Elliot POV
Dinala ko agad si Bianca sa sushi bar para makapaglunch na kami as expected nagustuhan nya nga ang pagkain doon. Masarap naman kasi talaga.. pagkatapos kumain ay nagpadaan muna sya sa isang teahouse at nagorder ng milktea for takeout napadami raw kasi ang kain nya baka hindi daw sya matunawan.
Pagkatapos umorder at ng makabalik kami sa kotse ay nagsimula na akong magdrive papunta sa lugar kung saan kami magdadate..
"Eliot.. kanina ka pa nagdadrive may kalahating oras na malayo pa ba tayo?" basag ni Bianca sa katahimikan..
"malapit na.. naipit kasi tayo traffic e" tugon ko..
"saan ba kasi tayo pupunta?" tanong nya ulit
tahimik lang ako at hindi na sumagot nasa parking lot na din naman kasi kami..
"ui.. hello elliot? kinakausap po kita" parang may inis na sabi ni Bianca nginitian ko lang sya at ipinark ang kotse
"Nandito na po"sagot ko
tumingin sya sa bintana at ako naman ay nagmamadaling bumaba para pagbuksan sya ng pintuan.
"Wow!" parang bata na sabi nya dumiretso kami sa may entrace at nagbayad ng fee.. habang si Bianca nakahawak sa laylayan ng tshirt ko na parang isang bata.
napangiti ako at kinuha ang kamay nya "tara na sa loob" pagaya ko sa kanya.
Bianca's POV
nagulat talaga ako na dinala ako ni Elliot dito.. mas kinagulat ko pa na dinala nya ako dito kaysa sa paghawak nya ng kamay ko..
"Elliot bat dito mo ako dinala?" tanong ko sa kanya habang naglalakd kami.. Dinala kasi ako ni Elliot sa zoo..
you heard it right sa Zoo nya ako dinala at para akong bata na namangha sa lugar. Nakakahiya mang aminin pero eto kasi yung first time ko na makarating sa ganitong lugar.
"Just fulfilling the promise i made some years ago" tugon ni Elliot na kinindatan pa ako..
Promise? ano bang promise yun? natanong ko na lang sa sarili ko..
"lets go dun muna tayo sa mga kamukha mo" sambit ni Elliot sabay hila sa kamay ko ang nice naman ni Elliot dinala lang naman nya ako dun sa mga unggoy! swerte kami ng araw na yun kasi nga may show ang baby chimpanzi sa zoo kung saan gumagawa sya ng mga tricks..
Tuwang tuwa kami ni Elliot sa panonood aside sa monkey may mga trained birds din na nandoon tuwang tuwa ako kasi nagbabasketball sila.. ^^
"Kailangan po namen ng volunteer" sabi ng pet trainor.. nagpalinga linga sya sa audience "baka naman pwede yung cute na couple dyan sa bandang gitna..
napalingon kami ni Elliot at narealize na kami pala yung nasa gitna. napaturo ako sa sarili ko.. kami ba talaga? tanong ko sa sarili ko..
"kayo nga po ma'am sa couple na parehas nakawhite" parang nabasa ata nito ang nasa isip ko..
tinignan ko si Elliot ngumiti sya at pagkatapos ay inaalayan ako papunta sa mini stage pinahawak samin ang isang isang jumping rope.. maya maya pumila ang tatlong sheep at nagsimulang magbilang ang trainor pinaikot ikot naman namin ni elliot ang rope
[ A/N ehem ang hirap magdescribe basta naglaro sila ng jumping rope :p ]
nagsimulang magtalunan ang mga tupa habang yung baby chimapanzy naman ay nagbibilang gamit ang daliri nya tunwang tuwa kami ni Elliot lalo na ng bigla itong humiga at nagkunwaring natutulog hahaha! it was then when we both realize na nagbibilang pala ng tupa yung baby chimp. para makatulog.
after the show nagpalakpakan din ang mga tao at nabigyan kami ng chance na makapagpicture kasama ang mga animal talents ^^.
Pinasyal ako ni elliot sa buong zoo at ng mapagod na kami ay naupo kami sa isang bench bumili si Elliot ng drinks at nagpahinga kami saglit.
"Thanks for today" nakangiti kong sabi kay Elliot habang iniinom ang soda na binili nya.
"i'm happy na nagenjoy ka" hinawi ni Elliot ang buhok ko at pagkatapos ay pinunasan ng panyo ang pawisan ko ng noo. Natigilan ako at nagblush kaya naman iniwasan ko sya ng tingin..
He holds my hand and give me the hanky it was then when i realized na akin pala tong panyong to..
---
A/N may part 3 pa po ito ^^
![](https://img.wattpad.com/cover/3874179-288-k176982.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomansaYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...