Chapter 50

2K 29 5
                                    

Anthony's POV

Matagal lang na nakatitig sa akin si Bianca hindi nya ako sinasagot at matinding kaba ang nararamdaman ko ngayon..

"Bii?" muling tawag ko sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag ng ngumiti sya at kinuha ang box na iniaabot ko.

"Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito" sambit nya sa akin na may pilit na ngiti.

"Your funny Anthony" nagulat ako sa sinabi nya. Hinila naman nya ako ng malumayan para makatayo ako.

"Im sorry pero ayokong magpakasal sayo" pagkabigla ang naramdaman ko at para akong napako sa pagkakatayo ko

"ikaw na din ang may sabi na hindi mo ako mabibigyan ng tahimik na buhay.. kambal ang anak ko at kung hindi mo kami mabibigyan ng masaganang buhay.. paano na lang ang mga pangangailangn nila?" tanong nya sa akin.

"Bii magsisikap ako at isa pa kaya naman kitang protektahan" pagdepensa ko.

"i already have everything anthony and if i need more kayang kaya ko hilingin yun.. isa pa paano mo ako proprotekhan. kung ikaw mismo ang nagpadukot sa akin dito" sambit nya.

"im sorry i just want to let you know what kind of life you will be facing if you choose me.. pero hindi naman to mangyayari dahil gagawin ko ang lahat para protektahan ka" pagpapaliwanag ko. Sumobra nga ata ako.. mali nga ata talaga ang idea na pagpropropose ko sa ganitong paraan.

"i dont like this kind of life Anthony.. isa pa hindi ko inisip na totoo mo pala akong mahal" sambit nya na kinakunot naman ng noo ko.

"Hindi mo ba mafigure out? kailangan ko lang ng makakasama kasi malungkot ako.. kasi magisa ako.. kasi iniwan ako ng ama ng mga anak ko.." bumuntong hininga sya.

Hinawakan nya ang kamay ko at ibinalik ang box ng singsing.

"i dont have a plan to fall for you lalo na ang pakasalan ka.. im sorry pero game's over" naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay nya.

Nagsimula syang maglakad at nilagpasan ako..

Pero hinawakan ko ang kamay nya kahit a hindi nya ako nilingon.

"Sorry kung dinukot kita at nagpropose ako sa ganitong paraan.. sorry kung inaya na kita magpakasal agad.. sorry kung napaaga ang paghingi ko ng kamay mo.. im sorry kasi nasabik akong makasama ka at makita ang mga bata na lumalaki.. hindi ko din alam bii sa totoo lang gustong tawagin akong Daddy ng Kambal gusto kong maging ama nila at gusto ko kayong alagaan.." sambit ko tahimik lang si Bii

"Bii please give me another chance i'll fix everything.. sorry kung nagmadali ako but i'll do it again and again because i love you.. i need you and i want to be with you.. if you need space sige.. i'll give it to you.. sorry ulit" hinigpitan ko ang pagpisil ng sa kamay nya.

"Sorry Anthony wala ng next time kasi balak ko naman talagang makipaghiwalay na sa iyo.. we're over.. Goodbye" binawi nya ang kamay.. hindi pa din nya ako nililingon. Pinagmasdan ko sya habang palayo sya.

Hindi tama ang mga nangyayari.. Napatingin ako sa kamay ko na ginamit ko para hawakan sya. If she's serious bakit sya nanginginig.

Hinabol ko si Bii at hinawakan sya sa braso napahinto naman sya.

"Kung hindi mo na ako mahal at sinasabi mong tapos na tayo.. sabihin mo iyan ng nakatitig sa mga mata ko.. kasi hindi ako naniniwala alam ko may problema.. sabihin mo sa akin Bianca.. kaya naman nating harapin ang lahat hindi ba?" buong loob kong sabi ramdam na ramdam kong may mali at hindi totoong hindi nya ako minahal imposible napakaimposible.

Humarap naman sa akin si Bianca.

"Thank you Anthony kasi natututo ako ng maraming bagay dahil sayo.. i experience a lot.. Natuto akong tumakas ng bahay para makipagkita sayo.. natuto akong umuwi ng madaling araw at patago sa magulang ko. naranasan kong maging isang normal na kabataan." ngumiti sya

"Hindi mo ako kilala im just bored! nagawa ko na yung gusto ko at hindi na kita kailangan.." nakatitig sya ng diretsyo sa mga mata ko.

"Mahal na mahal kita" yun lang ang nasabi ko at tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.

"Hindi kita mahal at ni minsan hindi kita minahal" buong pagmamatigas nyang sabi sa akin. Tinangal ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso nya. Tumalikod naman sya agad at iniwan ako. Pinagmasdan ko lang syang umalis at sumakay sa isang taxi.

"Bianca.." nasambit ko na napakuyom sa mga kamao ko. "Hindi ako susuko at aalamin ko ang totoo".

--

[A/N: sorry sabaw saba ang update ko! super busy ko kasi at stress reliever ko ang pagsusulat kaso parang sabog pa din ako hahaha]

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon