~TEAF Chapter 38~

98 1 0
                                    

Chapter 38

After a week.

Guess what...

Oo. Tama. Flight na namin ngayon.

Nasa kwarto ako. Nakabihis at nakagayak na. Ready ng gamit at mga kailangang dalin. Ako na lang ang hindi. Alam kong hinihintay na ako ni mama sa baba. Kaso parang ayoko talaga.

"JILLIAN! Malelate na tayo! Bumaba ka na diyan!" Ayan na. Narinig ko na ang sigaw niya. Huhu. Lilisan na ba talaga ako? Bakit parang hindi ko tanggap?

Bumaba na ako at nadatnan ko na yung driver at si mama sa labas.

"Halika na anak. Pumasok ka na sa sasakyan. Baka maiwan pa tayo ng eroplano." Mama.

'Sana nga maiwan na lang ako ng eroplano eh.' Sa loob loob ko.

Pumasok na ako sa sasakyan at ganun din naman si mama. Habang nasa sasakyan, maluha luha akong tumitingin sa daanan. Hayy. Di ako makapaniwalang, sa isang iglap, iiwan ko na ang lugar na ito. Pati na mga kaibigan ko.

Mga ilang minuto din ay nakarating na kami sa airport. Umupo muna kami sa upuan para intayin ang aming boarding time.

Habang nakaupo, nagpalinga linga ako sa paligid. Tanga na kung tanga... Pero... Umaasa akong darating siya, at pipigilan akong umalis.

Argh. Pano niya naman ako pipigilan kung hindi nga niya alam na aalis ako. Isang malaking tumpok na kabobohan.

"Jillian, ayos ka lang?" Tanong ni mama na napatigil pa sa pagbabasa ng magazine.

"Ma, kung sabihin ko bang ayokong umalis, papayag ka?" Deretso kong sabi rito.

"Napag usapan na natin to diba?" Sabi niya atsaka ipinagpatuloy ang ginagawa.

Napabuntong hininga na lamang ako at muling nagpalinga linga. Yung totoo nga, parang mababali na yung leeg ko sa kahahanap sa kanya.

"Flight AB120, Manila to Cebu, Ready for boarding."

Flight na namin yun. Tumayo na kami at sandali akong tinitigan ni mama. Pagkatapos ay naglakad na rin kami para hindi mahuli.

Nagpalinga linga ulit ako sa paligid.

NASAAN NA BA SIYA?

"Again, Flight AB120, Ready for boarding."

"Anak. Wag ka ng umasa. Halika na." Nagulat na lang ako sa sinabi ni mama.

Sa huling pagkakataon, luminga linga ulit ako.

Pero...

Wala talaga.

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon