Dumami ang araw na lagi kaming magkakasalubong sa school.
Kung kailan pa may atraso ako, saka pa gano'n. Somehow, because I like him, I liked it. Tatlong beses niya 'kong binigyan ng pamatay na tingin sa magkakasunod na tatlong araw. At sa mga sumunod pa. Nasanay din ako at... nagustuhan lang din 'yon.
"Beb, sama na naman ng tingin sa 'yo!" Gia giggled.
Walang hiya akong tumingin sa kung nasaan man siya ngayon. Nakita ko ang madilim niyang tingin sa 'kin. It's like he's killing me! But then... I smirked at him and playfully moved my gaze from his head to toe. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at ang pagdilim lalo ng tingin.
Gusto kong tumili!
I don't know if it was because of his anger that triggered something in me that made me feel more for him... or maybe it's because he's just too, too handsome. Alinman do'n, sigurado akong nag-ca-catch na ako ng feelings.
Mabilis. Alam ko. Gaya na lamang ng isang oras kong pagbabasa ng libro at ang pagkakagusto agad sa bida. Pero sa parteng iyan... hindi ko rin alam.
"Bro, here's your girl!" one of his friends announced one day, as I walked past them.
I stopped and then glanced at Hades, "Hi, love."
Nagtawanan ang mga kasama niya pero napansin kong mas lalo lang siyang nainis. Bakit ba gusto ko 'pag naiinis siya? I wanted to laugh but I hid it behind my smile.
"Bro, akin na lang!" one of his friend said. Nagtawanan ulit sila pero nag-aabang na ako ngayon ng reaksyon ni Hades.
Hades gave me his usual death stares, "Sa 'yo na. Hindi ko naman 'yan gusto." mariin niyang sinabi.
"Aw!" ako naman ngayon ang mistulang inaasar ng mga kaibigan niya.
His group of friends are all tall. Guwapo rin halos lahat. They have different auras but I like Hades' aura the most. It really gives the bad boy look. Gusto ko tuloy mag-inarte at magsabing, break my heart, Hades. But then...
"Too bad. Gusto kita," I fired back and walk my way out.
Damn, ang galing ko ro'n! Narinig ko ang pang-aasar nila kay Hades kaya mas lalo akong natuwa sa sarili. Baka galit na galit na 'yon sa 'kin si Hades! Naaalala niya kaya ako? Kasi kahit bilang taong kinaiinisan niya, ayos lang!
I suddenly wonder where the Monique girl last time is. Na-guilty ako sa ginawa. Mali 'yon pero nadala lang ako sa kung ano mang naramdaman ko no'ng araw na 'yon. Mahanap nga mamaya sa facebook ang account niya para makita ko kung sino na ang kalandian niya ngayon o kung meron ba. O baka naman gusto niya rin si Hades! Nanlaki ang mata ko at mas nakaramdam ng guilt.
Isang linggo na ang lumipas, ngayon ka lang ma-gu-guilty, Janela?!
I was lost in thoughts as I'm going to my next class. Muntik na 'kong tumili nang may humawak sa kamay ko! "H-Hades!" nagulat akong siya nga 'yon! Sinundan niya ba 'ko?!
"Wala ka talagang magawa 'no?" ngumisi siya, halatang inis.
"Ha?" Pagmamaang-maangan ko.
Narinig ko ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Kinakabahan talaga ako! Bakit parang sobra naman yata ang kaba ko kumpara sa mga lalaki dati na nagustuhan ko?! Unfair! Binitawan niya ang kamay ko.
"What do you want from me?" mariin niyang tanong.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko! Para bang ano mang oras ay mahihimatay ako! Ano nga bang gusto ko sa kanya? Hindi ko alam! Siya lang naman mismo ang gusto ko.
"O, bakit hindi ka makasagot?" he smirked now, "You really like me, huh?"
I was lost in words while he sounded like a devil trying to tempt me.
BINABASA MO ANG
Aiming for Hades
RomanceShe lives in daydreamsーThat is how you may define Janela Schuyler Guevara. For a girl who's in love with books, she soon then have find it hard to resist Hades Xavier, a handsome, tall, and mysterious guy she just met. The books didn't lie. But if D...