Chapter 31
-December 23 (2 days before Christmas)
*Yawn* *Inat* *Inat*
"Goodmorning!" Bungad ko sa sarili ko habang naghihikab hikab pa. Naramdaman ko na lang na bumukas ng pinto at pumasok si mama.
"Hoy! Toothbrush toothbrush din! Mahiya ka sa hangin ng kwarto mo, mahahaluan ng bad air." Pang aasar niya sabay takip ng ilong.
"Psh! Ma, ang ganda ganda ng gising ko tapos bubungad ka sakin?" Naasar na sabi ko.
"Ayaw mo nun, pagkagising mo, magandang mukha agad ang bubungad sayo!" Nakangising sabi niya. Kaderder. Haha.
"Kilabutan ka nga ma! Maliligo na ko! Kakahiya naman sayo. Ang BANGO mo kasi." Talagang inemphasize ko yung word na mabango. Wala kasi siya nun. Hahaha.
Pagkatapos ng magandang convo namin ni mama ay naligo na rin naman ako. Pagkatapos kong maligo, nahiga ulit ako sa kama ko dahil wala na naman akong gagawin pa.
*I'm sexy and I know it! Turururururut!*
Tiningnan ko kung sino yung tumatawag. Sana siya nalang to. Miss na miss ko na kasi siya eh.
Pagkakita ko...
Tito Edmon Calling...
Dissapointment. Yan ang meron sakin ngayon. Jokies. Anyway, tito ko nga pala yang tumatawag. Kapatid ni papa. May ari yan ng JCY Hotel ang Services. Oo, kinuha niya sakin yung JCY. Favorite pamangkin niya daw kasi ako. May asawa na siya, hindi pa nga lang nabibiyayaan ng anak dahil parehas sila nung asawa niyang busy. Favorite tito ko din naman yan. Yaman eh. Jokies.
Phone convo :
"Hi tito!" Bungad ko,
"Nako! Ikaw talagang bata ka! Napakahyper mo!" Ayan, sinermonan tuloy ako.
"Bakit nga po pala kayo napatawag?" Ako.
"Uh, punta ka dito sa hotel. May ibibigay lang ako sayo." Siya.
"Bakit? Ano po ba yun?" Naeexcite kong tanong.
"Basta, dali na!" Siya.
"Ok, bye tito. See you." Ako.
"Bye Jillian. Hurry up ha. Mabilis lang. Isisingit ko lang kasi to. Madami pa akong meetings. Sige na, bye." Sabay end call.
End of convo.
Pagkababa ko nung phone, agad akong nagbihis. Nagsuot na lang ako ng pink V neck shirt with maong pants tsaka nag converse. Ayan, napaka simple ko talaga.
"Ma! Alis muna ako ha! Pinapapunta lang ako ni tito sa hotel! Yung pinto pakisara, at wag magpapasok ng boylet!" Sigaw ko at nagtungo na palabas.
Nagpadrive na ako kay manong Fred. Maya maya lang ay nakarating na rin ako dito sa hotel. Hinanap ko ang main office at doon ko nakita si tito.
"Hi tito!" Bungad ko sa kanya at lumapit para yakapin siya. Spoiled kasi ako dito. Di ba halata?
"Jillian! Bilis mo naman akong na miss, eh kakakausap pa lang natin sa phone kanina ah?" Sabi niya at bumitaw na sa yakap.
"Eh syempre tito. Ikaw ba, di mo namiss yung peborit pamangkin mo?" Sabi ko with matching tampo voice.
"Eh syempre namiss, ikaw pa!" Haha. Katouch. Penge ngang tissue.
"Eh ano po ba yung ibibigay niyo sa akin?" Ako.
"Ah. ito oh." Sabay abot sa akin ng... Hermes bag!!! Sheeeeeeeeet! Ito yung dream bag ko eh!! Yung matagal ko ng pinapabili kay mama, kaso sabi niya yung nasa Divisoria na lang daw. Loka loka yun eh! Naku naman! Huhuhu. Labyu na talaga tito!!
"Waaaaaaah! Thank you su much tito!" Tapos niyakap ko ulit siya.
"Haha. Nakakatuwa naman yung reaksyon mo. Welcome, basta sa favorite pamangkin ko! Natutuwa akong nagustuhan mo!" Siya.
"Naman tito! Thank you po talaga!" Nakangiting sabi ko. Eeer! Iingitin ko si mama! :P
"Yan na yung christmas gift ko sayo ha. Napaaga lang kasi ang dami kong schedules na kailangang gawin." Siya.
"Ok lang po tito! Promise, iingatan ko po ito!" Ako.
'Haha. Ikaw talaga. Oh, pano ba yan? Mauuna na ako ha. May meeting pa kasi ako sa conference room eh." Siya.
"Sige po. Salamat po ulit!" Tapos ay ngumiti na lang ulit siya at tuluyan ng umalis.
Tiningnan ko naman yung bag at narealize kong ang OA ko pala magreact. Maya maya'y napagdesisyonan ko munang maglibot libot dito sa hotel. Ayoko pang umuwi. Tinatamad pa ako.
Sinumulan ko ng maglakad lakad. Lalalalalalala----- oh waiiittt... Nakabukas yung pinto dun sa isang room oh? Lahat kasi ng pinto dito nakasara. Tanging yun lang ang nakabukas. Tingnan ko ba? Ayt. Parang chismosa naman ako kung ganun.... Pero..... puteekkk! Umandar na naman yung pagkapakielamera ko!
Unti unti akong lumapit sa kwartong iyon... Pagkadasog ko dun sa pintuan... Sinilip ko...
O_________________O
OMG.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...