Bianca's POV
Katulad ng nakagawian na namin tuwing linggo ay nagsimba kami bilang isang pamilya, ang kukulit na ng kambal, tatlong taon na ang nakakalipas simula ng gumawa kami ng desisyon. Tatlong taon ko na din syang hindi nakikita.
Masya kaming lumabas ng simbahan ni Elliot, nakakatuwa kasi ang munting pagtatalo ng mga anak namin.
Nakagawian na kasi namin na pagkatapos ng simba ay bibili kami ng ice cream at manonood ng movies na mapipili ng kambal.
We let them decide the flavor, alternately. This week si Marco ang pipili pero nagpupumilit si Alie.
"I want chocolate chip, beside im your princess so you should let me decide" maktol ni Alie.
"Your being unfair! its my turn" sagot naman ni Marco.
Ginulo ni Elliot ang buhok ni Alie.
"Let your brother decide.. ikaw na last week hindi ba?" nakangiting sambit nito.
"Okay" she answered while pouting.
"Fine! lets have chocolate chip" sagot naman ni Marco at saka nagmamadaling pumunta sa naghihintay na kotse.
Nagkatinginan naman kami ni Elliot at sabay na natawa. Ganyan na ganyan din kasi kami ng mga bata pa kami, parati din nya akong pinagbibigyan.
---
Magkasama kami ni Elliot sa iisang bahay, pero hiwalay ng kama. Magkatuwang kami sa pagpapatakbo ng business ng family namin at sa pagaalaga sa kambal.
Parehas na nakaupo sa sahig ang kambal habang nasa couch kami ni Elliot, nakaabay sya sa akin habang nakasandal ang ulo ko sa mga balikat nya.
Nanood kami ngayon ng How to train your dragon's na napili ng kambal.
Tatlong taon na ang nakakalipas pero hindi ko pa din maibigay ng buo ang pagmamahal ko para sa kanya.
Hindi ko maiwasang hindi sya maisip lalo na ngayon na nakita ko sya, nakita ko kanina si Anthony, sa simbahan.. Kasama si Ivy at ang anak nila.
Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari sa hospital three years ago.
*Flashback*
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang naglalakad papunta sa silid ni Anthony, nandito ako sa hospital ngayon, sabay kasi silang madidischarge ngayon ni Lolo. Nagpunta ako dito para makita at makausap sya.
Kakatok na sana ako, pero nakauwang nang bahagya ang pintuan at hindi ko sinasadyang marinig ang isang usapan.
"At hanggang kailan mo naman balak magsinungaling ha?!" narinig ko ang medyo mataas na boses ni Ivy,
"We already talked about this" mariin na sagot ni Anthony.
"Paano mo to nagagawa sa kanya? Paano mo nagagawang magsinungaling kay Bianca?" tanong ni Ivy. Nagulat ako nang malamang ako ang pinaguusapan nila. Nagsisinungaling sa akin si Nee? anong ibig nyang sabihin?
"Alam mo naman na.." hindi na natapos ni Anthony ang sasabihin ng putulin ito ni Ivy.
"Na ito ang tama? na itago sa kanya na hindi mo naman sya nakalimutan.. na palabas lang ito para hindi sya mas masaktan" narinig ko ang buntong hininga ni Anthony, napatakip ako sa bibig ko dahil sa mga sinabi ni Ivy, what does she mean? niloko ako ni nee at nagpapanggap syang nakalimutan ako? pero bakit? gulong gulo ang isip ko.
"I love her.. i love her that much Ivy" sagot ni Anthony.
"Nahihirapan na sya because of me, nahihirapan syang pumili at hindi ko iyon gusto" pagpapatuloy pa nya.
BINABASA MO ANG
Marrying my Bestfriend's Ex-Boyfriend (Completed and under editing)
RomanceYou have been dumped by your boyfriend na akala mo forever mo ng makakasama, He was dumped by the girl she loved the most... and hoala! the next thing you know is waking up in the same bed with him! and that sudden turn takes the greatest change in...