Bumilis ang mga araw.
Nauwi sa lingo. Mga linggong naging buwan. Alam ko na noon pa man na mabilis ang oras pero ngayon lang mas nag-sink in sa 'kin 'yon. Mula sa dating pag-aaral, paggawa ng mga projects, hangout kasama ang mga kaibigan ko... Totoo ngang lumalaki ang mundo habang tumatanda.
Lumalawak din ang mga responsibilidad.
I would like to say I want to bring back those days... but I will not.
Suddenly I'm contented with the present. I don't want to live in the past or in the future. I just want to enjoy the present. I've learn how it is so important to enjoy. I've learn that I can miss something... and still be fine if it won't comeback. More so, I don't want it to comeback. I just want to live. The embarrasing past and the horrifying future won't stop me because I want to live in between.
"Anong meron? Janela, ha, busy tayo lahat sa mga buhay natin, ba't ka nagpatawag ng meeting-meeting na ganito, ha?!" OA na tanong sa 'kin ni Gia.
Sasagutin ko na sana 'yon nang makita ko si Harry na parating. God, I don't really make them feel loved because that's my love language but today, I really missed them! Lalo na nang makita ko nga si Harry na suot pa ang uniform sa school namin dati! Extra talaga kahit kailan, e!
Tumakbo ako at niyakap si Harry! "Gago, mga palabas mo! Nakakamiss lalo!" sabi ko at humiwalay. Tumawa si Harry at ngumisi.
"Aww. Kawawa naman ang baby na 'yan," he teased me but I just rolled my eyes and went back to my seat.
Hinintay ko muna si Harry makaupo para maayos silang lahat na makinig sa 'kin.
"Ano bang meron, Elle?" tanong ni Kendall.
"Hala, Kendall, nakakamiss ka ulit!" dahil nasa tabi ko lang siya ay mabilis ko siyang nayakap katulad lang din ng ginawa ko kanina noong dumating siya, "Kahit hindi ka masyado nagsasalita, mahal na mahal kita!"
"Putang-ina," Gia drawled and looked at me suspiciously. "Huy, putang-ina, 'wag mong sabihing buntis ka?!"
Huh?! Hindi ba puwedeng miss ko lang sila?!
"Huh?! Ano, gago, hindi!" agad-agad ang pag-iling ko!
Gia sighed, like a sign of relief. "Siguraduhin mo, Janela. Ang bata pa natin! Hindi ka pa stable financially! Not that Hades isn't, too, pero hindi naman 'di ba puwedeng aasa ka ro'n—"
"Okay, Gia, what the fuck ka ba, ang dami mo nang sinabi, e, hindi nga 'ko buntis!" putol ko sa sinasabi niya.
Ngayon tuloy na nabanggit niya iyon ay parang na-imagine kong may karga-karga akong bata at nasa tabi ko si Hades! Umiling ako at inayos ang sarili.
"Dapat lang! Naaalala ko pa ring ayaw mong mag-anak!"
Suminghap ako at naalala rin ang araw na iyon. Well, that's true. I just don't like the idea... especially because I'm aware that my Mom's life would be better off without me. Literally without a child. Hindi sa drama pero totoo naman, e. She could've live a beautiful life! Alam ko, dahil mayaman ang pamilya ni Nanay!
Tingnan mo kami ngayon, naghihirap, itinakwil siya ni Lola dahil sa 'kin.
Ewan ko ba.
Atsaka... hindi ko kayang bumuhay ng bata. Hindi ako handa. And I doubt that there will come a time that I'm gonna be ready. It's just... hard. Napagtanto ko 'yan noong naging kaibigan ko si Harry. He came from an abussive family. Binubugbog nila si Harry dahil sa mga mabababaw na dahilan. Doon, napagtanto ko na, paano kung maging ganoon din akong klase ng magulang? I hate it. I hate those kind of people but you will never know.
BINABASA MO ANG
Aiming for Hades
RomanceShe lives in daydreamsーThat is how you may define Janela Schuyler Guevara. For a girl who's in love with books, she soon then have find it hard to resist Hades Xavier, a handsome, tall, and mysterious guy she just met. The books didn't lie. But if D...