Chapter 46
Chester's POV
(A/N: Guys, kay CHESTER na tong POV na to... Just reminding kase baka nasanay kayo na laging POV ni Jillian. Kay Chester to wah. Kay Chester :) yun lang, enjoy!)
Nandito ako ngayon sa bahay.. Hawak ko ang larawan ng isang babae.
Isang babaeng napakahalaga sa buhay ko...
Isang babaeng sobrang mag alaga sakin...
Isang babaeng tanging nakapagpapasaya sa akin.
Isang babaeng...
Mahal na mahal ko.
Hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko. Mahal ko siya kaya ko ginawa yun.
Siya lang ang nakapagpaintindi sa akin kung ano ang pagmamahal... Siya ang kaligayahan ko..
Kaya alam kong tama lang ang lahat ng ito.
Tama lang, ang mga ginawa ko.
Flashback.
(Nung mga panahong nagbabalak silang pumunta sa boracay)
Bigla akong kinabahan nang ipatawag ako ni dad sa office niya. Sa pagkakaalam ko kasi wala naman kaming problema. Magpapatawag lang yun kapag meron talaga. Kaya kinakabahan talaga ako.
Nagdrive na ako papunta sa office niya. A couple of minutes ay nakarating na din ako. Nagtungo agad ako sa kung saan naroroon ang ama ko..
"Son. Umupo ka." Bati niya sakin.
"Dad, may problema ba?" Agad kong tanong.
Ngumisi siya. Kilala ko tong si dad. Playful siya. Napakamapaglaro niyang tao. Kaya pag may business talagang kumalaban sa kanya, siguradong matatalo yun dahil sobrang lakas niya sa business industry.
"Wala naman... Uhh, ipapakasal lang kita sa anak ng isa sa mga business partners namin."
O_____O
K-KASAL?
"Dad! Ano ba?! Bakit ba kayo ganyan? Ipapakasal mo ang anak mo sa taong hindi naman niya kilala! Sa taong hindi naman niya mahal! Dad naman! Hindi! Ayokong pumayag!"
Matapos ko siyang pagsisigawan at napatayo na siya. Mukhang galit na. Pero wala akong pakialam dahil ang pagkatali ko sa isang babae ang pinaguusapan dito.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...