09

111 8 3
                                    

"What?" tanging iyon ang lumabas sa bibig ko.

Kumunot ang noo ko at parang nabuhayan ng loob. I avoided him! I felt at peace but I know I miss him... but I avoided him! It was for the best! Dahil ayaw ko namang maging ahas ulit sa kanila... dahil ayaw kong maramdaman... na...

Tumingala ako sa kanya, mas matapang na ngayon.

"Anong sinasabi mo?" malamig kong tanong.

Nakita ko ang pagdaan ng takot sa kanyang mata. Nangunot lalo ang mata ko. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero siyempre nilayo ko 'yon agad!

"Anong sinabi mo?" ulit ko sa mas malamig na boses.

"Elle..." nanliit ang boses niya nang mabigo ulit sa paghawak sa 'kin. Tiningnan niya ako sa mata. "Hindi ko 'yon gusto..."

Ngumiwi ako dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Dahil pagkatapos ng isang Linggo'ng pag-iwas ko, kung hindi naman pala niya gusto si Monique, dapat nag-explain na siya sa 'kin pagkatapos ng scene na 'yon, 'di ba? Alam ko! Alam kong wala akong karapatan...

Pero sana naman, makiramdam siya... kasi... kasi ang sakit-sakit. For a week of questioning myself if I really am a snake for stealing him from her. For a week of feeling so fucked up because I know, I 'need' to avoid him because of our situation! And because... because I was so fucking hurt!

"Nadulas sa 'kin si Monique. Nandoon ka raw noong nagkita kami sa likod ng building nila. And she also told me that you heard us... and fucking saw us... kissing," he went near me as he continued explaining, "And I'm so fucking scared, Elle. But I hold onto you. Akala ko pupuntahan mo ako at sasabihin sa 'kin ang nangyari—"

"E, putang-ina mo naman pala, Hades!" tumaas ang boses ko.

"I know..." lumambot ang tono niya at maingat na hinawakan ang siko ko.

"I fucking know... dapat ako 'yong magsabi. Dapat sinabi ko sa 'yo agad. Pero tang-ina, Elle, noong hindi mo ako sinugod... o hindi ko naramdaman na galit ka sa 'kin... tang-ina, natanga ako."

"Hades," hinawakan ko ang malambot niyang kamay na nakahawak sa siko ko para alisin pero nang hawakan ko rin 'yon, para akong natunaw. Wala akong nagawa kundi... ang makinig sa kanya.

"Kasi alam kong gano'n ka. Susugurin mo ako. Mumurahin mo ako... pero hindi mo ginawa. Takot na takot ako... na baka sobra kang nagalit..." mas malapit na siya sa 'kin ngayon. "Kaya iniwasan mo na 'ko at... wala ka nang balak na... ituloy 'to."

Hinawakan niya ang baywang ko ngayon at yumakap sa 'kin. Parang nawala lahat ng pasanin ko. I was suddenly healed. I suddenly felt like... nothing's wrong. Sumandal ako sa dibdib niya at namuo na ulit ang maiinit na luha ko.

"Miss na m-miss kita, Hades..." hindi ko na napigilan ang hikbi nang magsituluan na ang mga luha ko.

Humigpit ang yakap niya sa 'kin.

Others might find it funny but what I feel right now? It's freaking real.

"Baby, I missed you so fucking much, too." aniya.

He caressed my hair and I felt him kiss my head.

"Sorry... I'm so sorry that I didn't tell you immediately. I'm... just scared. I'm not playing. I want you. It was you that I only want, Elle." bulong niya habang panay ang pagpapaulan ng halik sa ulo ko. Tiningala ko siya para makita ang mukha niya. Nahalikan niya tuloy ang noo ko. He smiled at me.

Aiming for HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon