~TEAF Chapter 17~

180 4 0
                                    

Chapter 17

"Busit ka talaga Chester! Hindi naman ikaw tinatanong ko ah! Langya naman!" Sabay hampas ko sa kanya. Nakikita kami ni Sophie ngayon. Wala namang masama diba? Diba?

Pero mukha namang naiintindihan niya wala siyang imik eh. I hope so...

"Eh ano naman kung mataba ka? Maganda ka pa rin naman ah." Di yan si Chester. Gabriel yan. Dissapoint kayo noh? 

"Mga damoves mo Gabriel Bernardo ha!" Froilan.

"Sus! Inggit ka lang. Upakan kita diyan eh!" Gabriel.

"Papa Chester, si Papa Gabriel oh! Nanghahamon! Upakan mo nga." Froilan sabay  kapit kay Chester.

"Eh dapat ikaw muna ang unang makatikim." Chester.

"Bwahahaha! Froilan baby! Wala ka ng kakampi! Bwahahaha." Troy.

Napapoker face na lang si Froilan. Pffft.. Mukhang tae naman tong magpoker face.

Pero mukhang di susuko tong ungas nato.

"ASA! Mga brad! Tara suntukan oh?!" Sabi ni Froilan kay Chester at Gabriel. Halata namang nagpepretend lang. Tss.

"Tara oh!" Yung dalawa.

"Ay teka! teka! Najejebs ako. Wait lang ha. Sa lahat ng manonood sa bugbugan namin................. to be continued na lang ha!" Tapo ayun, nagkakakaripas ng takbo. Tss.

"Para paraan. Tsk." Bulong ni Trixie. May LQ nga pala tong dalawang to dahil sa chicken. Hahaha.

Pagkaalis ni Froilan..

"Ahm. Guys. Need to go na rin." Ako.

"Bakit? Najejebs ka rin?" Chester.

Binatukan ko nga. 

"Eh kung diyan kaya ako magjebs sa pagmumukha mo?! Kanina ka pa ha!" Ako.

"Tss. Babaw mo. Ge, layas!" Siya.

"Lalayas talaga ako, kasi kawawa naman yung mata ko. Kanina pa nakakakita ng monster." Tapos, tumakbo nako. Alam ko kasing manghahabol yun eh!

Ayun, nakadiretso nako sa kwarto.

@Room

*Im sexy and I know it.. turururururut!* 

Ringtone ko yan. Lols.

Tiningnan ko kung sino tuamatawag. Si ever dearest mudrabells pala.

Phone convo : 

"Ma, istorbo." Ako.

"Heh! Kamusta diyan?" Mama.

"Ayos naman." Ako.

"Walang problema?" Mama.

"Wala." Ako.

"Nasesense ko meron eh." Mama.

"Eh ma, alam mo namang bulok yang sense mo diba?" Ako.

"Hindi to bulok. OA mo ha." Mama.

"Kk." Ako.

"So wala talaga?" Mama. 

"Wala." Ako.

"Meron eh." Mama.

"Wala."

"Meron."

"Wala."

"Meron." 

"Wala."

"Mer--"

"Hoy mama. Ikaw kaya dito ng malaman mo katotohanan?" Ako.

"Sige na nga. Babush na. Sayang load. Magsasaktong 1 minute na. Gora! Bye daughter dear!" Mama. Sabay end call.

End of convo.

Hay! I miss my madaa! Wala kasi akong masyadong kaasaran dito eh.

*Tok* *Tok* *Tok* 

Binuksan ko yung pinto.

-_-

"Anak ng tinapang tokwang kalbo naman oo! Bat kumakatok pa kayo eh kwarto naman natin to?" Ako. Pano kasi, girls room nga diba? Bakit kailangan pa nilang kumatok? 

"Eh kasi alam mo na.. Baka nag eemote ka pa rin.. Baka makaistorbo kami." Chen. Sabay upo nila sa kani kanilang kama.

Kakatok pa kunwari eh noh? Papasok rin naman pala agad. -_-

"Aysus! Eh ano naman kung madatnan niyo kong nag eemote emote diyan?' Ako.

"Oo nga noh! Tanga mo talaga Chen!" Sabbie.

"Ah ganon?" Ako lang talaga may kasalanan?" Chen.

"Yep. Is there any problem with that my dea---" Di na natapos yung sasabihin ni Trixi dahil binato siya ng unan ni Chen.

"Yes there is!" Ayun, nagpillow fight na silang tatlo. Si Sophie kasi andun pa sa labas. 

Nakatulala lang ako sa kanilang tatlo.. Ng biglang...

"Aray! Takte! Nananahimik ako dito tapos idadamay niyo ko diyan sa kagagahan niyo." Ako.

"Woow! Relax! Ayan ka na naman sa pagka KJ mo. Sumali ka na kasi sa amin. Bonding tayo oh!" Chen.

"Bonding ba tawag niyo diyan? Eh nagpapatayan na kayo eh!" Ako.

"Bebe Jills, sira talaga tuktok mo! Syempre, para may happy memories tayong maiwan dito sa Bora." Trixie.

"Hayaan niyo na nga! Mukhang itinutuloy niya lang naman yung pag eemo niya kanina." Sabbie.

"Duh! Kaya ko lang nasabi sa inyo yun kase gusto kong magshare sa inyo kahit katiting lang. Hmp. Bahala nga kayo. Tulog nako." Sabay higa sa kama ko.

Matutulog na sana ko ng marinig ko silang nagchichismisan.

"Girls! Gusto niyo bang malaman kung sino yung guy na kinababaliwan ni Bes?" Bulong ni Chen. Takte! Bulong ba yun?! 

"Ay! Exciting! Sino? Bilis na!" Yung dalawang bruha.

"Si---" 

"CHEN! TULOG NA!!!!" Pagputol ko sa sasabihin niya. 

"Sige po!" Kinakabahan niyang sabi. Loko ka Chen!

Hmp. Makatulog na nga. Busit na Chen yan! Sasabihin pa sikreto ko ng di oras eh! 

Psh. >.<

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon