Hindi ko alam kung paano ko kinarga si Ares paalis doon.
All I know is I need to escape! Hindi katulad ng dati na hindi ako makagalaw kapag natatakot, napilit ko ang sariling kuhanin ang kamay ni Ares at kargahin siya, para makaalis! Makatakas.
Takot na takot ako! Sinundan ako ni Hades at tinanong kung anong nangyayari pero hindi ako nakasagot at tanging luha lang ang nailalabas. Humikbi na rin ako. Dire-diretso ang pagpasok ko sa kotse ni Hades. Hades was worriedly looking at me but I couldn't care more.
"Baby, what's happening?" Hades gently asked while starting the engine immediately.
"A-Alis na tayo, p-please," I begged.
"M-Mom?" Ares gently asked, too.
"Baby, a-alis lang tayo rito... n-ngayon lang..." pumiyok ang boses ko dahil sa pag-iyak. Humikbi ako ulit at kinuha ang panyo na nasa bulsa para punasahan ang mga luha. Nakita kong tinatanaw ni Ares si Hades, nakakunot ang mga noo niya.
"Don't worry, baby," I saw Hades mouthed at Ares.
Don't worry... It was also the words I keep on reminding myself when that man... violated me.
Nagdugo lalo ang sugat ng kahapon ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon... nagdurugo pa rin pala 'yon. Akala ko, e! Akala ko ayos na. Akala ko ayos na 'ko sa trauma kong 'yon. Sa takot ko sa ganoon! Akala ko!
Pero ngayong nakita ko... 'yong... taong dinumihan ang pagkatao ko... Bumalik na naman sa sistema ko ang matinding takot! Hindi ako makalma! Lumakas ang paghikbi ko.
"Elle... Elle, baby, breathe... it's okay... we're here... breathe, Elle..." Hades' other hand fell on my thighs. Hinimas niya 'yon na parang pinakakalma ako. Ares hold hand my hand, too.
"Breathe, baby... calm down... we're here... we're here, alright?" Hades gently calmed me down.
Humina ang mga hikbi ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at mariing napapikit.
Time heals, I said.
Pero... Pero ngayong sariwa pa rin pala ang sugat na 'yon sa puso ko, bakit parang hindi? Bakit parang habang buhay akong hindi gagaling? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
To be violated... when I was still a child was traumatizing. And I've grown. I fell in love. Had a child. Became a Mom. Many years have fucking passed! With all of that, I thought, nothing will scare me anymore! I thought... I am complete!
Pero meron pa rin palang sugat na hindi pa gumagaling. Meron pa rin palang sugat na kahit magdaan man ang maraming taon, hindi pa rin nawawala. Ayos lang ba 'yon? Okay lang kaya 'yon? Kasi sa loob-loob ko, parang hindi!
Ang dami ko nang pinagdaanan! Pero na-stuck lang pala ako sa bagay na mula pa dati! Ano 'yon, Janela, ilang taon na ang lumipas, bata ka pa no'n! Pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin gumagaling sa trauma na 'yon?! Pinagmalupitan ka na ng tadhana! Nawasak na ang puso mo nang iwan mo si Hades! Gulong-gulo ang isip mo noong ipinagbuntis mo si Ares, gabi-gabing iniisip kung magiging mabuti ka bang ina!
Ang dami nang nangyari!
And it was so frustrating that I'm still not healed even though I've experienced all that already! Dapat ngayon... wala na lang 'to! Dapat ngayon, ayos na... Pero noong nakita ko ang pamilyar na ngiti ng lalaking 'yon. At ang sistema ng takot sa katawan ko nang mamukhaan ko siya... Alam kong siya 'yon at malamang ay meron pa siyang puwedeng gawing masama sa 'kin!
Sa 'min ng anak ko!
Takot na takot pa rin ako! Ibigsabihin ba no'n, magdaan man ang maraming taon, maramu man akong napagdaanang mas mabigat, sa huli, mahina pa rin ako?
BINABASA MO ANG
Aiming for Hades
RomanceShe lives in daydreamsーThat is how you may define Janela Schuyler Guevara. For a girl who's in love with books, she soon then have find it hard to resist Hades Xavier, a handsome, tall, and mysterious guy she just met. The books didn't lie. But if D...