33

116 6 1
                                    

He's the client?!

Hindi ko na alam kung paano natapos ang meeting nang umupo siya sa isang upuan. I was preoccupied because it was what I'm thinking about for the past days! Is this an opportunity? Paano ako makakahanap ng tiyempo para sabihing may anak nga kami?

Hi, Hades, long time no see! May anak tayo.

Paano ko sasabihin?!

Sorry, Hades, ngayon lang pero... may anak tayo. Okay lang kung ayaw mo sa kanya. Pero kung okay lang din sa 'yo, gusto ko sanang makilala mo siya.

Okay! That sounds right!

Kaibiganin ko ba muna siya? Para naman hindi awkward! O... mag-sorry ba ako tungkol sa nakaraan? Anong gagawin ko? Anong una sa mga iyon?!

"Ma'am," napalingon ako kay Architect Fueblo. "Ah... Are you gonna say something before I leave? Hindi mo na nasabi 'yong sasabihin mo sana."

"Ah!" naalala ko ang pagbulong ko sana sa kanya! Umiling-iling ako. "Hindi... hindi, wala 'yon. May pupunahin lang sana ako."

"Oh! Alright..." he chuckled and made his way out. However, natira ako sa board kasama ang nagsasalita kanina para i-discuss sa 'kin ang mangyayari. Iyon ang trabaho ko, e. At isa pa, kailangan ko 'tong masabi kay Tatay.

Tumayo na ako papunta sa harapan, para puntahan si Jayvee. Isa siyang gay na siyang nag-discuss kanina. Habang nag-aalis-an na ang lahat ay iniisip ko kung kakausapin ko muna si Hades o ano. Paano ko naman siya makakausap? Let's talk? What?

"Jayvee," I called her and she responded immediately.

"Ah, ma'am... Wait, I'll email you the presentation and... S-Sir?" lumampas ang tingin niya sa 'kin.

"Sir?" inosenteng tanong ko at tiningnan ang nasa likod.

Damn it, it was Hades! Kumalabog ang puso kong inakala kong patay na. Damn it! Just damn all, really! Nakakurap-kurap ako. Maliban kay Ares, siyempre. At kay Gia. Kendall. Harry. At kay Tatay. At kay Nanay. Hunarap ako sa kanya.

"Sir," medyo yumuko ako para pagbati. Nag-angat din ako ng tingin agad.

He was also looking at me. I couldn't though! Iniwas ko na agad ang tingin at hinarap naman si Jayvee.

"Jayvee, e-email, and?" pagtuloy ko sa sinasabi niya.

"Uh... Iyon lang naman po, Ma'am. The other documents are in my office. I'll make someone deliver it for you na lang po..." aniya. Tumango ako at huminga ng malalim bago humarap ulit sa may kay Hades dahil doon ang papunta sa may labas! Pero kailangan kong kaibiganin 'di ba?

Okay, you can do it, Janela!

"Thank you for trusting us, sir." paunang sinabi ko kay Hades, nag-rap yata ako! Napansin ba nila 'yon?! Nakakahiya naman 'to! "We'll do our best."

Hades' brow arched.

"I'm not sure about that." he stated.

"Sir?" tanong ko. Anong I'm not sure? Gagawin namin ang best namin, ah! God! Seeing him this close after years of being far away from each other... Gumuhit ang paningin ko sa bawat parte ng mukha niya. Goddamn it, napaka-gwapo talaga.

"I want a good renovation. I want to make sure you'll do your best." aniya, hindi ko alam kung bakit nagtunog mas malalim ang boses niya ngayon. It sounded like a newly awaked voice. What the fuck, Hades? Halos manginig ako.

"We'll do our best, Sir. We promise you that po!" singit ni Jayvee.

Lumingon si Hades sa kanya at kumunot ang noo bago tumingin ulit sa 'kin. Hindi na nakapagsalita si Jayvee. Anong ibigsabihin no'n?

Aiming for HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon