"Joke lang 'yon!" iyon agad ang nasabi ko.
He smirked more and glanced at my mom.
Hala?! Lumapit siya sa 'min. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Nanay dahil sa ginawa ni Hades. "Isasama ko po muna si Elle sa amin... ayos lang po ba?" he politely asked.
Wow! "Huy! 'Di puwede! Ano 'to?! Joke nga lang, e!" sabi ko kahit hindi ko rin alam kung bakit panay ang tanggi ko ngayon! Hindi ba dapat 'yon ang gusto ko? But as I've said... I want to limit myself.
Parang nag-slowmotion sa akin ang lahat.
With Hades... being like this... no... I don't know but I didn't like it! I want to own him, yes. But I want to own him in the right way. Dahil kapag ganito... baka makawala siya agad! Dahil kung gaano kabilis nahulog, gano'n din 'yon kabilis mawawala!
Nanliit ang mata ni nanay sa 'kin sabay tingin kay Hades, "May itchura ka... may kotse edi mayaman... mukha ka namang mabait. Kanino ka bang anak?"
Ngumisi si Hades sa 'kin, yabang na yabang ang postura.
Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. "Nay! Hindi, 'wag! Ako na pong bahala... pasok na po kayo sa loob. Ako na po rito..." pagtataboy ko kay Nanay dahil baka kung ano pang masabi nito ni Hades!
Tumawa si Nanay at sinunod ako. Nang pumasok na siya, agad kong sinamaan ng tingin si Hades.
"Sira ka ba?! Joke lang 'yon! Ang... ang bilis nito! Ayaw kong ganito!" sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Aba, ang cringe kaya ng sasabihin ko! Gusto kong angkinin siya sa tamang paraan... puwede ba 'yon?! Ayaw kong sabihin sa kanya 'yon! Hades' smile faded and I became nervous. Ilang minuto pa siya bago nagsalita ulit, parang may malalim na iniisip.
"Do you just like the feeling of chasing me?" seryoso niyang tanong.
Agaran ang pag-iling ko! "Anong klaseng tanong 'yan?!"
"Ngayong ako ang naghahabol..." hindi niya iyon tinapos.
"Huh?! Anong ikaw ang naghahabol?! Huy!" nanlalaki ang mata kong sinabi! Kung ano-ano ang sinasabi niya ngayon! Ang weird! Totoo bang gusto niya na ako?! Pumikit ako at maramdaming nagmulat. "Crush mo na nga ako?!"
He looked away now. "Do I really have to say it?"
Oh my god?! Totoo nga!
"Pero bakit?! E, nililigawan mo pa 'yong—"
"Hindi ko na siya nililigawan."
"Dati! I mean, no'n lang! Baka pinagtitripan mo ako, Hades, ah?!" kritikal kong tanong!
Kumunot ang noo niya at bumalik ang mukha sa madalas niyang aura.
"Hala..." nasabi ko dahil nagmukha siyang galit. "Okay lang naman kahit pag-trip-an mo 'ko, Hades! Sino ba naman ako para tanggihan ang grasya?!"
Kaso nga lang, nanatiling seryoso ang mukha niya.
"Hala, huy, ano ba? Natatakot na 'ko..." sabi ko at nag-iwas ng tingin. Pagbalik ng tingin ko, ganoon pa rin siya. "Hades!"
"Sama ka sa 'kin," he ordered.
"Hades..." pinilit kong ipaintindi sa kanya kahit na natatakot ako, "Ayoko... pa. Ayoko pa sa ngayon. Masyadong... ano... mabilis kapag ganito."
Hades seriously looked at me. And then he sighed.
"I'm... I'm sorry," he stated. "Okay... next time."
I looked away, feeling ashamed. Para kasi siyang nalungkot! E... ayaw ko pa talaga... gusto ko... 'yong sa tama. Para seryoso kaming dalawa.
"S-Sorry... hindi pa lang ako ready. Ang... ang bilis nito. Uh..." nangapa ako ng sasabihin dahil sayang naman ang porma niya at effort niya sa pagpunta rito! E, ang aga-aga pa! "Gusto mong... mag-date?"
BINABASA MO ANG
Aiming for Hades
Storie d'amoreShe lives in daydreamsーThat is how you may define Janela Schuyler Guevara. For a girl who's in love with books, she soon then have find it hard to resist Hades Xavier, a handsome, tall, and mysterious guy she just met. The books didn't lie. But if D...