"Anak, puwede bang ikaw muna ang um-attend sa party na 'to? Isama mo si Ares, hija. May meeting kasi akong naipangako sa isang kliyente," sabi ni Tatay.
For the past years, nang lumaki na si Ares, natanggap ko ring kailangan niya ng yaya. Hindi naman sa hindi ko na aalagaan si Ares dahil alam ko pa rin naman sa sarili kong inaalagaan ko siya pero nagkaroon ako ng trabaho, hindi na online, sa kompanya ni Tatay kaya naman pumapasok ako. Kaya kumuha na ako ng yaya para mag-aalaga kay Ares kapag wala ako.
Noong una, hindi ko talaga matanggap at wala ako halos magustuhang kasambahay para alagaan siya but you know... Sometimes, you gotta accept that you need something you swore you won't need forever. Kaya naman nang makilala ko ang isang matandang babae na sobrang gaan ng kamay... gumaan din ang loob ko sa kanya. Siya ang pinili ko para bantayan si Ares kapag wala ako.
"Hindi na po kasama si Ares, Tay... he hates crowded parties..." I stated.
"Alright. Thank you, Elle."
I smiled at my Dad and went to Ares' room, para magpaalam. He didn't want me to go but I told him that I need to.
"Alright... but Mommy you owe me another one day to sleep beside me..." warning niya.
I laughed and nodded. "Deal, mahal..."
So I kissed his forehead and tucked him to bed, leaving him with Tita Mori, his yaya. Tita Mori smiled at me before I actually left. Pumunta na ako sa kwarto ko para mag-bihis. In the end, I wore a fitted silk dress which made me feel confident about myself. It's a black one and I just tied my hair and wore accessories.
For the past years that I'm raising Ares, I became careless about myself. Kahit ano na lang ang maisuot basta maalagaan ko agad si Ares. May sound so OA but it's true. Hindi kasi talaga maiwan si Ares. Kaya kahit paliligo, kailangang bilisan ko lang kasi iiyak siya kapag napansin niyang wala ako sa tabi niya. Kahit pa tulog siya nang oras na 'yon.
Pero nang lumaki na rin si Ares at nagtrabaho na nga ako, bumalik ang pag-aayos ko sa sarili.
"You look beautiful, anak." my Dad said.
Bihis na rin siya para sa sinasabi niyang meeting. I smiled and thanked him. "We have a new investor there, that's why it's important to attend. Please talk to him... and ask him about our new project in Manila. You know the details, right?" he asked.
Tumango ako at naalala nga. Nasabi nga ni Tatay ang tungkol do'n. I am managing another project so it wasn't really introduced to me that well. However, I know the name of the company. Martin's Group of Hotels. Nagpapa-design sila ng bagong hotel na itatayo nila somewhere. Hindi ko pa talaga alam ang complete details.
"Opo." sagot ko.
"I've already called Gaten at nasa labas na siya."
"Oh! Sige po, bababa na po ako. Ingat po!" sabi ko atsaka bumaba na. Nakita ko nga si Gaten sa baba. He is one of our family's driver. Only that he is the youngest. 24 pa lang yata siya. Anak siya ni Mang Ruis na isa ring driver namin.
"Ma'am," bati niya nang makita ako.
I nodded at him and went inside the SUV. Hindi ko alam kung bakit kailangang SUV ang dalhin ko pero hayaan na. I'm not that nervous when we arrived. Medyo nasanay na lang din. And damn! Ngayon ko lang naalala na hindi ko naitanong kay Tatay kung anong itsura ng bago naming kliyente! Paano ko na lang 'yon babatiin?
Camera flashed as I walked inside the venue.
"Janela Schuyler! Daughter of Christopher Guevara, right?!" a lady approached me. She's from the media! Agad akong umiwas ng tingin at kunwari'y magdidiretso na papasok dahil baka daldalin na naman niya 'ko at ipilit na pumasok sa showbiz! Maraming beses na 'yong nangyari. Bagay daw ako ro'n pero hindi ko nakikita ang sarili ko na gano'n.
BINABASA MO ANG
Aiming for Hades
RomanceShe lives in daydreamsーThat is how you may define Janela Schuyler Guevara. For a girl who's in love with books, she soon then have find it hard to resist Hades Xavier, a handsome, tall, and mysterious guy she just met. The books didn't lie. But if D...