"Lasing ba kayo?! Para kayong mga tanga, ah!" Gia exclaimed.
I giggled, wala na talaga sa sarili. "Lasing? Dating nga, sabi!" sabi ko.
Sumulyap ako kay Hades na siyang nakaakbay pa rin sa 'kin hanggang ngayon. Naramdaman niya yata ang pagbaling ko sa kanya kaya lumingon din siya sa 'kin. Namangha na naman ako sa kaguwapuhan niya. I giggled again.
"Hmm?" he uttered, urging me to say something.
Kakaiba ang kanyang tono ngayon dahil hindi ko iyon mahihimigan ng inis o galit. Parang... 'yon ang normal niyang boses. Banayad lang. I smiled, contented with what's happening.
"Ang lalandi ninyo, gago! Kendall! Nasaan si Harry, ha?! Magdadabog tayong tatlo rito kay Janela!" malakas na sigaw ni Gia kahit nasa tabi lang niya si Kendall. Kendall chuckled.
I felt very sleepy so I let my eyes close... for a while.
Or that's what I thought.
Nagising ako kinaumagahan na sobrang sakit ng ulo. Nasa sarili ko na anong kwarto. Teka, paano ako napunta rito? May ginawa na naman ba ako kagabi? May sinabi ba 'kong kung ano-ano?!
Agad akong bumangon at chineck ang bedside table kung saan ko madalas ilagay ang phone ko. Naroon nga 'yon kaya naman kinuha ko 'yon at nagtingin ng mga messages kung may mga nag-message ba sa 'king na perwisyo ko o ano man. I usually don't remember anything when I wake up drunk.
Ako: Gia, alam mong mahal na mahal kita. Ikaw ang araw sa mundo ko. Anong ginawa ko kagabi at meron ba akong napinsala? Pinigilan mo naman ako, 'di ba? Wala akong maalala!
Gia didn't replied so I guess she's sleeping. Sobrang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa oras. It's 9 AM. Damn, I still have class at 10. Ipinilig ko ang ulo kahit pa ang sakit-sakit no'n.
Ano nga bang ginawa ko kagabi? Wala naman sana dahil baka pagalitan na naman ako ng kung kaninong jowa dahil sa mga pinaggagagawa ko! Mayroon akong karanasan dati na tumabi ako at nakipag-trashtalk-an sa girlfriend ng isang lalaki sa club kahit hindi ko naman kilala 'yong babae. Maging 'yong lalaki nga rin ay hindi ko kilala.
Ayun at kinabukasan tadtad ako ng message dahil may nag-video at maraming nakapanood ng katangahan ko.
"O, Janela," narinig ko ang boses ni nanay, agad siyang pumasok sa kwarto ko. Wala naman kasing pintuan ang kwarto ko at tanging kurtina lang ang harang no'n.
Napatingin ako kay nanay na papunta na sa 'kin, "Po?" wala sa sariling tanong ko.
"Gaga ka!" bulyaw niya sa 'kin.
Kumunot ang noo ko at nag-isip ng kung ano bang ginawa ko kagabi! Ano ba 'yon?! Ba't parang ang sama-sama ko!
"Lungkot-lungkot mo pa noong isang araw, akala ko naman talaga! 'Yun pala ay may nilalandi kang guwapo naman! Ano ba 'yon, boyfriend mo 'yon?!" nanlalaki ang matang hinampas pa ako ni nanay. Kumunot ang noo ko.
Anong nilalandi?! May nilandi ba ako kagabi?! Oh my god, wala talaga akong matandaan! Ayaw ko na! Baka mamaya may jowa 'yon tas nilandi ko! Pero wala namang nagmemessage sa 'kin, 'di ba? Abot langit ang kaba ko!
"Nay, sino po?! Anong itchura?! Wala naman po akong boyfriend! Ni wala akong kalandian, nay!" naiiyak na 'ko sa sobrang pagkataranta.
Sinong naghatid sa 'kin?!
Baka inano na 'ko no'n?! E, wala namang masakit sa 'kin! Baka maliit 'yon?!
"Huh? Guwapo no'n! Mukhang masama ugali pero malinis," giit ni nanay. Nanlaki ang mata ko.
Parang... parang kilala ko, ah!
"Mukhang mayaman nga rin, e, Hades ang pangalan sabi niya..." tumango pa si nanay sa sarili.
BINABASA MO ANG
Aiming for Hades
RomanceShe lives in daydreamsーThat is how you may define Janela Schuyler Guevara. For a girl who's in love with books, she soon then have find it hard to resist Hades Xavier, a handsome, tall, and mysterious guy she just met. The books didn't lie. But if D...