01

468 17 6
                                    

I have always been a sucker for books and poetries.

I have always loved each character even though they were just fictional. It was as if I would gladly live in their world and just leave my life here. I love them so much to even think of that.

I know many people could relate. Maganda naman kasi talaga ang mundo sa pagitan ng bawat pahina. The main character would fall in love and me, as a reader, will fall, too. Laging ganoon. And I couldn't ignore the fact that even if it's just fiction... masarap sa pakiramdam na parang ikaw mismo ang nasa librong 'yon. Or... at least, for me.

Gano'n pa man, I'd like to think that I'm a unique character in my own life. I flirt a lot. I hunt boys like I would die without them. Truth is, I can live without them. I hunt... no. I find boys because I'm so in love with the books I read that I want to also experience it in real life. And the only thing I know how to, is to find a real man that will make me experience so.

Marami na 'kong nagustuhan. Isa lang ito sa napakarami. Pero ewan ko, kakaibang itsura ang mayroon siya. Perpekto halos ang mukha. May lahi ata siya kaya gano'n? Hooded eyes. Pointed nose. Perfectly defined jawline. The lips. Especially... a snob. Hindi ko nga alam na mayroon pala talagang gano'n sa totoong buhay! Lagi ko lang 'yong nababasa sa mga libro. Ang kadalasan kong nakikilala ay 'yong mga mapaglaro. Tingin ko, nahihiwagaan lang ako na mayroon talagang ganito pero, eh, pogi rin kasi! Bumalik ang tingin ko sa profile ng lalaking nagustuhan ko kanina.

He's really handsome. And his name... Hinawakan ko ang bibig dahil sa pagtili. Nasa kwarto ko na ako ngayon. Nagpapahinga dahil katatapos lang manood noong game kanina sa school. I got back to my normal expression when Gia, one of my friend, messaged me.

Gia: Pokpok ka may crush ka na namang bago pero dahil mabait akong best friend meron pa raw game mamaya kasama crush mo. Punta ka rito nasa foodcourt kami sa SM nood tayo mamaya, ha? May crush din kasi ako. Salamat.

Nanlaki ang mata ko!

Janela: Seryoso ba?!

Gia: Ay hindi, 'te. Bahala ka na raw sa buhay mo

Natawa ako pero hindi ko maitago ang excitement! Yes! Agad akong lumabas sa maliit kong kuwarto at dumiretso sa sala kung saan madalas si Nanay.

"Nay, punta po ako kay Gia, ha! May crush po ako kaya nonood po kami basketball sa school!" Agad-agad kong sinabi.

Tumawa sa 'kin si Nanay at pinagpatuloy lang niya ang panonood ng TV.

Matagal ng patay ang Tatay ko, o, ayon ang sinabi sa 'kin ni Nanay. Bago pa lang daw ako ipanganak. But deep inside, I know, he's alive. Base pa lamang sa palagiang pag-iwas ni Nanay sa topic tungkol sa kanya, halata ko na iyon. Also I don't really care much about him because according to Nanay, he also didn't really care for us even though he knew that my mother's pregnant with me. Though, he left a huge amount of money for me raw bago siya tuluyang namatay. Iyon ang ginagamit namin ngayon sa pag-aaral ko. Well, Nanay has this huge pride but then she knew that she can't raise me without my father's money. Kaya iyon nga ang nangyari.

"'Pag-umuwi ka rito't wala ka namang napala, palalayasin lang kita!" pagbibiro niya.

Sumimangot ako kay Nanay, "Nay naman! Siyempre, kailangan ko munang pakitaan ng moves ko bago niya 'ko magustuhan din!"

"Asus!" tiningnan ako ni Nanay ngayon, "'Yan din ang sinabi mo noong nakaraang buwan."

"Ouch!" maramdamin kong hinawakan ang dibdib ko.

Pumasok na 'ko sa kwarto ko ulit at nagbihis ng panibagong damit. Nang makuntento sa ayos ay nagpaalam na 'ko. Nakarating naman agad ako sa SM dahil isang sakayan lang 'yon ng jeep. Agad din akong pumunta sa taas kung nasaan ang food court.

Aiming for HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon