Chapter 24 Decisions

2.6K 54 1
                                    

Elliot's POV

Tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni Bianca. Nang isugod sya sa hospital ay hindi na kami nakasama ng parents ko. Pinigilan kami ni Lolo.. oo nagaalala kami sa kalagay nya lalo na ako dahil anak ko ang dinadala nya.

Gustong gusto kong samahan sya ang manatili sa tabi nya pero sabi ni lolo usapang pamilya na raw nila iyon at hindi kami dapat makialam hiniling din ni lolo john na manatili kaming tahimik sa usapin na ito.

Tumawag noon si Mommy para kamustahin si Bianca at nalaman namin na nastress daw itong masyado. Okay naman na daw sya at maayos din ang baby pero kung magpapatuloy sya ng ganito ay makakasama na raw ito sa batang dinadala nya.

Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano na maayos naman sila. Gusto kong alagaan si Bianca lalo na't ina sya ng magiging anak ko pero naguguluhan ako sa damdamin ko. Naalala ko tuloy ang napagusapan namin ni Dad sa library ng bahay nila Bianca.

Tinanong nya ako kung anong tingin ko kay Bianca. Every man dreams of a perfect wife.. a perfect partner at sa palagay ko maihahanay si Bianca sa iilang babaeng iyon. Pero yun nga lang kulang sa pagaayos si Bianca maganda naman sya pero konting ayos pa at mas lalong lilitaw ang kagandahan nya.

Hindi ko naman sinasadyang matawag syang manang noon pero hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang kakulangan nyang iyon.

Madalas pa din kaming nagkikita ni vy halos oras oras nga ay naisisingit ko pa sa abala kong trabaho ang sagutin ang mga txt at tawag nya. Pero sa twing hawak ko ang cellphone ko at naguusap kami ay naiisip ko si Bianca.. Naiisip ko ang kalagayan nya. Minsan naiisip ko din na kung maayos kaya kaming dalawa ay naguusap din ba kami tungkol sa mga pagbabago nagaganap sa katawan nya.

Sa tuwing lalabas kami ni ivy ay naiisip ko rin sya lalo na pagdating sa pagsho-shopping ilang linggo lang at kailangan na din nyang mamili ng mga maternity clothes para hindi maipit ang lumalaki nyang tyan. Naiisip ko din sya sa twing kumakain kami sa labas ni vy.. kung ano kayang pagkain ang pinaglilihian nya. Hindi ko maintindihan pero gusto kong makita ang lahat ng pagdadaanan nyang pagbabago sa pagbubuntis nya at ang higit sa lahat gusto kong makasama sya at alagaan sya. Hindi ko alam kung pagmamamahal na ba ito pero ang alam ko lang kailangan kong gawin ang tama at iyon ay ang panindigan sya.

Tinapos ko na agad ang mga trabahong dapat kong tapusin pagkatapos ay itinext ko si Ivy na gusto kong makipagkita may nais akong pagusapan namin.

Naghahanda na ako agad ng pumayag sya magkikita kami sa coffee sya malapit sa subdivision nila. Pauwi na rin daw kasi sya at malapit na doon kaya naman agad kong kinuha ang susi ng kotse at umalis ng opisina.

Kinakabahan ako at di mapakali pero kailangan kong gawin ang tama. Mahal ko si Ivy mahal na mahal pero hindi ko maatim na naghihirap si Bianca magisa.. na nagiisa syang hinaharap ang dapat magkasama naming nilalagpasan na pagsubok.

Pagkarating ko doon ay nakita ko na agad si vy sa dulong bahagi ng shop sa paborito naming lugar kung saan tahimik at kahit papaano ay masasabi mong may privacy ka.

Bumuntong hininga ako at pagkatapos ay lumapit sa kanya. Ngiti ang agad nyang sinalubong sakin kasabay ng isang halik sa pisngi.

"I miss you" agad nyang bungad pagkaupong pagkaupo ko.

"Gusto mo bang umorder na?" tanong ko agad ng makita na tubig lamang ang nasa table.

Umiling lang sya. "Maya-maya na busog pa naman ako.. so ano nga ba yung paguusapan natin?" tanong nya sa akin.

Mas tumindi ang kaba na nararamdaman ko ngayon pero bahala na kailangan ng maitama ang lahat. Bumuntong hininga ako.

"Ivy.. im sorry" bungad ko

"for what?" kunot noo nyang tanong.

"Gusto ko ng makipaghiwalay.. magbreak na tayo vy" diretsyo kong tugon. Sumasakit ang puso ko at parang dinudurog ng pinong pino nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya. Her eyes starts to become wet.

"Hey baby.. ano bang joke to" maiyak iyak nyang tugon sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko na parang nagmamakaawa na sabihin kong nagbibiro ako.

Natahimik ako at alam ko na maiiyak na din ako hinigpitan pa nya lalo ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Elliot naman.. stop joking.. hindi na nakakatuwa" sambit nya.

Binawi ko kamay ko sa pagkakahawak nya.

"Im sorry Vy but it's over.. Break na tayo" tumayo na ako at tinalikuran sya ayoko ng makita pa syang umiiyak at nasasaktan. Minsan iniwan na nya ako at hindi ko inisip o kailan man inisip na gagawin ko ito.. na sasabihin ko ang mga katagang iyon. Pasakay na sana ako ng kotse ko ng may yumakap sa likuran ko naramdaman ko ang luha sa likod ko.

"Elliot naman e.. please dont do this to me please" si Ivy nagmamakaawa sa akin

"Im sorry but this is really is goodbye vy.. im really sorry" pinilit kong tanggalin ang pagkakayakap nya at ng magawa ko ay agad akong sumakay sa kotse at pinaandar ito. Umaagos na ang aking mga luha at ayokong makita nya iyon. Napatingin ako sa side mirror at nakita syang tumatakbo at hibahabol ako umiiyak at kahit hindi ko pa sya naririnig alam kong pangalan ko ang isinisigaw nya. Mas binilisan ko ang pagmamaneho..

"Tama na vy.. ayaw kitang nakikitang ganyan" nasabi ko sa sarili walang tigil na tumutulo ang mga luha ko God knows how much i wanted to stop this car and run to her. But i already made my decision and i choose Bianca and my baby over her.

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon