07

131 9 1
                                    

"What?" mas nagulat ako sa sinabi niya!

"Go ahead. Ipakilala mo ako," he looked at me intently.

"You're bluffing..." sabi ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala! I mean... bakit? Para saan? Kami na ba?

All of my daydreams these week suddenly became real. I mean, if what he's saying right now is the part where he's pertaining to our relationship! Wow... I can't really believe it! Parang bigla akong lumitaw sa isa sa mga pahina ng isa sa mga paborito kong libro. But then, I wondered... hindi na naman nga pala ang mundo kong ito ang gusto ko. Mundo na ni Hades. I wanted so badly to fit in his life. I want to be his life, actually.

And it all seems so impossible.

But now that even in a slow manner, they were kind of being true... imposible. Iyon pa rin talaga ang tangi kong naiisip.

Sarkastiko siyang natawa.

"Now that I'm the one insisting, you're like this, huh?" he smirked without humor.

"Hindi kasi ako makapaniwala!" agad-agad ang pag-gi-giit ko! "Para mong ipininapalabas lagi na hindi na kita gusto, e, kung mag-i-insist ka ngayon na hahalikan ako, baka mahimatay lang ako! Alam mo ba 'yon?!" pinandilatan ko siyang mata! Hindi naman ganoon kalakas ang ang boses ko kaya ayos lang.

Kumunot ang noo niya.

Nanlaki ang mata ko at maramdaming suminghap. "Hindi ka naniniwala sa 'kin?"

"Then, if I kiss you right no-"

Hindi ko napigilan ang ngiti at kaunting pagtakas ng tili ko! May ibang nagtinginan sa 'kin kaya nagtakip ako ng bibig! Masama kong tiningnan si Hades kahit ngiting-ngiti ako! He's smiling now, though.

"'Wag ka ngang magsabi ng mga gano'n sa ganitong lugar!" mariin kong binulong kahit nakangiti pa rin. Hades chuckled, malayo na ang aura sa kaninang galit. "O, ba't ganyan naman ngayon ang mukha mo?!" kumunot ang noo ko.

Napaatras ako sa gulat nang nakangiti siyang umambang hahalikan ako! He stopped immediately though, and bursted out laughing.

"Masaya ka?" galit na tanong ko, "Pinaglalaruan mo ba 'ko?!"

"Hay buhay," he sighed heavily but with a smile on his face.

What the fuck?!

"Gago ka, ah," hindi ko na napigilan ang sariling magmura. Nalilito na 'ko sa kanya!

He laughed again.

"Ano ba?"

"Sorry... sorry..." he continued laughing, "It's just..."

Tumawa pa rin siya ngunit hindi ko na inalintana 'yon nang mapansin ko ang magaan niyang awra. He's so fucking beautiful. He's like his name—like a greek god. He's so damn handsome that I could even ask him to ruin my life! Lalo ngayong nakangiti siya... lalo ngayong parang komportable siya sa 'kin.

Humupa ang tawa niya pero nakangiti pa rin siya.

"You like me." he smirked more.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Sa ngisi niya pa lang 'yan, ha! Sa ngisi pa lang! I acted strong. Pinagtaasan ko siya ng kilay, "What about it?"

"So you don't like someone else..." he said slowly.

"Paano ba 'ko magkakagusto sa iba, e, sabi ko nga, 'di ba? Kulang na lang ipakilala na kita sa buong mag-anak ko na boyfriend kahit hindi, kasi gusto kita!" mariin kong sinabi. He looked away and immediately went back smiling. "Ka-bwisit! Bakit hindi naniniwala?!"

"You can introduce me to them," he suddenly said.

"Are you nuts?!" I laughed, "Why would I? Hindi naman kita boyfriend!" dagdag ko at tiningnan siya sa mata. Pero habang seryoso ang tingin niya sa 'kin, na-realize kong...

Aiming for HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon