"How are you na, Ate?!" malakas na tanong ni Clea sabay kuha ng ulam.
Lahat kami'y nagsimula na ring kumain. Katabi ko si Hades at harap ko naman si Clea na katabi si Chloe. Sa kabisera ay si Nanay at sa kabila naman ay si Ethan. I smiled at Clea as I answer her.
Tiningnan ko sila isa-isa. "Ayos lang... kayo? Tagal n'yo lagi mag-reply sa messenger, e! Lagi akong naiinip..." hindi ko natuloy ang sinasabi nang dumako ang tingin ko sa katabi. Hades serious eyes bore unto me, like the usual and I'm suddenly reminded to be careful with my words.
Though, I don't mean what I said na naiinip ako, it's true that I should still be careful.
"Pero okay lang naman! Busy naman tayong lahat!" bawi ko.
I proudly looked at Hades, now. Napansin niya iyon at biglang natawa nang mahina. Umiwas siya ng tingin at inabala ang sarili sa pagkain. Sumimangot ako dahil parang tinatawanan niya lang ako!
"Yes, Ate! Alam mo ba, ang hirap maging senior high! Grabe, I thought it'll just be an easy thing since I'm studying well but... no! Gosh, bakit nga ulit tayo nag-i-school?!"
I chuckled, noticing that she got my attitude. Ganoon din ako, ah! Parang nakakaiyak tuloy na ma-realize na kahit ilang taon na, nakuha pala nila 'yong ugali ko kahit ang tagal na ng lahat.
"Agree, Chloe! Lalo pa sa 'king ipinanganak na—"
"Genius!" sabay na sabi ng kambal.
Sabay-sabay kaming tumawa! Nakakatuwa, alala pa nila 'yon?! Lagi ko iyong sinasabi sa kanila! Cute, huhu. Ilan pa ang naging kuwentuhan naming kasama si Nanay. Hanggang sa nakahanap ako nang tiyempo para ipakilala nang tuluyan si Hades dahil sa tanong sa 'kin ni Ethan.
"Oo nga, e, sayang! Niligawan ko sana," Ethan laughed and so as Chloe and Clea.
"Totoo 'to, Ate, ha! Crush ka talaga niyan ni Kuya! Napaka torpe kasi... gusto pa naman kitang maging sister in law!" sabi ni Clea at hinawakan pa ang kamay ko kahit katapat ko siya ng upuan.
Napatingin ako kay Hades na nakatingin sa 'kin, tila naghihintay ng reaksyon ko. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.
"Actually, sorry ka na lang, may boyfriend na 'ko," I proudly arched my brow. "Hades..."
Napansin ko pang nagulat ng bahagya si Hades.
"Oh..." umubo ng peke si Chloe at tinawanan ang Kuya niya, Ethan joined the laugh. "Tsk! Too late na pala! Congrats, Kuya Hades! Suwerte mo kay Ate Janela!" baling pa ni Chloe kay Hades.
I smiled at Hades and saw that he smiled at Chloe but I also noticed that he doesn't know how to react.
"Ako suwerte rito 'no! Tama ka na nga, Chloe, ha, hindi pa sanay sa tao 'tong anak ko, saka mo na lang kausapin!" pagbibiro ko.
Nagkatinginan kami ni Hades at hindi ko alam ang reaksyon niya! Pero sigurado akong may multo ng ngiti sa labi niya ngayon. Tumawa rin si Chloe at Clea.
"Makapaghanap na nga rin ng anak, Ate," ani Chloe.
"Ay, G! Cheer pa kita, go, sexy love!"
Panibagong tawanan ang nangyari. Nasabi rin ni Ethan na wala naman daw siyang balak ligawan ako ngayon. Sampung taon na raw ang lumipas at naka-move on na siya! Tinawanan ko lang ang lahat. But as much as possible, I make myself feel sensitive about the things I said and the effect of it to the people I'm with. Ayaw ko namang ma-turn off si Hades. At ayaw ko ring may ma-offend sa mga sinasabi ko.
Natapos akong kumain at nagpasya pang manood ng movie nila Chloe at Clea sa sala namin, kasama ang Kuya nila. Binabantayan yata sila ni Ethan. At mamaya pa yata sila magsisiuwi dahil papunta pa rito si Tita Gregoria, ang Nanay nila, para siguro bisitahin si Nanay. Wala naman akong gagawin nang matapos kumain kaya napagpasyahan kong maglinis ng katawan.
BINABASA MO ANG
Aiming for Hades
RomanceShe lives in daydreamsーThat is how you may define Janela Schuyler Guevara. For a girl who's in love with books, she soon then have find it hard to resist Hades Xavier, a handsome, tall, and mysterious guy she just met. The books didn't lie. But if D...