It's been a month since then.. Since i broke anthony's heart.. Since i broke my own heart
Hindi na ako nakabalik sa dati kong sigla. Hindi ko na sya nakita at ang araw na iyon na ang huling beses... hindi sya nagparamdam hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Pero mas makakabuti na din ito dahil alam ko na ngayon ay ligtas sya sa mga posibleng gawin ni Lolo sa kanya.
Naging malulungkutin ako pero hindi ko naman napapabayaan ang mga anak ko. Sila ang nagbibigay ng lakas sa akin para mabuhay.
Kung tatanungin mo ang sitwasyon namin ni Elliot ay ayos naman kami. Nagbago sya at parati akong sinusuyo para syang isang masugid na manliligaw sa akin.
Kailangan ko nang yakapin ng husto ang sitwasyon namin. Hindi lang naman ako nahihirapan alam ko din naman sya man ay nasasaktan.
Nasa kotse kami ngayon ni Elliot papunta sa hotel ng pamilya ko. Ngayong araw susukatan ako ng gown.
Tama within a month nagsimula na kaming magprepare para sa kasal. Sa kasal na hindi namin matakasan. Sa kasal na gusto ng aming pamilya.
"Wala ka na naman sa sarili" nagulat ako ng magsalita si Elliot. Wala na sya sa driver's seat nandito na sya sa harap ng pintuan na binuksan nya para sa akin.
"Sorry" sagot ko naman na tinangal ang seatbelt ko.
"Mahaba na ang pila ng mga kotse sa likod.. you've been spacing out for like 10mins.." tugon nya sa akin.
Bumaba naman ako at totoo may mga ilang kotse na nga ang nasa likuran namin.
Pumasok naman kami sa entrance ng hotel.
Tahimik lang ako na naglalakad habang nakalagay ang mga braso ko sa braso ni Elliot dumiretsyo kami sa pinakamahal na suite na ipinareserve ng mga magulang namin.
Nandoon na sina Mommy. Ang Mommy ko at ang Mommy nya. Kapwa kami humalik sa kanila at pagkatapos ay naupo sa couch na nandoon.
"Sandali lang mga anak ah.. makikilala nyo na din ang gagawa ng wedding dress ninyo" magiliw na sambit ng Mommy ni Elliot.
"She just get her call.. pabalik na siguro yun" dagdag naman ni Mommy.
Tumango lang ako. Wala naman kasi talaga akong gana. Dahil hindi ko naman gusto ang mga nangyayari ngayon.
"You will like her..."nabaling ang pansin ko kay Elliot ng magsalita ito.
"Kilala mo na sya?" tanong ko.
"I saw her at Ivy's company.. nakausap ko na din sya once and she's nice" nakangiti nyang sagot.
Maya maya ay iniluwal ng pintuan ang isang magandang babae. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang taong gagawa ng gown ko.
"Denise" tawag ko sa kanya.
nakita ko din ang pagkabigla nya.
"Bianca?.. oh my gosh" alam ko nagulat sya dahil si Anthony ang alam nyang kasintahan ko pero heto ako ngayon at ikakasal sa ibang lalaki.
"Magkakilala na kayo?" tanong ni Mommy sa amin.
Tumango naman ako.
"Opo Mrs. Park nagkakilala po kami sa Italy noon" sagot naman ni Denise.
"Well then that's good atleast magiging comfortable kayo na magtrabaho ng magkakasama" singit naman ng Mommy ni Elliot.
Ngumiti naman si Denise.
"Sorry to keep you all waiting.. shall we start then?" tanong naman ni Denise.
Nagsitanguan naman kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/3874179-288-k176982.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
Roman d'amourYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...