11

119 8 2
                                    

Warning: R18

Nagkatinginan kami ng lalaking tumulong sa 'kin kanina.

I saw him smirk at me and I became confused. Hades daw?

"Elle," Hades called, souding like a warning.

Mas kumunot naman ang noo ko. "Hades," tawag ko rin at tuluyan ng lumapit sa kanya. Ipinagsawalang bahala ko ang tono niya at walanghiyang yumakap agad sa kanya.

"Cancel the meeting." I heard him.

Kumalas tuloy ako sa yakap ko sa kanya at tiningala siya. "Huh?"

Nakita ko ang pagtango ng matandang babae sa tabi niya, Secretary yata! May sinabi pa si Hades na hindi ko naintindihan. Lumabas na 'yong lalaking tumulong sa 'kin kanina sa elevator at nakangisi namang tumingin kay Hades, samantalang ang matandang babae naman ay umalis.

"What brings you here?" rinig kong tanong ni Hades, inis pa yata ang tono!

Lumayo tuloy muna ako sa kanya para makita ang mukha niya, "Huy, kasi na-miss kita!" sabi ko agad!

"Yes, Elle," hinawakan niya ang baywang ko at pinirmi ako sa tabi niya. Nakita kong doon pala siya sa lalaki nakatingin. Oo nga pala, Hades lang ang tawag sa kanya no'n! "Ba't ka nandito?" tanong ni Hades doon nga sa lalaki.

"Sinamahan ko si... Elle," ngumisi siya lalo, "Nagkakasiyahan pa nga kami, e... Bigla kang sumingit!"

"Fuck you, Poseidon." Mariing sinabi ni Hades kaya naman napatingin ako sa kanya!

Poseidon? Tinawag niya sa pangalan! Empleyado niya ba 'to o... Ngayon ko lang napansin na medyo may pagkakapareho sila ng features ng mukha! Kapatid niya ba 'to?! Pero, wala siyang kapatid! Nanlaki ang mata ko. Baka pinsan?! Tumawa 'yong si Poseidon at tumingin sa 'kin.

"This is your boyfriend, right?" tumawa siya ng kaunti. "Kayang-kaya kitang agawin dito—"

Binitawan ni Hades ang baywang ko at sinapak ng malakas 'yong si Poseidon! Gago, supalpal!

Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin! Hala, baka magkasuntukan pa?! Atsaka bakit kasi sinabi niyan ni Poseidon na aagawin niya 'ko?! Tang-ina niya pala, e, sinabi ko ngang may boyfriend ako!

"Hades!" tawag ko dahil umamba na siyang susuntukin 'yong Poseidon! May CCTV yata rito! Mukha ngang galit na sa 'kin ang Mama niya, baka mas magalit pa sa 'kin kung i-che-cheer ko lang si Hades!

Lumingon sa 'kin si Hades kaya naman lumapit na ako sa kanya.

Ngumisi 'yong Poseidon. "Aww. Sa 'kin concerned si Elle."

"Gago?!" nasabi ko agad! "'Pag nag-away kami ni Hades, tang-ina mo, patay ka sa 'kin! Tanda ko 'yang mukhang 'yan!" dagdag ko pa.

Poseidon just chuckled. "Hmm, ang cute. What a lucky ass cousin."

Kumunot ang noo ko at bumalik na lang kay Hades. "Tara na. Yaan mo na 'yan!" ngumiwi ako nang sinabi ko 'yon.

Tiningnan niya ulit si Poseidon at ibinalik ang tingin sa 'kin bago hinawakan ang kamay ko at umalis na nga ro'n. "Papansin naman 'yon! I'm supposed to hug you and kiss you and every single thing I planned! Panira!" pag-ra-rant ko habang patuloy ang lakad namin.

Hindi siya nagsalita kaya naman medyo sumabay na ako sa paglalakad niya. Ang bilis kasi! 'Di ko alam kung natakbo ba kami o ano! Nakarating kami sa isang medyo malaking pintuan. Hades Emmanuel Xavier, CEO. Iyon ang nakalagay. Binuksan niya 'yon at pumasok nga kami. Sobrang lawak at ganda ng loob! Naglakbay ang paningin ko sa kabuuan hanggang sa bumalik din ito kay Hades.

Aiming for HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon