Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay nakaupo sa Sala at naghihintay. Nagprisinta si Ate Adelle na sya ang magluluto ng dinner today Gusto raw nya kasing ipagluto ang anak.
"My name is Bianca" pagpapakilala ko na inilahad ang kamay. Kanina pa kami magkasama pero hindi ko man lang naipakilala ang sarili ko.
"Im anthony" tugon nya na iniabot ang kamay ko. Ngumiti lang ako.
"I heard a lot about you" tugon ko ng mamayani ang katahimikan sa pagitan namin.
Kumunot naman ang noo nya.
"Your mom talked about you all the time your lucky she loves you so much" Pagpapaliwanag ko.
"Thanks and sorry nga pala nasungitan kita tsk!" tugon nya.
"It's fine" maikli kong tugon. "Sorry Tonio" pagpapatuloy ko.
"For what?" tanong nya.
"Your mom misses you everyday at inilayo ko sya sayo. Naabala ko sya dahil sa sitwasyon ko." Tugon ko habang hinihimas ang tyan ko.
"Nah.. it's fine im used to it na malayo si mommy.. busy sya madalas pero hindi naman sya nagkukulang" Sagot nya.
"I told my mom na kaya ko naman ang kaso mapilit sya at si Mommy mo pa ang pinasama sa akin.. My mom trust her so much" nakangiti kong tugon sa kanya.
"I met your mom when i was still in highschool and that's also the first time i saw you" Pagkukwento nya.
"Really? Hindi ko matandaan im sorry" may lungkot na pagkakasabi ko.
"Nakita lang kita kasama sya.. Nagpunta ako noon sa office nyo kasi nakalimutan ni Mommy ang cellphone nya sa pagmamadali at alam kong importante yun kaya dinala ko sa kanya." Pagpapatuloy nya.
"Naalala ko ayaw pa nga ako papasukin noon pero nagpupumilit ako.. and then your mom came.. asking them kung anong problema." Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"She looks sophisticated akala ko nga ay tatarayan ako. But then she approached me tinanong nya ako kung sino ang kailangan ko sinabi ko na hinahanap ko si mommy.. nagulat ako nung niyakap nya ako.. i wouldn't forget about it" Nakangiti nyang sambit.
"She said she's happy to meet me at secretary nya si Mommy." Tinignan nya ako sa mata.
"Your also lucky to your mom she's nice" Pagpapatuloy nya.
"She is and im proud of her but still nadisappoint ko sya." May lungkot kong sambit.
"I dont know anything about the situation you are in.. but having my mom here with you means your.." Hindi ko na sya pinatapos pa.
"Yes i'am a single mom" may lungkot na pagputol ko sa kanya.
"Dont get me wrong kahit kailan hindi bumaba ang tingin ko sa mga single mom.. i know how hard the situation is.. i see it on my own eyes" He assures me.
"Thank You" nginitian ko sya.
"So nasaan na sya?" tanong nya sa akin
Kumunot ang noo ko "Ahh.. ang Daddy nya?" tanong ko. Tumango naman sya.
"With the girl she loved" Nakangiti kong tugon.
"Same as my girlfriend she's with the person she loves" nakita kong lumungkot ang mukha nya.
Magtatanong pa sana ako tungkol sa kanya ng Dumating si Ms. Adelle o Ate Adelle kung tawagin ko.
"Nakahain na.. kumain na tayo" Nakangiti nyang aya samin. Tumango naman kami at nagpunta sa kusina.
Ipinaghila ako ni Tonio ng chair. Napaka gentleman nya. I bet kahit suplado sya ay magkakasundo pa din kami. Masaya ako na nakahanap ako ng bagong kaibigan sa kanya.
---
Pagkatapos maghapunan ay ako na ang nagprisinta na maglinis ng pinagkainan namin marunong naman ako ng mga gawaing bahay kahit na laki ako sa karangyaan isa pa gusto ko din kasi mabigyan ng oras para magkasama ang mag-ina.
I miss my mom pero may iniwan akong responsibilidad sa kanya. Dadalaw naman daw sya dito pero kailangan muna nyang matapos ang mga naiwan kong trabaho.
Nang matapos ako ay nagpaalam naman na si Tonio na aalis na.
"Aalis ka na? bakit hindi ka na lang dito magstay?" may lungkot kong tanong sa kanya.
"I booked a room sa isang hotel dito" he simply answered me.
"Ganon ba.. pero gabi na oh and welcome ka naman dito.. besides kami lang dalawa ang nandito may isa pang vacant room dito sa bahay. so please stay here" i keep on insisting.
"Nakakahiya" sagot nya.
"Hay naku ano ka ba! wag ka ng mahiya.." sagot na inunahan sya sa pintuan para maisara ito humarang ako dito. "Wala ng lalabas okay?" utos ko
Nakita ko syang tumawa at ang cute nya sumingkit lalo ang mga mata nya.
"Ang Kulit mo talaga" sambit nya na nakatawa
"So paano aakyat na ako para ayusin ang kama mo" Singit sa amin ni ate adelle
"like i have any other choice" tugon nya at pagkatapos ay nagkatawanan kami.

BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomanceYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...