"Si Hades! OMG ka, ha, meant to be! Kung malungkot ka pa rin hanggang ngayon, ewan ko na lang!" biglang sinabi sa 'kin ni Gia nang mamataan din siguro na nandoon nga si Hades.
Kumunot ang noo ko sa masama niyang titig sa 'kin. Naalala ko ang madalas kong gawin kapag ganyan ang tingin niya. Ngingisi dapat ako. But this isn't a normal day. Bakit ngayong nagsasaya ako... saka pa siya nandito? Nag-iwas ako ng tingin.
Nagulat naman ako nang akbayan ako ni Harry. "Nandito raw crush mo, ah? Narinig ko ro'n sa isang grupo ro'n!" ngumisi siya, "Hindi na malulungkot ang baby na 'yan..."
Umirap ako, "Para ka na namang tanga."
"Hala, malungkot pa rin? Baka naman inasar mo, Gia! Kendall!" paninisi niya sa dalawa pang kaibigan.
Umiling lang ako. Gago, Harry, hindi ka nakakatulong, ha! Kay Hades... mag-sorry kaya ako sa kanya? Kausapin ko ba? Ano bang puwede kong gawin? Naalala ko ang sinabi niya kahapon... Hindi na 'ko babalik do'n. Ayaw na talaga niya kung nasaan ako. Hindi siya makagalaw ng maayos dahil sa mga pang-aasar ko at paninipsip sa mga kaibigan niya. 'Wag na lang pala... dito na lang ako kila Harry.
I know it became my habit to tease him but maybe... maybe I just really become too much that he really transferred school just to get rid of me.
"Bakit sa lahat ng club, dito pa talaga siya?" ininom ko ang hawak kong alak.
Narinig 'yon ng tatlo kong kaibigan at nakita ko ang panlalaki ng mata ni Gia, "Beb, ikaw pa ba talaga 'yan?! Totoo ba? Naka-move on ka na pala diyan kay Hades, hindi ka manlang nagsasabi!" tunog gulat na gulat siya.
Naka-move on na ba 'ko? E, mas nagustuhan ko nga lang siya. Miss na miss ko na si Hades! Pero ayaw kong guluhin siya lalo pa't kagabi lang ay nagkausap kami.
"Excuse me," someone said.
Nag-angat ako ng tingin at ako naman ngayon ang nagulat nang makita ko si Hades sa harapan!
Narinig ko na naman ang kabog ng dibdib ko tulad ng madalas nitong ginagawa tuwing nandiyan siya. Oo nga! Bakit siya nandito?! Parang napaso ako nang tingnan niya ako. Hindi ba, hindi siya makakagalaw ng maayos kung nasa paligid ako? Dapat nga ay lumayo siya ngayon! Kasi iyon ang ginagawa ko.
"Mag-usap tayo."
"Ha?!" sabay-sabay ang reaksyon namin ng mga kaibigan ko, halos bayolente pa dahil bakit naman kami mag-uusap?!
"Uy, may secret sila," mahaba at malakas na sinabi ni Gia, nang-aasar.
Naramdaman ko na naman ang hiya kahit pa hindi naman talaga ako mahiyain! Anong secret, Gia?! Magalit na naman 'tong si Hades sa 'kin! Hindi ko na nga inaasar, e! Tumaas ang kilay ni Kendall at Harry sa 'min.
Napatingin ako kay Hades na napako na pala ang tingin sa 'kin. Galit ang mga mata niya tulad ng madalas. Kumunot ang noo ko kahit kabang-kaba na naman.
"Bakit?" nagtapang-tapangan ako.
"Mag-usap tayo," mariin niyang inulit.
Abot-abot ang tahip sa puso ko nang mapansin na mas galit siya ngayon. Ni hindi ko alam kung paano ko pa napapansin kung galit ba siya, medyo galit o galit na galit
"Dance floor lang kami! Move na, Elle, para 'di ka na malungkot. Goodbye... lovers!" pang-aasar ni Gia sabay higit sa dalawa pa naming kaibigan. Naiwan tuloy kami ni Hades sa lamesang pinagkainan namin ng mga kaibigan ko.
May kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang mga tao sa paligid kaya naman walang nakakapansin sa 'min kahit pa sikat itong si Hades. Naglakas loob akong tapatan ang titig niya. It's my fault that he's this mad... but how dare myself look at him and still fall!
BINABASA MO ANG
Aiming for Hades
RomanceShe lives in daydreamsーThat is how you may define Janela Schuyler Guevara. For a girl who's in love with books, she soon then have find it hard to resist Hades Xavier, a handsome, tall, and mysterious guy she just met. The books didn't lie. But if D...