"Sorry," I've said it again.
Ngumisi siya na halata na naman ang pagkainis. Parang mas lalo akong nanliit. Pati na rin sa literal dahil ang liit ko talaga kung titingnan ako sa tabi niya dahil hanggang balikat lang ako.
"Galit ka?" sarkastiko niyang tanong.
Nag-angat ako ng tingin. Gusto kong sabihing hindi pero alam kong naiinis din ako sa kanya ngayon. "Oo." sagot ko. Umangat ang sulok ng labi niya.
Tumawa siya ng sarkastiko ulit, "Ikaw pa?"
"Huh?" kumunot ang noo ko.
He looked away, "Hindi kita gusto."
"Huh?!" mas tumaas ang tono ko.
Bumalik ang malamig niyang tingin kaya talagang nanlamig din ako. Ganoon pa man, hindi ako nasaktan sa sinabi niya. Para kasing may nagsasabi sa 'king... hindi 'yon totoo. Walang laman ang mga sinasabi niya. Ganoon ang nahimigan ko. Para sa 'kin... parang... hindi naman. Parang may pag-asa.
It was for a fleeting moment when I hoped. I felt. I knew. He likes me... he likes me. He likes my kisses. Is it just lust, then? But I couldn't care less because I think... even if it's just lust... then so what?
Gusto ko siya. Sobrang gusto ko na siya. Nasabi ko noong mabilis. Pero gustong-gusto ko talaga siya.
I smirked at the cold Hades in front of me.
"O, talaga?" humakbang ako papalapit sa kanya.
Lumaki ang ngisi ko. Hindi siya umatras, galit pa rin ang titig. I, then, wondered why. Lagi siyang galit, e. Lagi siyang parang may ipinaglalaban. It was like he have his barrier between us so he could not touch even a slight part of my side. My life. But... but, why?
"Elle, puwede ba?" umigting ang kanyang panga, inis na talaga sa kinikilos ko.
I chuckled, not minding any other feelings but mine.
"You called me by my nickname again..." I whispered seductively, hindi manlang inaalis ang tingin ko sa mga mata niya.
He's so damn handsome.
At tama nga si Gia. Tago ang lugar na 'to. Likod 'to ng building ng Engineering. May bench pero dalawa lang dahil wala rin masyadong napunta. Or maybe some couple make out here. Nag-init ng kaunti ang pisngi ko sa naisip dahil... kami kaya ni Hades? Gabi ngayon kaya't tanging ilaw lang ng mga poste at ang buwan ang liwanag namin.
Lumapit ako at hinawakan ang pisngi niya. Ipinadausdos ko ang palad ko ro'n.
"Hindi mo na naman ako gusto..." malungkot ang tinig kong 'yon, naglalaro.
Iniwas niya ang kanyang mukha pero hawak ko pa rin 'yon.
"Tama ka. I can see that you really don't like limitations. You don't even limit your words."
Ipinagpatuloy ko ang pag-arte habang hinihimas lang ng kanang kamay ko ang pisngi niya. Pumikit siya at bumigat ang paghinga.
"I don't like limitations, too, but for you... I can slow down. I can limit myself." inalis ko ang kamay ko sa pisngi niya at tinanaw na lang siya.
Mabigat pa rin ang paghinga. Galit ang tingin.
"Pero... kung ganito ka..." I teased him with my tune of voice.
Agad akong tumingkayad at inabot ang labi niya. It was like his sign because he immediately hold my waist and kiss me back.
I smirked. Bumigay siya.
Ito ba ang taong hindi ako gusto? Nakamulat ako pero nakapikit siya at salubong na salubong ang kilay. Nakakunot din ang noo niya. Ipinulupot ko ang mga kamay sa kanyang leeg pero roon naman siya humiwalay.
BINABASA MO ANG
Aiming for Hades
RomanceShe lives in daydreamsーThat is how you may define Janela Schuyler Guevara. For a girl who's in love with books, she soon then have find it hard to resist Hades Xavier, a handsome, tall, and mysterious guy she just met. The books didn't lie. But if D...