Chapter 48
Chester's POV
"Babe, bagay ba sa akin?" Sabi ni Sophie sabay tapat ng napaka sexing dress sa katawan niya. Magkasama kami ngayon sa mall, magdadate daw kami sabi niya. Hindi na lang ako nagreklamo at sumama na lang.
"Sophie, ano ka ba. Kulang na lang yata hindi ka na magdamit diyan sa dress na yan eh. Alam mo, kung si Jillian ang pumili niyan, magagalit talaga ako sa kanya."
Nagulat siya sa sinabi ko. Pati ako medyo nagulat din. Bakit nga naman nasali si Jillian dito, eh kami lang ni Sophie ang magkasama.
Napa-facepalm siya, at medyo lumungkot ang mukha.
"Jillian na naman." Mahina at pabulong nitong tugon.
Nakaka konsensya naman. =____=
"I'm sorry." Hindi siya nakasagot sa sinabi ko.
"Look Sophie, I'm trying to be nice.. Kahit na ikaw yung nagtaksil sa relasyon natin noon.. Kahit sobrang nahihirapan ako, sinusubukan pa rin kitang mahalin.. Kaya sana maintindihan mo kung mabanggit ko si Jillian paminsan minsan dahil parte iyon ng pagkalimot ko sa kanya."
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Talaga Chester? Kakalimutan mo na si Jillian? you know what, hindi naman ako mahirap mahalin eh.. Kaya hindi ka na mahihirapang makalimutan si Jillian." Pahayag niya sabay alis sa pagkakayakap sa akin.
Hindi naman siguro mali yung desisyon ko. Kakalimutan ko siya, oo.. Posible ko yung magawa. Pero yung maalis siya sa puso ko, iyon ang imposibleng mangyari.
Nag aya si Sophie sa isang ice cream parlor. Syempre umoo nalang ako.
"Baby, ano gusto mong flavor?" Tanong nya sakin. Sabay ngiti. Maganda naman si Sophie eh, alam ko ding mabait siya.. Hindi naman niya kasalanan na hindi ko siya mahal.. Ako yung may problema dun.
"Kahit ano na lang." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Feeling ko may iba sa ngiti ko eh. :(
Parang kulang.
"Are you sure? Sige."
"Ahm, wait. Ako nalang pala ang oorder. Nakakahiya naman kasi, babae ka, lalaki ako. So maupo ka nalang dyan. Intayin mo nalang ako." Sabi ko sa kanya. Bigla syang namula at napangiti. Kinikilig ata.
Pumunta na ako sa counter at nag order. Nakita ko yung nasa menu board. Cookies and cream flavor agad yung nahagip ng mata ko. Yun kasi yung
Favorite ni Jillian.
"Sir, may I take your order?" Sabi nung babae. Nagchu- chuckle pa sya. Na halatang kinikilig. Pogi ko talaga.
Sinabi ko na yung order ko. 2 cookies and cream. Eh yun agad ang nasabi ko eh.
Tsaka.. Namimiss ko na kasi siya. :(
3 minutes ay nakarating na din ang order namin at bumalik nako sa table namin ni Sophie.
"Wow, thank you." Sabi nya ng mabigay ko na ang ice cream niya. Parang bata eh.
"Ahm, Chester? Bakit cookies and cream yung inorder mo?" Tanong nya.
"Favorite kasi yan ni Jillian :)" Mabilis kong sagot.
O_O
"Kasama ba natin siya? Bakit Jillian ka ng Jillian?" Malungkot nyang tugon.
"Ahm, I'm so sorry. Ang ibig kong sabihin, yan kasi agad yung nahagip ng mata ko kaya yan nanlang yung inorder ko." Napatango nalang sya. Alam kong pinipilit din nya akong pasayahin. Pinapakisamahan niya ako kahit puro Jillian yung sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...