Chapter 54

1.9K 27 2
                                    

A/N: May chapter 53 po ah baka di nyo nakita ^^

----

Anthony's POV

Kanina pa ako nakatayo at nakatago dito sa simbahan nakita ko Nang bumaba si Bianca sa magandang karwahe napakaganda nya sa suot nyang wedding dress. Napaka amo ng mukha nya kahit na natatakpan pa ito ng belo.

Dumating ako ng pilipinas kaninang umaga lang pagkatapos aminin sa akin ni Mommy ang dahilan ng biglaan naming pagbabakasyon sa Korea.

Ngayon ikakasal si Bianca sa ama ng kanyang mga anak.

Nakita ko si Denise sa loob.. sumama ang loob ko sa kanya dahil matagal na pala nyang alam ang tungkol sa kasal pero nang sabihin nya sa akin kung saan at kung anong oras ang kasal ay kahit papaano naibsan naman ang sama ng loob na nararamdaman ko alam kong kaibigan ko sya..namin ni Bianca at may dahilan sa paglilihim nya sa akin tungkol sa bagay na ito.

Pakonti-konting nadudurog ang puso ko habang pinapanood sya ngayon habang hawak hawak ng lalaking iyon ang mga kamay nya... habang nakikita ko syang ngumingiti at masaya.

"If any man can show just cause to why they may not lawfully be joined together let him now speak, or else hereafter forever hold his peace" narinig kong sambit ni Father

Tahimik lang akong namamasid pero gusto ko ng sabihin

ako po father tumututol po ako sa kasalang ito.

Mahal na mahal ko po ang babaeng kasama ng lalaking iyan sa harapan nyo.

Pero pinili kong tumahik dahil nakikita kong masaya sya ngayon at nakangiti sya sa harap ng lalaking iyan.

"Bianca, do you take Elliot to be your Husband? Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?"

Para akong sinasaksak sa pwesto ko ngayong magkaharap sila at magkahawak ng kamay.

Pero nabigyan ako ng pag-asa ng hindi makasagot si Bianca. Napakuyom ako..

Please listen to your heart Bianca... please...

Tahimik akong nagdadasal pero narinig ko syang nagpaliwanag at sobrang kaba lang daw ang nararamdaman nya..

Pakiramdam ko ay pinakukuluan ako sa pwesto ko ngayon at parang hindi ko na makakaya pang manood at mapigilan ang sarili ko..

"Bianca, do you take Elliot to be your Husband? Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?" muling tanong ni Father sa kanya.

Hindi ko na kaya...

Nakapagdesisyon na akong lumabas ng simabahan hindi ko na kaya pang masaksihan ang pagiisang dibdib nila.

Wala na si Bianca sa buhay ko.. wala akong lakas ng loob na sirain ang kasal nya..

Napakaganda ng gayak ng simabahan mula pa kanina sa pagdating nya sakay ng pumpkin na karwahe alam na alam ko na ito ang dream wedding nya.

Napapikit na lang ako parang hindi kasi ako makagalaw sa sobrang sakit ng dibdib ko..

"Hi nii"

"Ano ba yang ginagawa mo?"

"Nii naman ehh"

naririnig ko ang boses ni Bianca sa isip ko. Ang malambing nyang boses ang mga tawa nya.. Ang mga ngiti nyang gustong gusto ko...

Parang gusto ko nang magsisi na wala akong ginagawa ngayon na hinahayaan ko syang makasal pero hindi ko kayang guluhin ang dream wedding ng babaeng nagpatibok at nagbago ng buhay ko ng sobra.

Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon