~TEAF Chapter 19~

190 6 1
                                    

Chapter 19

Palingon namin...

"Uh sorry sissy/babe." Wahh! Nagkasabay pa kami ni Chester. Dafuu.

Inirapan niya na lang ako.

Take note, AKO lang!

T_T

This is the first time na tinarayan niya ko.

"Babe, let's go. Alam ko namang wala kang kasalanan. Dinamay damay ka lang ng malalandi diyan sa tabi." Sabay irap ulit sakin at cling kay Chester.

After that, umalis na sila.

Naninibago ako sa kanya. Di naman siya ganyan dati eh.

Nagbuntong hininga na lang ako at umupo doon sa malapit na bench.

Ganun na ba talaga ako kasama? Mukha na ba talaga akong mang aagaw? Ganun naman kasi talaga kami ni Chester bago pa siya dumating. At isa pa, nangako si Chester na walang magbabago. Sana hindi nalang siya nangako kung ganto rin naman ang mangyayari. Pero, naiintindihan ko naman siya eh. Nagmamahal lang yung tao.

Pero nakapagdesisyon nako.

Kailangan kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya bago pa lumala ang lahat.

"Kaya mo ba?" Tiningnan ko kung sino yung nagsalita. Si Chen.

Teka, ano yung sinasabi niya?

"Huh? Pinagsasabi mo?!" Ako. Tss. Bigla bigla nalang kasi sumusulpot.

"Kaya mo bang kalimutan yung nararamdaman mo para sa kanya?" Siya.

Mind reader ka teh?

"Hindi ako mind reader. Sadyang madali ka lang talagang basahin."

O_O

May sakit bato? Bat ang galing netong makahula?

"Hindi rin ako manghuhula. Gaya ng sinabi ko, madali ka lang talagang basahin." Siya.

"Chen, strike 3 na ha!" Ako. Grabe na itech! Kakalurkey.

Akalain mo yun? Tatlong sunod sunod na bagay, ang dali niya mabasa.

"So ano na? Kaya mo ba talaga?" Siya.

"Eh ano muna yung sikreto mo sa pagiging mind reader?" Ako.

Matinding batok naman ang aking natanggap mula sa kanya. -_-

"Loko loko ka talaga eh noh? Gantong sitwasyon, nagagawa mong magbiro." Siya.

"Syempre kailangan kong maging matatag. Sino pa ba naman yung pwedeng makatulong sakin kundi yung sarili ko diba? Hindi naman pwedeng araw araw umiiyak ako. Hindi naman pwedeng araw araw mahina ako. Dapat tatagan ko lagi yung sarili ko. Kahit mahirap magpretend." Ako.\

"Hay sa wakas! Sumeryoso din ang bruha! Pero, di mo pa rin sinasagot yung tanong ko. Kaya mo ba talagang kalimutan na lang basta basta yung nararamdaman mo para diyan sa whatsoever 'bro' mo?" Siya.

"Alam kong di yun ganun kadali. Pero dapat kayanin ko kahit mahirap. Hindi lang naman to para sa akin eh. Para to sa ikabubuti ng lahat." Ako.

"So, ibig sabihin ba niyan.. Kung kakalimutan mo ang feelings mo para sa kanya, ibabaling mo nalang yun sa iba. Ganun ba?" Siya.

"Depende. Kung sakaling may magmamahal sakin ng totoo at hindi ako sasaktan, maaring sa kanya ko ibigay ang pagmamahal ko." Ako.

"Pero mahirap turuan ang puso Jillian. Hindi mo basta basta maibibigay yang pagmamahal mo sa iba. Kung itinadhana siya sa isang tao, dun nalang siya forever. Kahit na anong gawin mo, hindi yun pwedeng mabago." Chen. May point siya.

"Tama ka Chen. Pero itatry lang naman ah? Malay mo naman magwork." Ako.

"Bahala ka nga. Pero tandaan mo... Hindi kailanman natuturuan ang pusong magmahal ng iba." Siya.

Hindi kailanman natuturuan ang pusong magmahal ng iba.

Hindi kailanman natuturuan ang pusong magmahal ng iba.

Hindi kailanman natuturuan ang pusong magmahal ng iba.

Pa echo echong sabi ng utak ko. Siguro nga di ko kaya. Hayy.

"Okay. Tara na nga. Magdidilim na oh, hindi pa tayo nagdidinner." Ako.

"Sus. Oh sige, tara na nga." Siya.

Pagdating doon, parang pinagbagsakan ng ilang kilong tons ng baboy ang mga mukha ng mga to.

"Oh, bat ganyan mga mukha niyo?" Ako.

"Diba obvious? Aalis na kasi tayo bukas ng umaga. Mamimiss namin yung mga memories dito." Trixie.

"Ang drama niyo! Para naman kayong mga batang gusgusin na inagawan ng kapirasong tinapay. Tsaka ano ba naman yung mga 2nd 3rd 4th etc na mga chance na pwedeng maulit to diba?" Chen.

"You can't blame us. Eto yung unang pagkakataong nagkaroon tayo ng trip dito sa Boracay. At sigurado akong magiging memorable to sa bawat isa sa atin." Sabbie.

Oo. Sobrang memorable talaga. Sobrang daming nangyari dito na tatatak sa puso ko.

"You're right. But instead of putting sadness on your face, why don't you try it into a happy face?" Chen.

"Because it so hard to pretend. Hard to pretend that you're happy. You can't achieve a true happiness in pretending. Pero minsan, kailangan mong magpanggap.. na masaya ka.. na wala kang problema.. na nakakasabay ka sa daloy ng agos. Dahil ito ang nakakabuti para sa sarili mo. Ito ang nakakabuti para sa lahat." Ako.

Wala lang. Kinuha ko lang yung moment para manlang kahit katiting, may mailabas ako.

"May pinagdadaanan ka ba bebe Jills?" Trixie.

"Uh, wala. Sadyang matalino lang talaga ako." Pagyayabang ko. 

"Matalino daw.. pero hindi naman ako masagot sagot." Gabriel.

Nanggogoodtime na naman to. -_-

"BOOM!" Barkada.

"Ang galing mo totoy Gabriel!" Froilan.

"Wooohh! Boy pick up the second!!" Troy.

"Heh! Manahimik nga kayo!" Bawal ko sa kanila. Mga pasaway. -_-

"Pero seryoso Jillian. May chance ba tong si Gabriel if ever mang manligaw siya sayo?" Troy.

Natahimik silang lahat. Including Chester at Sophie na kanina lang eh naghaharutan. Pati ako, di ko alam kung ano isasagot ko.

Pero honestly, meron. HINDI. Kaso ayokong magpadalos dalos.

Can somebody help me? Help me please! Kung sino man yung hero na itinadhana sa akin, ngayon ka magparamdam! Save me please! Mahal na mahal na mahal na mahal ko kung sino man yung maglistas sakin dito. >.<

"Tigilan niyo na nga si Bro!" 

Luh?

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon