(A/N : The beautiful Jillian! Yeah! *Kaway!* *Kaway* --------->)
*********************************
Chapter 4
"Jillian! Gumising na! Tanghali na! Takte! Pahirapan na naman ba tayo?!" Sigaw ni mama sa baba.
"Eh sabi mo magpatanghali ako ng gising tapos sesermonan mo ako ng ganyan kaaga!" Pagmamaktol ko.
"Isa! Humanda ka talaga sakin!" Mama.
Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi naman ako takot kay mama eh! Haha! Onti lang.
Ng biglang...
"JIIIILLLLLLIIIIAAAAAAANNNNNNN!!!"
Nakakabasag po ng eardrums promise.
"MAMA ANOOO BAA? Kelangan sigawan ako?! Babangon na nga eh!"
Ano nangyari? Okay pa sana kung malayo siya eh. Kaso nakatapat yung nakakapangilabot niyang bunganga sa tenga ko. Pota! Sakit kaya nun!
Pagkatapos ng madugong sigawan, nag ayos nako. Then presto! I'm done! Kakain na lang pala ako ng breakfast. Oo nga pala, okay na yung paa ko. Sus! Isang gabi lang pala katapat neto eh.
Pagkatapos kong kumain, I look at my wristwatch.
O_O
Himala.
May himala.
Sobrang himala.
6 : 23 A. M.
What a precious time.
Is this for real?
Pwede magbigti?
Joke. Sayang beauty.
Pero di nga? Nagawa kong mag ayos ng ganto kaaga?
"Walang himala!" Ginagaya lang naman ni mama si Nora Aunor. Infairness ha. Gayang gaya naman! Pang famas ang beauty ni mudrabells. Tsk! Manang mana talaga ko dito.
"Ang galing!" *Clap* *Clap* *Clap* Ako yan.
"Thank you nak! Thanks to all!" *Bow* Si mama yan!
"Ang galing... Ang galing na talaga ng sugat ko! Ma, wag assuming. Nakamamatay. Ge gorabells nako." Ako.
"Ge. Wag tatanga tanga ha! Madagdagan pa yung regalo mo!" Sigaw naman niya.
Paglabas ko ng gate, agad na bumungad sakin ang napakagwapong nilalang. De joke lang. Agad na bumungad sakin ang napakagwapo kong bestfriend. Joke lang ulit. Agad na bumungad sakin ang napakatikas kong bestfriend. Joke lang--- syempre totoo na yan! Bwahaha. Alam ko din namang synonym ang gwapo at matikas. Sadyang may sayad lang talaga ako.
"Nga nga. Tayo'y ngumanga~" Kanta niya sakin.
"Well, nakanganga ako kase ang panget mo. Ano bang ginagawa mo dito?" Ako.
"Sinusundo ka. Tanga ba? Alanganamang ihatid kita sa inyo? Utak mo asan ha? Susme!" Pahiya ako dun ah.
"Tanga. Pwede mo naman ako ilibot tapos magagawa na yung 'ihatid kita sa inyo' thingy! Utak mo din asan?" Bawi ko.
"Tanga. Pano kita malilibot, eh may pasok tayo." Siya.
"Ano? Magtatangahan na lang ba tayo dito? Tara na kaya?!" Pero ang totoo, wala na talaga kong maisip na ipambara sa kanya. Haha! Galing ko lumusot.
"Teka, ayos ka na ba? Dapat hindi ka muna pumasok ah?" Siya.
"Okay nako. Tsss. Wala pala yung sugat na yun eh! Weak!" Ako. Napasmirk na lang siya.
@School
"Oh ano ka ngayon?! Di mo ko napagsaraduhan noh? Haha! :P" Ako.
"Duh?! It's just wan tym! Ang yabang mu ah." Buknoy. Lols. Bisaya talaga. Ang sagwa mag english.
"Wan tym, wan tym ka diyan! C'mon Buks! Gimme your some talent! SPELL!" Ako. Hehe. Lagi ko kasi tong kaasaran.
"U-Uhm.. O..... Uhm.... Bukas naman yung iba! Inuuto mo lang aku eh!" Hahaha. I knew it!
"Hmp! Sige na nga. Haha. Alis nako Buks!" Sabay alis.
Kakatapos lang ng first period. Andito pa rin kami ngayon sa room. Ang barkada? Ayun, may sari sariling mundo.
Chen - Nagsosoundtrip.
Gabriel - Gumagawa ng HW. Haha! Di to nakagawa kahapon!
Sabbie - Nagtetext.
Troy - Nagtetext. Halata namang magkatext tong dalawang mokong.
Trixie - Natutulog. Puyat much?
Froilan - Lumalamon. What's new?
Si Chester naman eto nangungulit.
"Uy sige na kaseeeeee." With matching puppy eyes. Pacute? Sus. Humihingi kasi ng favor. Di ko nga alam kung ano eh.
"Ano ba kase yun?" Tanong ko.
"P-Paturo naman k-kung pano m-manligaw."
Aray.
Parang biglang nahiwa puso ko?
Luh? Anyare?
"Bakit naman? Atsaka bakit sakin pa?" Sunod sunod kong tanong kahit masakit na yung nararamdaman ko.
"Nahanap ko na siya."
Aray ulit.
Takte. Bat ang sakit?!
"Huh? Sino?" Painosente kong tanong.
"Nahanap ko na yung taong para sakin."
Aray na naman.
Durog na ata puso ko eh.
"Bro, bakit ka umiiyak?" Luh? Sino? Ako? Umiiyak?
Hinawakan ko yung mukha ko.
He's right. Umiiyak nga ako. Umiiyak ako sa di malamang dahilan.
"Ah wala to. Baka napuwing lang diyan." Sabay iwas ng tingin. Iniba ko na lang yung direksyon ng mata ko. Yung malayo sa kanya.
Naguguluhan na ko. Di ko maintidihan. Di ko alam kung anong nangyayari sakin.
Di kaya........
Teka............
Am I falling for him?
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...