15

120 6 0
                                    

"Ma'am Guevara, sorry... s-sorry po... h-hindi ko po s-sinasadya... nakalimutan k-ko na l-lang po dahil sa pagluluksa ko..." Lumapit sa 'kin si Jackie nang umiiyak galing sa room ng Vice President ng kompanya.

Nanlaki ang mata ko dahil kamamatay lang ng kapatid niya last month at mukhang napagalitan pa siya. Ng Vice President pa mismo! Agad ko siyang dinaluhan. Kumunot ang noo ko at kinabahan.

"No, don't tell me..." umiiling ako habang sinasabi 'yon.

Umiyak siya lalo kaya napagtanto ko ang nangyari... Nakalimutan niya. Nakalimutan niya dahil sa pagluluksa. Noong nakaraang buwan namatay ang kapatid niya. Noong nakaraang buwan din ang biggest costumer namin... Hindi...

Nanlamig na ang mga kamay ko.

Halos himatayin ako nang sunod akong tawagin ng Vice President sa loob!

Tangina.

What is fucking happening?

"AXEAP is crawling to the top again! Almost all of our trusted costumers changed their decisions and went to them after Handa released their experience with us! With your team! It's a scandal!" Nanlamig ako lalo sa bungad sa 'kin ng Vice President.

Hindi ko alam ang tamang sasabihin. Ni hindi ako makagalaw. Nakalimutan daw ni Jackie... Noong last month... Hindi niya raw sinasadya... Ano? Anong nangyayari?!

"Your fucking team breached the contract!" malakas niyang isinigaw at ibinato sa 'kin ang hawak niyang papel.

Napayuko ako at sobrang ninenerbyos. Anong gagawin niya sa 'kin? Why do I feel like I'm gonna be killed?! Nasusuka na ako sa kabang nararamdaman.

"Sir, o-on behalf of my t-team, I'm really s-so—"

"Your fucking team breached the contract! Based on their statement, they haven't heard from you ever since!" hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Goddamn it, I always ask you for updates about this! You fucking told me it's going fine! Now... Now what?!"

"You're fucking irresponsible! You fucking bitch, get out!"

My heart fell. Nanginginig ang mga balikat ko sa mga salitang narinig. Akala ko... Akala ko rin naman ayos ang process! Sinasabi sa 'kin ni Jackie... na ayos daw! Ngayon, bakit? Ang dami ko rin namang ginagawa rito sa opisina para tingnan pa isa-isa ang mga papel! May tiwala naman ako sa team...

But maybe I did became irresponsible. Maybe... I really became comfortable to the point that I didn't mind these things. Nanlamig ako sa mga naiisip. What if I get fired? What if my name got tainted and other companies won't accept me as well? No! I can't... I can't let that happen!

I need to work! I need money!

Paano na lang si Nanay? I remembered her smile when I bought her the bag she wanted using the income I earned. Hindi... Hindi puwedeng mawalan ako ng trabaho!

"B-Bring me the contract..." nanginginig na utos ko kay Fred, isang member sa team ko.

"Yes, ma'am!"

Naupo ako sa swivel chair at hinilot ang sentido. I need to think of a solution! I fucking need to correct all these! Kailangang bumalik sa 'min ang client! Kailangan... Ano? Mag-issue kami ng public apology! It was so tiring to the point that I cried for half an hour, not thinking straight.

When I head home, I decided to go to Hades' first. I need it. I need him.

Hindi ko alam paano ako nakapunta ng maayos sa opisina niya. Kilala na naman ako ng ilang tao roon kasama na ang sekretarya niya kaya naman madali lang. But when I knocked at his door and it opened, I saw the usual Hades in his laptop and scribbling something at the papers, my heart sank.

Aiming for HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon