Chapter 34
"Hay! Bali na ata yung spinal cords ko! Grabe, i need some relaxation." Sabi ni Chen habang pinapaikot ikot pa yung ulo niya. Gabi na kasi, halos hindi kami nakakapagpahinga dahil ang dami naming ginawa. Nagluto, nagdecorate, nag ayos ng gifts and many more. Kaya di ko na kokontrahin si Chen na we need some relaxation.
"Eh teka, anong oras na ba?" Dugtong niya.
Tiningnan ko yung wall clock na nakasabit sa upper right corner ng bed ko.
"Almost 10 pm." Sagot ko.
"Hay, tulog muna tayo. Mag alarm ka na lang para makagising pa tayo mamaya." Sabi niya.
"Inuutusan mo ko?" Nakataas kilay kong tanong. Sapakin ko to eh! Kung maka utos. -.-
"Joke lang bestfriend! Hehe. Ohsiya, mahiga na nga tayo." Sabi niya.
Bago pa man kami makapagpahinga...
"Anak, kulang pa pala yung niluto natin. May isa pa pala tayong hindi nagagawang recipe." Biglang pasok ni mama.
"T-Then?" Ako. Wala akong clue sa sinasabi niya eh.
"Yung lniluluto natin every christmas. Yung hindi nawawala sa hapag natin tuwing noche buena... Yung favorite niyo ni Chester." Ugh! Naalala pa niya! Ayoko na sanang maalala pa niya kasi every christmas, nandito si chester samin kaya lagi naming niluluto ni mama yung paborito naming dalawa. Eh iba na kasi ngayon eh.
"Ma, wala naman siya dito eh. Anong sense kung magluluto pa tayo nung favorite namin tapos wala naman siya dito. Para lang yang nag iigib ka ng tubig sa poso tapos butas yung timbang pangsahod mo. Inshort, sayang effort ma. Wag na lang." Ako.
"Kahit anong iginanda ng speech mo, basta't gusto ko, susundin mo, okay? Ako ang batas... At ikaw ay taga sunod lamang. Kaya halika na sa baba." Sabi niya sabay alis. Tiningnan ko naman si Chen kung tulog na. And luckily... Hindi pa naman. ^_^
Nakasaksak lang yung earphone niya sa tenga at nagbabasa ng pocket book. Psh. Wattpad na kaya ang uso ngayon.
"Chen, chen! Tulungan daw natin si mama sa baba. May last recipe pa pala tayong gagawin. Halika na!" Sabi ko habang niyuyugyog ko siya. Ibinaba na niya yung binabasa niya at nagtanggal na din ng earphones.
"Hindi ba napapagod yung si moms? Aba, may powers ang nanay mo ha! Pwes, ako, pagod na pagod na." Siya.
"Please?" Pagmamakaawa ko.
"One condition."
"Anything."
"Kiss my butt."
"CHEEEEEEN!"
"Fine, tara na."
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...