06

169 12 6
                                    

"Ano 'tong nabalitaan ko kay Harry, ha, Janela?! Sinumbong ko sa 'yo 'yon para sabunutan mo! Parang iba yata ang ginawa mo, e! Naiwala mo na ba?! Ha?!" iyon ang naging bungad sa 'kin ni Gia, kinabukasan.

Ngumisi ako. Nanlaki ang mata ni Gia at sinapak agad ako. Natawa na 'ko ro'n at ipinatong na ang bag ko sa upuan. Wala na naman ang prof. Nalaman kong naaksidente raw kaya pala hindi nakakapasok. Mataman kong tiningnan si Gia nang maiayos na ang mga gamit.

"Pokpok ka talaga baka ginayuma mo 'yon?! Paano ba kasi, Janela? Naiwala mo nga ba?!"

"Hindi, gago! Ano lang..." I devilishly smiled, "Momol..." nanliit ang boses ko para magkunwaring nahihiya at saka tumili!

Sabay pa kaming tumili ni Gia dahil kinilig din siya sa sinabi ko. "Pokpok! Bwisit, paano ba kasi 'yon?! Lahat na lang ng crush mo, ha?! Ay!" nanlaki ang mata niya na parang may naalala. "Hindi naman lahat pero... mukhang wala kang pag-asa diyan noong isang Linggo lang, e! Tapos ngayon? Grabe..."

"Huy, 'wag ka namang ganyan, Gia, isa lang naman ang sikreto ko, e," pagmamayabang ko.

Tiningnan ko si Kendall na nakangisi lang sa 'min. Wala pa si Harry pero may time kasi talaga 'yong late kaya hindi na rin ako nagtaka.

"Ano, gaga?! Ano?" pangungulit ni Gia.

"Ganda lang," I flipped my hair.

Ngumiwi si Gia at sinapak ulit ako. Tumawa lang si Kendall. Aba? Maganda naman talaga ako! But now that I've think of it, paano nga ba? Siguro... kasi straightforward ako? O baka dahil kahit anong gawin ni Hades na pagtanggi sa 'kin ay tinutuloy-tuloy ko lang?

Paano nga ba? Hindi ko rin alam ang sagot do'n.

But I'm truly happy that I will have Hades now. That was for sure. He drove me home last night. Tahimik na siya pagkatapos niyang sabihing babalik na siya. I got shocked but I just teased him afterwards. Only that I made it less annoying. Ayaw ko namang bawiin niya agad ang sinabi niyang babalik siya.

Ngumisi ako nang maalala iyon. Gusto ako no'n. Sigurado na ako.

"Hay, tangina, hugutin ko sana buhok ni Janela pero naisip ko masyadong mahaba para saktan siya," maramdamin si Gia na nag-face palm at natawa lang ako.

Iyon lang din ang naging usapan namin dahil puro sila pang-aasar. Dumating din si Harry na inasar lang din ako at tinataasan pa 'ko ng kilay na parang dapat may sabihin ako! O ibunyag! May mga araw talagang magkakaklase kami sa unang klase kaya gano'n. Atsaka ano namang ibubunyag ko, ha?! Wala namang nangyari sa 'min ni Hades! Totoo namang momol lang!

Ngayon tuloy na naisip ko ang nangyari sa 'min... Lumipad ang isip ko kung ano namang mangyayari. Magiging kami ba? Magiging madali ba? Ano man 'yon, alam kong sabik ako. Parang mas nasasabik lang ako kada-araw.

Hindi naman sa bago ako sa ganito. Alam ko ang pinasok ko. I've been in a relationship. Marami, actually. As I've said I hunt boys like I would die without them. But the truth revealed itself when all I want is just to experience the love that the books I read taught me. It was too ideal that I, myself, needed to feel. Need. I know it's kind of a big word but that's really what I feel.

Kasi kung hindi... para saan pa ang buhay kong ito?

The books were right. They were all saying the truth when they said that love is what keeps us alive. That even when the quote, 'To live is to suffer and to survive is to find meaning in those sufferings' were created, the books told us that the meaning is to love. And to be loved.

Cringey to be heard. Corny. Pero iyon ang totoo. Alam kong ramdam iyon ng lahat.

Kasi kung hindi ka nabubuhay para magmahal... para saan ang buhay mo? And it can be in the form of everything that has love in it. Love for helping people. Love for being gentler with one's self. Love for a lover. Anything. Everything.

Aiming for HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon