~TEAF Chapter 35~

130 2 0
                                    

Chapter 35

Mabilis akong tumayo mula sa aking pagkakahiga. Kahit na sobrang sakit ng katawan ko, pipilitin ko para maayos na to. Nagtungo agad ako sa closet. Hindi na ako nakapamili pa dahil sa sobrang pagmamadali. Kung ano na lang yung nadampot ko, yun na lang yung sinuot ko.

Tiningnan ko muna yung labas sa pamamagitan ng palihim na pagsilip sa pinto ng kwarto ko. Kahit na kasi magpaalam ako kay mama na aalis ako, hindi ako papayagan nun dahil nga may sakit ako.

Dahan dahan akong naglakad-takbo mula sa kwarto papalabas ng bahay. Nasa kusina siguro sila kaya hindi nila ako mapapansin. Bago ako makaalis, napatingin ako sa wrist watch ko.

11:40 P.M

Pumara agad ako ng taxi dahil nasa probinsya nila si manong Fred.

Lord, kayo na po ang bahala sa akin. Tulungan niyo po sana si Chester makabangon sa oras na malaman niya ang katotohanan. Magiging mahirap to sa kanya dahil sobrang mahalaga sa kanya si Sophie. Asahan niyo rin pong hindi ako mawawala sa tabi niya para masandalan niya sa oras ng mga hinagpis at sakit. Hindi ko maatim na pinapanood siyang umiiyak at nasasaktan.

"Iha, nandito na tayo."

"Ah, ito po oh. Salamat." Pagka abot ko sa kanya nung bayad ay agad na rin akong lumabas. Bumungad agad sa akin ang mala palasyong gate nila. Ang tagal ko na rin hindi nakapunta dito. Huminga muna ako ng malalim bago mag doorbell.

*Dingdong*

"Mam Jillian, kayo po pala. Ang tagal niyo rin pong hindi nakakadalaw dito ah?" Bungad sa akin ni ate Sonia. Long time maid ng mga Fontanilla.

"Manang naman eh. Ilang beses ko po ba sasabihin sa inyo na wag niyo na akong pinopo at minaman?" Ako.

"Ay eh, pabayaan niyo na po ako. Nasanay na rin po eh. Hinahanap niyo ho ba si Sir Chester? Halika, tuloy po kayo." Sabi niya and we headed our way papasok ng bahay.

"Jillian, iha?" Hala! Mommy ni Chester! Kailan pa siya nakauwi?

"Tita Ana? Ohmygod! I miss you!" Sabi ko rito at yumakap sa kanya. Mabilis lang iyong yakap at kumalas na rin kami.

"Kamusta na? You're already grown up! A perfect fine lady! Lalo kang gumanda!" Nakangiting tugon niya sa akin.

"Naku, kayo naman po. Lumaki lang po ako, hindi gumanda. Pero kung ipipilit niyo naman po talaga, wala na akong magagawa. Hehe." Natatawa ko pang sabi. Even though na tumatawa na ako, eh ibig sabihin hindi nawawala yung kaba ko.

"Hahaha. Eh teka, bakit parang ang init mo?" Paktay. Bakit nga pala ako yumakap eh nilalagnat nga pala ako. Aish! Boba Jillian! Napakaboba mo!

"Na sun burn po siguro? Hehe. Kaka swimming ko lang po kasi l-last week." Pagsisinungaling ko. Wrong move. -.- Christmas season, swimming?! Bahala na. 

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon