Unlike all the movies about being a mother that I have watched, it was so far from reality.
Gigising ako ng madaling araw kapag iiyak si Ares. Ibe-breastfeed. Minsan, naiiyak ako kapag iyak siya nang iyak at hindi ko alam kung anong gusto niya. Kakargahin ko siya... iduduyan... kahit anong gawin ko, iyak pa rin siya ng iyak. Hindi pa nakatulong na nagtrabaho ako online.
I worked at my father's company. Hindi ko maisip na mayaman talaga ang Tatay ko pero iyon nga. Ayaw ko mang doong magtrabaho dahil sobra-sobra na ang lahat ng tulong sa 'kin ni Tatay, he insisted. At wala rin namang kukuha sa 'king ibang kompanya matapos akong masisante sa trabaho. Wala ako laging tulog. My father offered to have someone to take care of my child but I refused.
I hated the idea. I hated that I can imagine my son being in another woman's arms, caring for him! Ako ang Nanay. Bakit pa ako ang naging Nanay ni Ares kung iba rin ang pag-aalagain ko ng anak ko? I hated that so much so I refused. Ayos lang na wala akong tulog. Ayos lang 'yon! Kung para sa anak ko... kung para kay Ares... ano naman, 'di ba?
Those sleepless nights were worth it, though.
"Ares! Baby Ares, oh my god, pogi-pogi naman ng baby na 'yan..." Gia screamed cutely. "Oh ny god, oh my god!" si Kendall naman iyon.
I laughed by that.
"Cute naman ng baby... cute-cute!" hahawakan sana ni Harry ang pisngi ni Ares pero pinalo ko ang kamay niya.
"Baka madumi iyan! Bawal! Magka-rashes pa 'to!" sabi ko agad.
Sinimangutan ako ni Harry at tumawa naman sila Gia at Kendall.
"Ang dumi-dumi mo, Harry!" pang-aasar ni Gia.
Kendall laughed so hard because of it. She teased Harry, too, and Harry just fight back. Parang mga bata. Parang katulad lang ng dati. I smiled at them.
"Huy, hindi mo kami anak!" kinalog ni Gia ang balikat ko.
Umirap ako sa kanya at tumawa rin. Umiyak si Ares at nagising sa ingay. Agad kong binulyawan sila Gia! Ayan kasi, e! Ang hirap kayang magpatulog!
Father entered the room. May dala-dala siyang pagkain, para sa 'min. Ibinaba niya 'yon sa coffee table malapit sa crib ni Ares at agad dinaluhan si Ares para kargahin.
"Who woke you up, my boy, huh? Who woke you up..." Tatay swayed his arms.
Tumigil si Ares sa pag-iyak at nakatulog na. Ibinaba ulit 'yon ni Tatay sa crib at hindi na umiyak ulit si Ares. Iniwan kami ni Tatay sa kwarto para bigyan kami ng space. Nakita ko ang ngiti at ang saya sa mga mata ng mga kaibigan ko nang makita nila si Ares na natutulog.
Ares is 6 months old, now. Wala talaga akong pakealam sa oras. Ni-hindi ko 'yon pinagtutuunan ng pansin basta nagagawa ko ang gusto kong gawin. Kahit pa ang schedule ng klase ko noong college ay wala lang sa 'kin pero nang dumating si Ares... bawat segundo ay tuwang-tuwa ako.
Nang una niyang hawakan ang daliri ko gamit ang maliit niyang kamay... Para akong mahihimatay sa saya.
Para niya akong tinatanggap. Para niyang sinasabing kasama ko siya. He looks like his father and it's okay for me because I just also remember how Hades will cheer me up... Especially if he's with me, I know he will cheer me up. Miss na miss ko na siya... Araw-araw kong ini-stalk ang social media niya kahit pa hindi naman siya nag-po-post. Tinitingnan ko pa rin ang mga pictures na ipinost niya noong kami pa.
Nga lang, wala na ang mga pinost niyang pictures namin.
Binura niya na, siguro. Okay lang! Siyempre, baka galit 'yon sa 'kin. Akala siguro niya ipinagpalit ko siya! Tingnan mo naman ako ngayon, inaaral pa ring palakihin ng maayos ang anak natin at araw-araw nag-i-scroll sa profile mo!
BINABASA MO ANG
Aiming for Hades
RomanceShe lives in daydreamsーThat is how you may define Janela Schuyler Guevara. For a girl who's in love with books, she soon then have find it hard to resist Hades Xavier, a handsome, tall, and mysterious guy she just met. The books didn't lie. But if D...