~TEAF Chapter 30~

150 2 0
                                    

Chapter 30

Fastforward.

2 months later..

Ngayon ay December 22 na. Ang bilis ng araw! Gusto niyo bang malaman kung ano ang nangyari dun sa 2 months na yun? Well, *buntong hininga* ngayon alam ko na... Alam ko ng mahal pala ako ni Chester.

Pero syempre bahagi lang yun ng kaechosan ko. Joke lang yun. Aish! Jillian! Magseryoso ka na nga! -___-

So as I was saying, sa 2 months na yun... alam ko na ang buong katotohanan. Alam ko ng niloloko lang ni Sophie si Chester. Bakit? Remember nung dalawang beses ko silang nahuli nung mysterious guy dun sa mall? Well, sa mga sumunod na araw, sunod sunod yung pagkakataong nahuhuli ko sila. Hindi lang sa mall kundi sa iba't ibang lugar. Ang sweet nila. Sobra. Lambingan dito, lambingan doon. Halikan dito, halikan doon. Ni hindi mo nga mapagkakamalang magkapatid, magpinsan, magkaanak chorva chorva yung dalawa eh. Kaya nakakasigurado akong may lihim silang relasyon. PERO, ni minsan, hindi ko sinubukang kausapin si Sophie. Dahil natatakot akong malaman na totoo lahat ng hinala ko. Natatakot akong masaktan si Chester. Natatakot akong mawala yung tiwala ko sa kanya. Alam kong dapat ko siyang kausapin tungkol dito pero hindi ko talaga kaya. Mahirap magkimkim. Mahirap magtago. Sana magawa ko kung ano yung tama.

"Oy bruha! Anong kagagahan yan? Pansin ko lagi kang weird ah." Si mama. Nasa bahay ako, sa isang sulok ng kwartong to. Christmas break kasi, you know. Nagmumuni lang ako dito ng biglang sumulpot si mother. Or, kanina pa ata siya nandito.

"Ma, wag ka ngang istorbo. Nagmumuni muni yung tao eh." Sabay balik ng tingin ko dun sa unang yakap ko. Weird ko ba? IKR.

"Bakit ka nga kasi laging nakakulong diyan? Simula nung christmas break, nasa isang sulok ka lang ng kwarto mo. Ano bang nangyayari?" Nag aalalang tanong niya.

"Ma, wag kang mabibigla... Pero... Buntis ako." 

O_O --> Chura ni mudra.

"Langya Jillian! Sino namang nakabuntis sayo?!" 

"S-Si... Daniel Padilla."

*Pok!*

"Aray ma! Wag ka ngang nambabatok!" Nilagay ko sa ulo ko yung kamay ko. Kahilig mambatok eh.

"Hindi kita pinalaking asyumera ha! Ano nga? Anong nangyayari? May hindi ba ko alam?" Mama.

"Wala. Ma, akin muna to please?" Tiningnan ko ulit itsura ni mother. Napabuntong hininga na lang siya.

"Sige. Hahayaan muna kita. Basta umayos ka ha! Malaki ka na. Alam mo na kung ano ang tama at mali." Aw. Tinamaan ako dun ah. Alam ko na daw kung ano yung TAMA at MALI. Psh. Gusto kong gawin pero mas nananaig pa rin yung takot ko.

I just nodded on what my mother told me. Then she left me inside my room.

*Blag!*

Oh kita mo, nagdadabog pa. Tss. -.-

*I'm sexy and I know it! Tururururururut!*

Tiningnan ko kung sino yung tumatawag.

Pareng Gabriel Calling...

Ay, oo nga pala. Ok na kami ni Gabriel. Nag usap na kami na dapat walang awkward moments na magaganap. Kahit nagtapat na siya ng feelings niya, walang dapat magbago. Kailangan daw kung ano yung turingan namin dati, ganun pa rin hanggang ngayon. Yun nga lang, sabi niya mas close dapat kaysa dati...

Phone convo :

"Hello?" Ako.

"Uhm. Hi.." Siya.

"Bakit ka napatawag?" Ako.

"May ginagawa ka ba?" Aayain na naman ako nito. Pustahan.

"Wala naman. Bakit?" Ako.

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon