Chapter 36
"Moms! Ito yung iyo! Akin yan eh!"
"Che! Akin kaya to! Yan yung sayo!"
Napamulat naman ako sa mga sigaw na dumadapo sa tenga ko. Asdfghjkl! >.<
NATUTULOG YUNG TAO EH! >.<
"Ma, Chen, ano ba yan? Ang aga aga ah?! Mahiya naman kayo sa kapitbahay at sakin!" Ako. Napansin kong pinag aagawan nila yung regalong may blue wrapper. Ugh! Sa lahat naman ng regalong pag aagawan, bakit yun pa?! Pwede namang kahit yung akin na lang!
"Wow! Big word! Mahiya daw sa kanya!" Mama.
"Oo nga! Paki mo ba?" Chen.
"Eh naiistorbo kaya yung tulog ko! Ano ba kasi yan?!" Ako.
"Eh ito kasi si Chen, inaagaw yug regalong para sakin. Sabi niya kanya daw to! Akin to diba nak?" Mama.
"Moms, akin nga yan. Makikipagtalo ka pa sa bata moms." Chen.
"Alam niyo. Parehas namang hindi inyo yan eh. Kaya walang dapat pagtalunan." Ako.
"Eh kanino to?!" Sabay pa nilang sabi.
Semi silence...
"K-Kay C-C-Chester."
"Kailangan mautal?"
"Oo nga. May nangyari noh?"
"Wala. Walang n-nangyari." Hindi na ako ngayon makatingin sa kanila ng diretso dahil maari na namang bumagsak yung mga luha ko.
Ayan na naman. Bumabalik na naman yung sakit.
Nagulat ako ng yakapin ako ni mama. Nararamdaman niya siguro na malungkot ako ngayon.
"Sige na. Ilabas mo na. Nandito lang si mama." Pagkasabing pagkasabi niya nun ay hindi ko na rin napigilan yung pag iyak ko. Eh masakit eh!
"Anak, kahit hindi mo sakin sabihin yung problema mo, alam at ramdam ko yun. Wala kang maitatago sakin. Nanay mo ako eh. Nararamdaman ko yung nararamdaman mo!" Sabi niya.
"Mama.. Wag mo na ko sermonan. Umiiyak na nga ako eh! Hindi lang yung puso ko yung masakit! Pati tenga ko, magang maga na!" Pagmamaktol ko.
Nakatanggap naman ako ng batok mula sa kanya ng makabitaw na siya sa pagkakayakap sa akin.
"Aray! Ang brutal mo naman ma! Hindi mo manlang pinakisamahan yung pag iyak ko!" Ako.
"Eh yun na nga eh! Madadala na sana ako kung hindi ka lang nag segway! Hayp ka!" Mama.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...