na talagang seryoso sya sa pagbabasa ng mga project proposal. Hangga naman ako sa kanya.
Lumaking maganda si Bianca hindi nga lang magaling pumili ng damit. Kung mag-aayos lang sana sya sigurado madami magkakagusto sa kanya.
Naalala ko tuloy ang nagyari samin a month ago. Buti na lamang at nawala na ang awkwardness sa amin.
Malapit naman kami noon sa isa't-isa pero nang maging kaibigan nya si Ivy ay nalayo ang loob namin. Mas naging malapit sya kay Ivy.. Can't help it parehas kasi silang babae.
si Ivy hindi ko pa din talaga matanggap yung nangyari sa amin. Kaya nga sakto ang timing ng trabaho na to para may pagkaabalahan.
Napatingin ako ulit kay Bianca.. ano na kaya nangyari sa kanila ni Luis naalala ko yung huli naming paguusap
"gusto kong balikan ako ni luis" naalala ko na pinakiusap nya iyon sa akin.
"Bianca.... alam mo kanina pa tayo nagtratrabaho e...." basag ko sa katahimikan. Nilingon ako ni Bianca.
"wala ka bang date? i think we can take our break already...hindi naman minamadali ang mga proposal na iyan" dugtong ko.
"wala akong date... wala na kasi kami ni Luis" sinabi nyang may ngiti.
"he dumped me" pagpapatuloy nya.
"i'm sorry" nakita ko kasi na may lungkot sa mata nya.
------
Bianca
Ano ba naman tong si Elliot pabigla-bigla na lang binabanggit si Luis.. kinakalimutan ko na kaya yun.
nasabi ko sa sarili. Kanina pa ako dito sa office ni Elliot ang totoo nga nyan kanina ko pa natapos basahin lahat ng proposal. bigla-bigla nalang kasi naghanap ng matamis tong tyan ko at arang gusto ko makita si Elliot. Hindi ko na rin alam kung bakit ang weird lang ng pakiramdam ko.
Dinala ko tong papers bilang props ang awkward naman pumunta dito tapos wala naman ako gagawin kung hindi kumain.
Binabasa ko ang book na Hunger Games habang nakatago sa mga papers na to wahahahhahaha! for sure hindi alam ni Elliot na hindi ako nagtra-trabaho :)
Napapangiti ako mag-isa hindi ko napansin na papalapit na pala si Elliot.
"DATE Tayo Bianca! tara mag-lunch" aya sa akin ni Elliot
Nagulat ako hinila ako ni Elliot palabas ng office.
"hey! saan mo ako dadalhin?" tanong ko pinagtitinginan kami ng mga empleyado.
"Secret" tugon nya at ngumiti ng nakakaloko
-------
A/N
hala saan pupunta yung dalawa? ewan ko din ahahahaha!
:)
Hope your Enjoying! :)
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomansaYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...