Bianca's Mom POV
Ikinagulat naming lahat ang pagpasok ni Bianca sa bahay. Nagulat kami sa malakas na pagbukas ng pintuan. Paalis na sana kami para bumalik sa opisina nagkaroon kasi ng problema. Humahangos sya at humahagulgol na nilagpasan kami. Agad namin sya sinundan ng secretary ko. Duniretsyo sya sa kwarto nya. Nagaalala ako.. Ano bang nagyari sa kanya buti na lamang at na kina Elliot ang mga apo ko.
"Bianca.. anak" katok ko sa pintuan ng kwarto nya.
"What happened to you baby.. please open the door" kinakabahan kong pakiusap sa kanya.
"Anak please" tawag kong muli ng hindi sya sumasagot.
"Just leave me alone my im fine! i just need space so leave me alone!!" malakas nyang sigaw mula sa loob.
Napatingin ako sa secretary ko at nakita ko ang lungkot sa mukha nya.
"Im sorry Adelle.. sa tingin ko kailangan ka din ng anak mo ngayon.." baling ko sa kanya kasabay ng buntong hininga.
"Im really sorry.. sana maintindihan mo" pagpapatuloy ko.
"Naiintindihan ko naman po" tugon nya kasabay noon ay naglakad kami palayo ng silid ni Bianca.
Ngayong araw nagkita ang dalawa at sa nangyayari ngayon sa anak ko sigurado akong sinunod nya ang gusto ng Lolo nya para sa kanya.
----
Bianca's POV
"Mahal na mahal kita Bianca.. Mahal na mahal kita Bianca.. Mahal na mahal kita Bianca" tinakpan ko na ang tainga ko at tahimik na nakadapa sa kama pero hindi pa din maalis sa isip ko ang sinabi ni Anthony..
Ang mga nagyari kahapon. Tama kahapon dahil alos-dos na ng umaga ngayon pero gising na gising pa din ako at iniisip ang lahat lahat.
Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko. Iniwan ko ang lalaking pinapangarap kong makasama. Iniwan ko sya kahit alam na alam kong mahal na mahal nya ako.
Muli kong ipinikit ang mga mata at inalala ang mga nangyari kanina.
*Flashback*
Matagal lang akong nakatitig sa kanya at hindi ako makasagot sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon..
"Bii?" muling tawag nya sa akin.
Nang makabawi ako ng lakas ay kinuha ko ang box na iniaabot nya.
"Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito" sambit ko na may pilit na ngiti.
"Your funny Anthony" halatang nagulat sya sa sinabi ko. Hinila ko naman sya ng malumayan para makatayo sya.
"Im sorry pero ayokong magpakasal sayo" nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya.
"ikaw na din ang may sabi na hindi mo ako mabibigyan ng tahimik na buhay.. kambal ang anak ko at kung hindi mo kami mabibigyan ng masaganang buhay.. paano na lang ang mga pangangailangn nila?" tanong ko
"Bii magsisikap ako at isa pa kaya naman kitang protektahan" pagdepensa nyang sagot sa akin.
"i already have everything anthony and if i need more kayang kaya ko hilingin yun.. isa pa paano mo ako proprotekhan. kung ikaw mismo ang nagpadukot sa akin dito" Pagpapatuloy ko.
"im sorry i just want to let you know what kind of life you will be facing if you choose me.. pero hindi naman to mangyayari dahil gagawin ko ang lahat para protektahan ka" pagpapaliwanag nya.
Oo Anthony alam na alam ko na magagawa mo iyon alam ko na babantayan mo ako at ang kambal alam na alam kong ligtas kami sayo.
"i dont like this kind of life Anthony.. isa pa hindi ko inisip na totoo mo pala akong mahal" pagsisinungaling ko na kinakunot naman ng noo nya.
Please naman maniwala ka dahil mas lalo akong nasasaktan sa mga sinasabi ko ngayon.
"Hindi mo ba mafigure out? kailangan ko lang ng makakasama kasi malungkot ako.. kasi magisa ako.. kasi iniwan ako ng ama ng mga anak ko.." bumuntong hininga ako. Tahimik lang sya at alam kong naguguluhan sya sa mga sinasabi ko ngayon.
Hinawakan ko ang kamay nya at ibinalik ang box ng singsing.
"i dont have a plan to fall for you lalo na ang pakasalan ka.. im sorry pero game's over" pagmamatigas ko. My hands start to shake and my tears want to fall already pero kailangan kong magmatigas para sa ikakabuti sa kanya.
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Hindi ko na kaya alam kong bibigay na ako kaya kailangan ko ng umalis.
Pero hinawakan nya ang kamay nya ang kamay ko na kinabigla ko.
"Sorry kung dinukot kita at nagpropose ako sa ganitong paraan.. sorry kung inaya na kita magpakasal agad.. sorry kung napaaga ang paghingi ko ng kamay mo.. im sorry kasi nasabik akong makasama ka at makita ang mga bata na lumalaki.. hindi ko din alam bii sa totoo lang gustong gusto kong tawagin akong Daddy ng Kambal gusto kong maging ama nila at gusto ko kayong alagaan.." sambit nya.
Natahimik lang ako at napapikit. Tama na please dahil kahit ako gusto kong makasama ka. Alam kong magiging mabuti kang ama para sa mga anak ko.
"Bii please give me another chance i'll fix everything.. sorry kung nagmadali ako but i'll do it again and again because i love you.. i need you and i want to be with you.. if you need space sige.. i'll give it to you.. sorry ulit" hinigpitan nya ang pagpisil ng sa kamay ko.
"Sorry Anthony wala ng next time kasi balak ko naman talagang makipaghiwalay na sa iyo.. we're over.. Goodbye" binawi ko ang kamay ko pero hindi ko pa din sya nililingon. Hindi ko kaya.. Vaka tuluyan ko ng di mapigilan ang mga luha ko.
Binilisan ko ang paglalakad i really need to get out of this place now.
Pero hinabol nya ako at hinawakan sa braso.
"Kung hindi mo na ako mahal at sinasabi mong tapos na tayo.. sabihin mo iyan ng nakatitig sa mga mata ko.. kasi hindi ako naniniwala alam ko may problema.. sabihin mo sa akin Bianca.. kaya naman nating harapin ang lahat hindi ba?" sambit nya.
Bakit ka ba ganyan Anthony. Wag mo na akong pahirapan utang na loob hindi ko na kaya maniwala ka na lang na hindi na kita mahal.
Humarap ako sa kanya na may ngiti pilit kinukubli ang sakit na pumapatay sa akin ngayon.
"Thank you Anthony kasi natututo ako ng maraming bagay dahil sayo.. i experience a lot.. Natuto akong tumakas ng bahay para makipagkita sayo.. natuto akong umuwi ng madaling araw at patago sa magulang ko. naranasan kong maging isang normal na kabataan."
"Hindi mo ako kilala im just bored! nagawa ko na yung gusto ko at hindi na kita kailangan.." nakatitig lang ako sa mga mata nya na puno ng kalungkutan. Napakahirap magsinungaling alam mo ba yun kasi sarili ko mismo ang nasasaktan ko sa mga sinasabi ko.
"Mahal na mahal kita" Napatigil ako bigla sa sinabi nya ikinagulat ko ang din lalo ang pagpatak ng mga luha nya.
"Hindi kita mahal at ni minsan hindi kita minahal" buong pagmamatigas na sabi ko sa kanya. Binitawan nya ang braso ko kinuha ko ang pagkakataong iyon para umalis mabuti na lamang at may dumaang taxi kaya magpahatid ako agad pauwi. Buong byahe ko kinimkim ang sama ng loob na nararamdaman ko.
Im sorry Anthony i just want the best for you im really sorry.
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomansaYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...