~TEAF Chapter 16~

193 7 1
                                    

Chapter 16

Masaya na sana ko.. Masaya na sana yung puso ko.. Pero dahil lecheng 'SANA' na yan, nasaktan na naman ako. Ang sakit nung sunod niyang ginawa..

"Syempre joke lang. Kung wala rin lang si Sophie, ayoko ng mainlove." 

Sh*t! Sana pinatay mo nalang ako. Di yung nagpapaasa ka ng tao.

Masakit kasi eh. Masakit. </3 

"Okay.... nexxxxt......." Sophie.

"Jillian." 

Ako na pala. 

"Truth." 

Pero bago siya magtanong, she mouthed the words 'Goodluck sissy' .. Then I nodded.

"Are you inlove?" Sophie.

Silence again...

"Yes." 

Nagulat silang lahat sa sagot ko. Ako kasi yung tipo ng taong di nagsheshare ng lovelife.

Pero, mukhang mga naguguluhan ang mga to. Mukhang gusto pa nilang makarinig ng ibang details... Ok then... Pagbigyan! Sabi ko nga sa inyo, mabait akong tao eh! 

"I deeply fall inlove with a wrong person. This guy is very important to me. He is my hero, saviour, guide and protector. He never let me hurt. Until one day, he found his girl. He found the girl of his dreams. And that time, I was in a state of being broken. I was hurt.. Very very hurt. But then.. I let him happy. I let them both happy. You know why? Because I love him... I really really do." 

Di ko nakayanan. Bumagsak ng tuluyan ang mga traydor kong luha. Tumakbo ako paalis. Di ko alam kung bakit ko pa kinwento sa kanila, eh alam kong masasaktan lang ako. 

Napadpad ako sa tabing dagat. Favorite spot ko. Umupo ako sa may kahoy. I want to be alone.

"Di ko alam na magkekwento ka pala ng ganun. Di ko alam na kaya mo. Kilala kita eh. Mukhang malakas sa labas.. Pero napakacharming sa loob." 

Nilingon ko yung nagsalita.

"Sissy!" I hugged her. Kahit siya pa yung babaeng pinagseselosan ko.

"Sssshh. I know it hurts. Ganyan talaga sa love, kailangan mong masaktan." Siya sabay kalas sa yakap.

"Di ko nga alam kung bakit nagshare pako ng gantong bagay sa inyo." Ako.

"Atleast alam na namin. We-we-weyt.. Tell me, who's the guy you're inlove with?" 

Dugs. Dugs. Dugs.

Sasabihin ko ba?! 

Tanga Jillian! Syempre hindi! 

"You'll know someday. Pag nakalimutan ko na yung feelings ko para sa kanya." Sabi ko nalang.

"Sus! Pabitin naman eh! Sino nga? Do I know him?" Siya.

"Private matter. Sorry sissy." Di ko naman kase kayang sabihing 'hindi' kase ayokong magsinungaling sa kanya. Hindi rin naman pwedeng 'oo' Lalo lang yang mangungulit. Baka madulas pa ko.

"I understand. Tara balik na tayo dun?" Aya niya.

"Hindi pa ba tayo matutulog?" Inaantok na kasi ako.

"No sissy. Umatake na naman yang pagka KJ mo! Wag ka nga!" Siya. Tapos hinila na niya ko.

K fine ede bumalik.

"Andito na si Ms. Heartbroken slash Dakilang martyr slash Dakilang taga ibig slash Dakilang rejected." Asar ni Froilan sakin pagkabalik namin doon.

"Oh well, andito lang naman kasi ako dahil binalikan ko si Mr. Patay gutom slash Dakilang timawa slash Dakilang busabos slash Dakilang Ubod ng tanga." Bawi ko. Kabanas eh. >.<

"Tama na nga yan! Ano, okay ka na ba bebe Jills?" Trixie.

"Yup thanks to her." Sabay tingin kay sissy.

"No problem sissy. Basta ikaw." Sabi niya ng nakangiti.

"So, sino yung tinutukoy mo kanina? Can we know? Can you tell us?" Chester.

Tanga. Ikaw yun.

Tss! Dami ko na nasabi kanina tas hindi man lang nahulaan kung sino.

"Sorry, I can't. Sapat na yung nasabi ko sa inyo kanina. Just that." Pagtitipid ko. Ayoko ng pag usapan.

"Ok. We understand that you're not ready to tell us. But if you nedd anything, We're just here for you anytime you need us. Don't ever forget that."Bilin ni Sabbie.

"Ofcourse, I'll never forget that. Guys! Thank you for always staying on my side. You really make me feel special. Thank you." Para namang natouch sila sa sinabi ko.

"Uhhh! GROUP HUG!" Troy.

With that, nag group hug kami. Wiii! Ang saya! Kahit papano di ko muna naiisip yung problema ko dahil andyan sila.

"Guys! Masyado na atang madrama. Itigil na natin to." Ako.

-_______- --> Mukha nila.

"Gaga! Ikaw nagsimula neto eh!" Chen.

Ay tae! Oo nga pala. -_-

"Uhm ano kasi.. kasi ano..." Ako.

"Ano?!" Sila.

"N-Nagugutom nako." Nahihiya ako eh! Hindi naman ako kasing kapal ni Froilan. May hiya din naman ako noh!

-________- --> Mukha ulit nila.

Mukha nang mga intsik tong mga to. -_-

"Dyusko! Yun lang pala! Chibugan na!" Gabriel.

Tapos ayun! Una unahan kaming kumuha ng pagkain. Sino nanguna? Ede si Froilan. The one and only. Taka pa kayo. -_-

"Froilan naman! Akin yung chicken eh!" Reklamo ni Trixie.

"Ede iyo! Saksak mo sa ngala ngala mong panot!" Anong ugali meron to? -_-

"Wag na. Iyo na. Mukhang natikman na ng katimawaan mo eh! Oh ayan! Saksak mo sa lungs mo! Takte! Puro katimawaan na nangyayari sa mundo. Isama mo pa dito yung sira ulo!" Trixie. Nakakatawa silang mag away, infairness..

"Hoy ano ba kayo! Nasa karap kayo ng hapag eh! Masama yan ha!" Chester.

"Wow pare! Kelan ka pa natuto ng good manners sa pagkain? Sa pagkaka alam ko kasi, di mo alam yun!" Asar ni Troy.

Binatukal naman siya ng medyo mabigat na baso ni Chester.. Then...

"Nice pre! Headshot!" Froilan. Sabay apir.

"Ako pa!" Pagmamayabang niya.

"Sus! Ang HANGIN naman talaga dito! Ihh! Kinikilabutan ako!" Pagpaparinig ko.

"Hoy Jillian! Umaabuso ka na ha! Hindi kita inaano diyan! Tumahimik ka, leletsunin kita!" Uggh! Mataba na ba tlaga ko? Siya lang nagsasabi niyan. >.< 

"M-Mataba na ba talaga ko?" Tanong ko.

Sana hindi.

Sana hindi.

Sana hindi.

Sana hin-- 

"Oo."

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon