~TEAF Chapter 40~

87 1 0
                                    

Chapter 40

"A-Ahh, guys.. Pasok muna tayo sa loob, please?" Sabay fake smile.

Ang totoo hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko eh. TSAKA TEKA NGA! Bakit ba ako yung naiipit dito?! Eh wala naman akong kasalanan ahh!!!

Si Gabriel, umupo dun sa pang isahang sofa samantalang si Chester ay tumabi sakin dun sa mahaba. At si timaws nakatingin pa sakin ng masama! Loko to ah, bubugbugin ko to mamaya!

"Ah, kasi Gabriel, si Chester, si mam-----"

"Pwede sakin ka muna magpaliwanag kung bakit nandito yan? Lagi na lang siya inuuna, bwisit!" Reklamo ni timaws. Ayun. Sinikmuraan ko nang hindi nakikita ni Gabriel.

"Ahm Gabriel... Pinabantayan kasi ako ni mama kay Chester kaya dito siya tumitira. Malaki kasi ang tiwala ni mama sa kanya kaya ayun. Sorry kung di kita nasabihan---"

"Anong dapat hingan ng sorry? Hindi naman kayo para magpaliwanag ka sa kanya ah." ANG EPAL NA SI CHESTER!

SIRAULO TO NAMUMURO NA SAKIN HA!

Pinandilatan ko siya ng mata. Punyeta napaka epal eh!

"Pagpasensyahan mo na si Chester. Pagod lang sigu---" Pinutol na naman niya ako! Eepal na sana ulit siya ng kurutin ko siya.

"ARAAAAYYYYY!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Grabe yung tawa ko.

Pero si Gabriel, tahimik. Na halata namang fake yung smile niya. Luh. Selos? HA-HA-HA.

"Ahm. Teka. May iluluto nga pala ako. Sandali lang ha." Sabi ko.

Pero bago pa man ako makaalis..

"Tulungan na kita." Sabay pa nilang sabi.

Lihim akong napatawa. Grabe kasi parang nagpractice eh.

"Sige, ok lang. Wag na. Manood na lang kayo kung gusto niyo whatever. Enjoy." Sabi ko. Pero ang kulit nilang dalawa! Sumunod pa rin sa akin sa kitchen. Ok fine. Gusto nila to eh.

Naglabas ako ng bowl at ng fruit cocktail para sa fruit salad. Nag agawan pa sila dun sa bowl para tulungan akong mag mix. Wala akong nagawa kundi magpaka referee sa kanila.

"Chester, hayaan mo na si Gabriel dito. Gumawa ka nalang ng ibang recipe." Kung nagtataka kayo, hindi ko naman sa inaasar ko siya, pero parang ganun na din. Dejk. Gusto ko lang malaman niya na hindi sa lahat ng bagay, kakampihan ko siya.

Sumunod na lang siya sa sinabi ko, gumawa nga ng ibang recipe kaso gigil na gigil naman sa paggawa. Ay leche, naghihiwa pa naman siya!

"Aw." Ayan na nga ba sinasabi ko eh!

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon