"Janela Schuyler!" Gia, Kendall, and Harry drawled at me, stamping their feet.
Natawa ako dahil para silang mga tanga!
"Ano ba 'yon?!" tatawa-tawa kong binalingan sila. They all looked at me with an amusing faces and just went back on stomping their feet again. Mas lalo tuloy akong natawa! Ano bang meron?!
"Nagdadabog kami sa 'yo! Bakit gano'n?! Bakit meet the parents kayo agad?!" bulyaw sa 'kin ni Gia. Sumang-ayon si Harry at Kendall kaya naman nangiti na lamang ako.
"Cute n'yo," I giggled.
"Hala, beb, nagbabago ka na!" OA na reaction ni Gia! Umirap ako dahil sa talagang OA na 'yon! Ibinaba ko na lang ang bag ko sa hita at hinanap doon ang cellphone.
Nalaman na kasi nila na na-meet ko na ang parents ni Hades, kahapon lang. It felt like a surreal moment. Actually, hindi pa rin ito sa 'kin nag-si-sink in. I feel like it's a dream. Siyempre, noong isang buwan lang ay panay pa ang papansin ko sa kanya! Napahiya pa nga kami ro'n sa basketball court!
"Ayoko na talaga, Janela! Bakit ba ang ganda-ganda mo, ha?!" gigil pang dagdag ni Gia.
Nagsiupuan na rin sila sa kanya-kanyang puwesto at kinain na ang kanina pang nakahain na pagkain na kakainin na lang sana nila pero inuna pa ang pag-iinarte sa 'kin! Pagdadabog pa nga!
"Got it from my Momma," I flipped my hair and wondered about... paano nga ba 'to nangyari? Ang imposible kasi talaga!
Ni hindi ko nga alam kung ano nang label namin ni Hades. In a relationship na ba kami? Kung mga dati ko 'tong fling o manliligaw, magiging sobrang importante sa 'kin ng label pero ngayon, na-realize kong... hindi. Parang wala akong pakealam. Parang... ayos na nga sa 'kin ang ganito. Basta alam kong ako 'yong gusto niya. Basta sure ako.
Kasi iyon naman ang ibinigay niya sa 'kin.
I smiled as I think about it more. I really, really like Hades. So much. At ngayong gusto niya nga rin ako... parang hindi talaga ako makapaniwala.
Sa susunod na linggo na matatapos ang school namin. Kailangan ko na lang mag-take ng board exams. Ganoon din si Hades.
"Elle," I heard Hades call me.
Uwian na ngayon at minessage ko nga siyang magsabay kami. I don't wanna be clingy but damn, I even want to kiss his cheeks all day! I want to cuddle him!
Napatalon ako nang makita ko na nga siya. Tumakbo ako at yumakap sa kanya! Ba't parang na-mi-miss ko siya agad e kakakita lang naman namin!
He chuckled, "Missed me, huh?"
"Sobra na yata 'to, ah. Sobrang gustong-gusto na kita, Hades, unfair ka!" paiyak kong sinabi kunwari.
"Well, that's just right..." he smirked.
Umirap ako ng pabiro at kumalas na sa yakap. "Tara na! Kahit hatid mo na lang ako ro'n sa sakayan!" normal na linya ko. Ganoon din kasi ang sinasabi ko kila Gia.
"What? Ihahatid kita." aniya.
Napataas ang kilay ko at hindi na umangal. Actually, hindi ko pa pala nasasabi kila Gia na hindi ako sasabay sa kanila! Hala!
"Hala, punta muna tayo sa mga friends ko! Baka nag-iintay sa 'kin..." sabi ko kay Hades at tumango lang siya.
Nakita ko nga sila Gia, Harry at Kendall na nasa may hintayan namin. Nakita rin naman nila ako agad at nagulat pa nang kasama ko si Hades.
"Guys! Hindi pala ako makakasabay... sorry, nag-intay kayo, huhu! Bukas sasabay ako!" bungad ko sa kanila.
"Anong nag-aantay?! Walang nag-aantay sa 'yo rito! Shoo! Sumama ka na riyan sa sugar daddy mo," pang-aasar ni Gia.
BINABASA MO ANG
Aiming for Hades
RomanceShe lives in daydreamsーThat is how you may define Janela Schuyler Guevara. For a girl who's in love with books, she soon then have find it hard to resist Hades Xavier, a handsome, tall, and mysterious guy she just met. The books didn't lie. But if D...