~TEAF Chapter 39~

99 2 0
                                    

Chapter 39

"Ma? Nilalagnat ka ba?" Tanong ko sabay hipo pa sa noo at leeg niya. Hinawi niya yun atsaka seryosong tumingin sa akin.

"Pinapayagan na kita. Sige na anak. Ito yung gusto mo diba? Narealize ko lang na hindi kita mapipilit sa ayaw gawin ng puso mo. Mahal kita anak. At deserve mong maging masaya." Sabi pa niya.

Pero hindi ako makapaniwala. Minsan lang ito yung dahilan ng pag aaway namin tapos bigla siyang papayag.

"Ano? Ayaw mo ba o gusto?"

"Salamat ma. :)" Sabi ko atsaka yumakap sa kanya. Sabi ko na nga ba't di ako matitiis nito eh.

"Basta alagaan mo ang sarili mo ha." Bigla siyang tumingin sa likuran at sinenyasan si Chester na lumapit sa amin. Nang makalapit na siya ay ramdam ko ang kabang bumabalot sa katawan niya dahil baka sabihin ni mama sa kanya na tuloy ang pag alis namin.

"Chester, itinuturing na kitang pangalawang anak ko. Kaya alam ko na kaya mong alagaan at protektahan si Jillian. Wag mo siyang pababayaan ha. Mag iingat kayong dalawa." Ng marinig ni Chester ang mga yon ay nagkaroon ng isang malaking ngiti sa kanyang labi. Napatingin siya sa akin pagkatapos ay napatingin kay mama. Nagulat ako ng bigla niya itong yakapin.

"Tita, salamat po. Pangako kong hindi ko siya pababayaan. Salamat kasi ibinigay niyo ang tiwala niyo sa akin." Sabi niya ng makaalis na siya sa yakap.

"Basta ipangako mo na hindi siya masasaktan ha. Lalong lalo na kung dahil sayo!" Napatawa kami sa sinabi ni mama.

"Opo. Pangako tita." Nakangiting tugon ni Chester.

"Calling again the attention of Flight AB120, please proceed to the section line for boarding."

"Oh, pano ba yan? Aalis na ako ha. Jillian, malaki ka na. Alam mo na kung ano yung mga gagawin mo. Chester, bantayan mo ng mabuti ang anak ko huh? Wag mo munang hayaang magboypren." Mama.

'Hindi talaga ako papayag. Baka mabangasan ko pa yung lalaking kung sakali.' Rinig kong bulog ni Chester. Kinurot ko nga. Napa aray naman ang loko.

"Sige po tita. Ako na po ang bahala. Mag iingat po kayo dun." Chester. Tsaka sila nagbeso beso.

"Mama... Sorry kung di kita masasamahan ha. Ikaw kasi pinaiwan iwan mo pa ako dito eh. Pero ma, wag kang magtatampo ha? Gusto kitang samahan pero hindi ko rin kayang iwan yung lugar na to tsaka yung mga taong bumuo ng buhay ko. Hayaan mo ma, lagi akong tatawag. Ingat ka dun ha! Baka ikaw nga yung magboypren dun eh! Bye ma!!" Ako.

"Ikaw talagang bata ka!" Sabi niya atsaka ako binatukan. -_- Aba! -_-

"Oh sige na, aalis na ako ha. Wag niyong pabayaan ang sarili niyo." Tsaka siya kumaway. Naluha na lang ako ng unti unti siyang mawala sa paningin namin. Napansin ata yun ni Chester kaya niyakap niya ako patagilid. Katabi ko kasi siya eh.

"Para kang bata." Sabi niya.

Saglit lang din kaming nag stay dun sa airport at napagdesisyunan naming umalis na.

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon