~TEAF Chapter 52~

66 2 0
                                    

Chapter 52

Jillian's POV

Pagkatapos ng mga nakamamatay nyang salita at pagkatapos ko syang halikan at yakapin, tuluyan na syang umalis..

Tuluyan na nya kong iniwan.

Hayop. Para na kong mamamatay sa sobrang sikip ng dibdib ko. Napasakit!

All I've done was to loved him. Love him even though my heart is in pain. Wala akong nakikitang mali sa ginawa ko, pero bakit sobra akong nasasaktan. Bakit ba hindi ko sya magawang kalimutan. Bakit hindi ko magawang magmahal ng iba.

"Anak, ayos ka lang?" Pumasok si mama ng kwarto. Niyakap nya ako at hinagod hagod ang likod ko.

"Ok lang ako ma. Kailangan kong kayanin. Kailangan kong tanggapin. Hindi kami e. Naniniwala ako na kapag kayo, kayo talaga. Pero hindi e. Hindi!"

"Shh.. Ilabas mo lang lahat. Sige anak."

"Mama.. pagod na akong mahalin yung taong walang pagpapahalaga sakin. Pagod na ko. Pagod na yung puso ko. Parehas na kaming sumuko.. kasi kahit anong gawin namin, kahit ipaglaban namin to.. Paulit ulit lang ding mangyayari na masasaktan kami, kung hindi man.. May mga taong masasaktan." Sabi ko kay mama habang patuloy pa din ako sa pag iyak.

She lifted my chin up.. Pinahid nya yung mga luha sa pisngi ko.

"I know you're tired honey. Tama na.. Magpahinga na kayong dalawa. Masyado pa kayong bata para makaranas ng ganitong sakit." Tapos niyakap nya ulit ako.

"Ayoko na syang makita.. ayoko na." Ang mga huling salita na binitawan ko, sa kakaiyak, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

--

Gabi na ng magising ako.. Nakita ko agad si Gabriel na natutulog sa tabi ng kama ko at hawak ang kamay ko.

Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya, pero nagising naman to.

"Oh, gising ka na pala. May gusto ka ba? Ano gusto mo?"

Napatulala ako.

"Gusto kong makalimot.. Gusto ko nang maging masaya.. sa piling ng iba."

"Jillian?" Nagtaka sya sa sinagot ko.

"Joke lang!" Tsaka ako tumawa. Nakitawa na din sya kahit medyo na-weweirdan sya sakin.

"Ikaw talaga.. Ah, nga pala. Nakwento sakin ni tita.nag-away daw kayo?" Tanong nito habang naghahanda ng pagkain para sa akin.

"Nino?"

"Ni Che--"

"Ah, nagugutom na ko. Tapos ka na ba dyan.. Akin na, kakainin ko na, hehe." Simula din ngayon, ayoko na sanang marinig yung pangalan nya. Alam ko makakatulong din to para makalimutan ko sya.

"Oo, tapos na. O eto. Kumain kang mabuti ha. Magpakabusog para gumaling ka agad." Nakangiti nitong sabi.

Napangiti rin ako.

"Tse. Magaling na ko noh."

"Weh? Kung magaling ka na talaga, kiss mo nga ako?"

Gaga ka kase Jillian. Kung ano ano pa sinabi mo, hinamon ka tuloy! -.-

"Ay, di pa pala ko magaling! Hehe."

Napatawa sya sa sinabi ko.

"Kunwari pa to, gusto mo naman talaga kong mahalikan eh." Tumatawa nyang sabi.

"Gago!"

"Hahahahahahaha."

--

Gabriel's POV

Natutuwa ako kasi ngayon lang nakipagtawanan at nakipag harutan si Jillian sakin. Nakakataba tlaga ng puso kapag alam mong napapasaya mo yung taong mahal mo.

Kaya lang..

Ito nga yung first time na nagtatawanan kami na kaming dalawa lang.. Pero I can feel that this is also the LAST TIME.

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya. I can't imagine what would be her reaction kapag nalaman nya 'to.

Nung inutusan kasi ako ni tita na pumunta sa bahay nila, tinawagan ako ng parents ko. May sasabihin daw sakin.. Importante. Kaya pagkatapos kong sumaglit sa bahay nila, dumretso muna ako sa bahay namin. May ipinaliwanag sila sakin.. Na hindi ko naman maintindihan. Pero sa huli.. Sinabi nilang...

Naka- Arranged marriage na pala ako.

Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko nung narinig ko yun. Gusto kong magalit sa kanila, kaso hindi ko ginawa. Kasi napakalaki ng utang na loob ko sa mga magulang ko. Mahirap lang kami noon, pero itinaguyod nila ako, pinag aral sa mamahaling school kahit nahihirapan sila sa pang tuition fee ko. Pinalaki nila ako na nasusunod lahat ng gusto ko, pero hindi ako spoiled. Alam ko ngayon lang sila hihingi ng pabor sa akin.. sobra ko silng madidisappoint kapag yung gusto ko na naman ang nasunod..

Napakasakit man sa akin, tinanggap ko. Umoo ako. You know why? Hindi lang dahil sa magulang ko. Kundi dahil na din kay Jillian. Alam na alam ko na hindi nya ako mahal.. Hindi nya ko minamahal at kahit kailan di nya ko magagawang mahalin. Gusto ko na din syang palayain, kahit masakit. Kaya pumayag na ako.

Pero I was shocked.. I was really shocked..

Dahil si Chen pala yung naka-arranged marriage sakin. Sya pala yung papakasalan ko.

Remember nung nagpunta sila sa ospital at nagconfess ng mga nangyari sa buhay namin, at nung sinabi nya na naka arranged marriage daw sya. I have no idea na ako pala yun. At kami pala yung magpapakasal. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng tuwa.. Tuwa sa puso ko. Naguluhan ako nung time na yun, pero naging crush ko kasi sya nung highschool kami.

Hay. Pero nahihirapan pa din akong pakawalan si Jillian. Kaso alam ko sa sarili ko na mas nahihirapan sya sa sitwasyon namin. Mahal na mahal nya si Chester. At mahal na mahal din ni Chester si Jillian. Ako na lang yung hadlang. Ako na lang yung way para makamtam na nila ang pag ibig na matagal na dapat na sa kanila.

Kaya ngayon, I will set her free.


Give her the happiness that she deserved.

Give her the love, that she waited for a long time.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon