Chapter 37
Hindi ko alam kung bakit may kabog akong naramdaman sa dibdib ko. Wait, di kaya may breast cancer ako? What the?! -.-
"A-Ano yun ma? Ikaw ha, masyado kang pa tense." Pagbibiro ko na lang para mawala yung 'kabang' nararamdaman ko.
"Seryoso to Jillian." Walang ka ekspre-ekspresyong tugon nito. Lalo tuloy bumilis yung tibok ng puso ko.
"Ano ba kasi yun?" Ako.
Huminga muna siya ng malalim bago muling sumagot..
"We're leaving."
Hindi ko alam kung ilalaglag ko na ba yug panga ko or matutulala sa narinig ko o hindi ako maniniwala.
"Ma? Ano bang sinasabi mo?" Ako.
"Aalis na tayo. Lilipat na tayo sa Batangas. Kanina, nakipagkita sa akin ang ninang mo. Hindi na daw kaya ni nanay. Bibigay na daw yug katawan nito. Kaya gusto niya, bago manlang siya mawala, makasama niya tayo at ipamana sa atin ang ipinundar niyang bahay. Kaya ngayon pa lang, mag umpisa ka ng mag impake dahil next week na ang flight natin."
*Laglag panga*
"Uulitin ko. Next week na ang flight natin kaya magpaalam ka na sa mga kaibigan mo."
Anudaw?
"Mama! Next week? Seryoso ka ba? Ayoko ma! Di ako aalis! Di ko kayang umalis dito!" Ako.
"Wala ka ng magagawa. Buo na ang pasya ko. Sa ayaw at sa gusto mo, AALIS TAYO!" Sigaw pa nito. Nagulat man ako, mas nangibabaw pa rin yung lungkot na nararamdaman ko sa pag alis namin.
"Mama, please.. Ayoko... Di ko kaya.." Mangiyak ngiyak ko ng pagmamakaawa rito.
"PWEDE BA?! Itigil mo na nga yang kadramahan mo! AALIS TAYO DITO! AALIS TAYO, NAIINTINDIHAN MO? Ngayon pa lang, magpaalam ka na sa kanila." Ang huling sabi niya bago siya makaalis.
Napaupo na lang ako sa sofa at ipinatong ang kamay sa noo.
Hay! Bakit ba ang dami daming nangyayari ngayon pang araw ng pasko?
Ang masaklap pa dito...
Iiwanan ko ang mga taong kinalakihan ko na. Yung mga taong bumuo ng buhay ko.
Yung mga kaibigan ko...
Tsaka si Chester..
Oo. Kahit na ginanun niya ako, aminado ako sa sarili ko na hindi ko siya kayang iwan.
Pero!
Ito yung gusto niya diba? Ang mawala ako sa buhay niya?
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...