Chapter 48

2.1K 25 1
                                    

Anthony's House

"Anak just stop this!" napataas ang boses ni Mommy.

Pagkatapos ng ilang linggo nyang pagpiit sa akin ay hindi pa din ako nagpapatinag sa desisyon ko.

"I wont my.. i wont" pagmamatigas ko. Hindi ko kaya.. Hindi ko kaya na wala sya sa buhay ko. Kailagan ko sya at ang mundo ko ay umiikot na para sa kanya.

"Ipinapahamak mo lang ang sarili mo" nagsimula ng umiyak si Mommy. Ngayon ko na lang syang nakitang ganito pero im sorry kahit anong pilit nya hindi ko hihiwalayan si Bianca.

Umalis ako sa sala at umakyat na sa kwarto ko.

Ibinagsak ko sa kama ang katawan ko at inilabas sa bulsa ng pantalon ko ang isang box.

Itong box na to ang magdedesisyon para sa akin at kay Bianca.

---

Matagal kong tinitigan ang cellphone ko bago ko tuluyang tinawagan si Bianca.

"He-hello" mautal utal nyang sagot

"I miss you" agad ko namang bungad.

"Bii, free ka ba bukas? pwede ba tayong lumabas?" agad ko syang tinanong para kasing ang tense nya. O baka nagtatampo sya sa akin matagal na din kasi kaming hindi nakakapagusap.

"ah.. oo sige" sagot naman nya.

"Kaso ayos lang ba na hindi kasama ang kambal? kasi ano.. may gusto sana akong ipakita sayo e" medyo alangan kong sabi sa kanya

"Oo naman.. maiiwan ko ang kambal.. hindi naman siguro tayo gagabihin?" balik nyang tanong

"Hindi naman" sagot ko naman. Ewan ko ba pero kinakabahan ako ngayong kausap ko sya.

"okay then i'll see you then" tugon nyan

"Yup.." maikli kong sagot. Pagkatapos ay inend na nya ang call

---

Maaga akong nagising kinabukasan. 2pm ko susunduin si Bianca. Pero maaga akong aalis may kailangan kasi akong asikasuhin.

Naabutan ko si Mommy sa kitchen at nagluluto ng breakfast.

7am napatingin ako sa relo ko.

"My bakit nandito pa din po kayo? wala ba kayong trabaho?" tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka naman kasi na nasa bahay pa sya eh madalas nakaalis na sya ng 6am pa lang.

"Wala na akong trabaho anak" sagot nya pagkatapos ilapag sa table ang pancake na ginawa nya.

Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ako nagaalala na hindi kami mabubuhay ni Mommy dahil sa totoo lang malaki na ang ipon ko at kaya na naming mabuhay ng marangya.

"Umupo ka na at kumain" aya nya sa akin.

Sumunod naman ako. Tahimik lang kami hanggang matapos sa pagkain. Tinulungan ko syang magligpit at pagkatapos ay naghanda na para sa pagalis.

"Anak" tawag sa akin ni Mommy nandito ako malapit sa tapat ng pintuan at nagsasapatos.

"Aalis na po ako my" paalam ko naman

"Magiingat ka.. mahal na mahal kita anak at ayokong masaktan ka.. pagisipan mo sanang mabuti ang mga sinasabi ko sayo" malungkot ang tono nya.

"Im sorry po" iyon lang ang sinagot ko pagkatapos ay binuksan ko na ang pintuan at dumiretso sa kotse ko.

---

*Flashback*

Kagagaling lang namin ni Bianca sa pamamasyal at pakikipagkulitan sa mga baby nya. Nasa condo lang kami halos maghapon pero pakiramdam ko nagpunta kami sa isang napakasayang lugar.

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon