~TEAF Chapter 1~

374 12 3
                                    

Chapter 1

 

Jillian's POV 

 

"Jillian! Hoy bruha! Tanghali na!! Langya! Mapapagsaraduhan ka na naman ng gate ni Buknoy!" Napagising naman ako sa sigaw ng aking minamahal na ina. Ganyan ang gawain namin tuwing umaga. Si Buknoy, yun yung guard sa school namin. Haha! Astig ba? Nah, ako lang nagpangalan niyan! Trip ko eh. Bakit ba?

 

"Potek mama! Gimme 5 minutes more!" Sigaw ko pabalik. Ganyan talaga kami. Sobrang close namin sa isa't isa. Tropa kami niyan eh! Siya nalang kasi ang magulang ko. Patay na si papa. Car accident.. Ang lungkot nga namin nung mga panahon na yun eh. Pero sabi ni mama, kailangan naming ipagpatuloy ang buhay. Kaya eto kami ngayon... 

 

"Isa! Hahampasin kita ng plantsa makita mo!" Pagbabanta niya.

 

Di ako sumagot. Sobrang antok kase talaga ako. Andaming ginawa sa school kahapon. Kaloka! Nakakastress ng beauty! De ayun.. Nagtuloy tuloy nako.

 

Narinig ko naman na may footsteps na papunta sa kwarto ko. Uwaaaa! Patay na non!

 

Dali dali akong nagpunta sa banyo. Madapa dapa pa nga ako eh! Leche lang! 

 

Ahhhhhhhhhhh! Bilisan mo JILLIANNNNNNNNN! 

 

After a few minutes, lumabas nako sa cr. I ate my breakfast in just 1 minute. I'm in a hurry kaseee.

 

Teka, anong oras na ba? 

 

I take a look on my wristwatch.

 

6 : 56 A. M.

 

4 minutes?!? Gege! Kaya pa to! Aja! 

 

"Ma! Alis nako ha!" Mabilis kong sigaw kay mama. Like duh?! 4 minutes nalang noh! Sayang yung 10 seconds na mag iintay ako ng sagot niya.

 

Mabilis din akong pumara ng taxi. Wala kasi yung driver namin. Pinagbakasyon ni mama. Di naman kase ako sanay magdrive.

 

Ayun nga.. Sumakay nako sa loob.

 

Oo nga pala.  hindi pako nagpapakilala sa inyo. Ako si Jillian Chrixzia Yonaza. Maganda, maganda, maganda, maganda. De JK. Matalino, maganda, mabait, masunurin, makinis, matangkad, morena. 17 sa gulang. Nag aaral sa East Bridge University. Tulad nga ng nasabi ko sa inyo, wala nakong tatay. Pero matagal na kaming naka move on dun. May bestfriend ako. Siya si Chester Nathaniel Fontanilla. Gwapo, matangkad, maputi, badboy, hearthrob. 10 years na kaming magbestfriend. Bro ko yun! Sobrang gentleman, caring maalahanin ng mokong na yun. Hindi kami tulad ng ibang lalaki at babaeng magkaibigan na may awkwardan. Sobrang komportable namin sa isa't isa. Sana nga hindi na matapos ang pagkakaibigan namin eh. Hindi ko ata kayang wala siya. LULULU! Drama! May isa pa nga pala akong bff. Babae naman siya. Siya si Chen Gonzales. Halos magkaparehas lang kami ng character traits nun. Yun ang pinakamagaling mag advice sa aming magkakabarkada. And speaking of barkada, may isa nga pala akong barkadang ubod ng baliw. Napaka------

 

"Ineng kanina pa tayo andito. Ano bang iniisip mo diyan?" Naputol ni manong yung imagination ko. Wahhh! 

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon