~TEAF Chapter 49~

57 0 0
                                    

Chapter 49

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng marinig ko ang mga salitang iyon. Para akong napako sa kinatatayuan ko at namanhid ang buo kong katawan.

Di ito nangyayari. Di ako naniniwala.

"Chester, pumunta ka na dito.. Alam kong hinihintay ka na ni Jillian, makakatulong ang presensya mo sa paglaban nya. Kahit di ka nya nakikita. Parang awa mo na, hinihintay ka na nya." Umiiyak na sabi nito sa telepono.

Natapos na ang tawag dahil ibinaba ko na. Hindi ko na kaya pang marinig ang mga susunod na sasabihin ni Tita. Unti unti akong nilalamon ng mga sinasabi niya.

Kahit di ko magawang gumalaw sa mga nangyyari, napatakbo na rin ako dahil gustong gusto ko ng makita ang mahal ko. Bago ako makalabas ng pinto ay humarap muna ako sa mala-Satanas kong ama.

"Demonyo ka, wala kang konsensya. Hinding hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kanya."Halos mapatay ko na sya sa titig ko. Napakasama ng ugali nya. Napakasama nya.

Tuluyan na akong nagtungo sa ospital kung saan isinugod si Jillian. Tinext sakin ni tita kung saan ang address nito. Nagdrive ako na halos mapalipad ko na yung kotse sa bilis. Hindi ko rin namalayan na wala na si Sophie sa tabi ko, napakabilis kasi ng pagtakbo ko papuntang car park kaya di na siguro siya nakasunod.

Nakita ko agad si Tita sa hallway na halos nakahilamos na sa mukha ang mga luhang iniyak nya. Naaawa ako. Halatang nanghihina na siya.

"Tita!" Napayakap siya sa akin ng agad nya akong masulyapan. Lalo na tuloy siyang humagulgol sa iyak.

"Nasaan po siya? Tell me, kailangan na niya ako. Kailangan niyang lumaban tita. Kailangan niya pang mabuhay." Sambit ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari. Parang kailan lang kami pa yung magkasama, nagtatawanan at naghaharutan.

Nasa kamay ko pa ang mahal ko.

Pero napakadami ng nangyari. Napakadami nang nagbago.

"Nasa operating room siya. Inaalis pa nila ang balang tumama sa anak ko." Nararamdaman kong hirap din sa pagsasalita si tita. Pero kahit na umiiyak, nagiging malakas pa rin siya para sa anak niya.

"Pupuntahan ko po siya." Agad kong sabi.

Tatakbo na sana ako kaso hinigit niya ang mga braso ko, dahilan para di ako makaalis.

"Sigurado ka? Kilala kita, anak din kita eh. Hindi mo kayang makita siya sa ganung kalagayan. Nakakaawa ang kondisyon niya. Hindi mo iyon kyang tingnan, maniwala ka. Kahit naniniwala akong mabubuhay pa ang anak ko, hindi ko rin maiwasang isipin na baka hindi nya to kayanin. Sana lumaban si Jillian. Mahal na mahal ko ang anak ko." Hindi ito matigil sa pag iyak. Dumating ang iba pa nilang kamag anak, nabalitaan na rin siguro yung nangyari. Sinabi nilang sila na ang bahala kay tita at puntahan ko na si Jillian. Kilala ako ng buong angkan niya, sobrang close ko pa nga sa kanila eh.

Nagtungo agad ako sa O.R upang makita ko ang kalagayan niya. Papasok na sana ako ng bigla akong harangin ng nurse.

"Sir, bawal po kayo dito." Pagpigil niya.

"Anong bawal? Papasukin mo ako." Papasok na sana ulit ako ng muli nya akong harangin.

"Sir, sabing bawal nga po eh!"

P*TANGINA.

"Eh gago ka pala eh! Di porke babae ka di na kita papatulan! Kung mahal mo kaya dyan yung nakaratay di ka papasok?! Damn, just let me in!" Pagpupumilit ko.

Akmang tatawag na siya ng mga guard para ipataboy ako pero hindi ko siya hinayaan. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya. At tinitigan ito ng masama. Bastos na kung bastos pero gustong gusto ko ng makita si Jillian. Parehas kaming mamamatay kung di ako papapasukin ng nurse na to.

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon