Chapter 12
"Guys! Sinagot na niya ko! Labas na!!' Sigaw ni Chester.
Dali dali akong nagpunas at nag ayos ng sarili ko. Pagkatapos ay lumabas na nga kami.
"Congrats Bro! You've made it!" I said while trying to form a true smile on my face. But I guess.. I can't..
"And that is because of you. Salamat Bro." Sabi niya habang nakangiti ng abot ulo. Lagpas na sa tenga yung ngiti niya.
"No. Hindi to dahil sakin. Ikaw ang dahilan kung bakit naging kayo. Nasikap at nagtyaga ka, magkaayos lang kayo. Hanga ako sayo Chester." Ako.
"Salamat Bro. Kaya mahal na mahal kita eh!" Siya.
"Mahal na mahal din kita."
"Ano?"
"U-Uh ang ibig kong sabihin, mahal din kita bestfriend."
Maniwala ka please!
"Ah."
Phew!
"Congrats pare!" Biglang singit nung mga boys.
"Salamat mga pre!" Sagot niya.
Umalis muna ako doon. Lumapit ako kay sissy at bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.
"I told you.. You'll be happy after this." Ako habang nakayakap pa rin sa kanya.
"Thank you sissy. Thank you so much." Sabay kalas sa yakap.
"Basta ikaw. I know that you'll be a good friend, bestfriend, and girlfriend to him." The word bestfriend sucks. Ang sakit isipin na may papalit na sa pwesto ko.
"Thank you talaga ha. Kundi dahil sayo, wala kame." Siya.
"Ok nga lang, kulit. Basta sabihin mo sakin kung sinasaktan ka netong si Chester ha! Uupakan ko talaga yun!" Ako. Napatawa naman siya ng konti.
"Don't worry, I'll never let him do that." Siya. Ngumiti na lang ako.
"Guys! Tara kain na tayo! Putek! Kanina pa nagrereklamo yung tyan ko!" Froilan.
"Kainan na!" Troy.
Tapos ayun, nagkandarapa sila sa pagkain. Ang dami kasi nilang inorder sa catering services eh.
Ako naman, lumayo muna ako sa kanila. Pumunta ako sa tabing dagat. Ang lamig! Ang sarap ng hangin.
Umupo ako dun sa may kahoy at nagisip isip sa kawalan.
Grabe. Ang dami na palang nangyari. Parang kanina lang bata pa ako. Parang dati lang, candy lang iniiyakan ko. Parang dati inaalagaan pa ako ni mama. Parang dati naiihian at natataihan ko pa siya. Bwahaha. Tapos ngayon iba na. Malaki na ko. Hindi nalang sa sarili ko umiikot ang mundo. At hindi na lang maliliit na bagay ang iniiyakan ko.
"Lalim ng iniisip natin ah."
Paglingon ko.
"Anong ginagawa mo dito Chester?"
"Wow ha. Porket nagkasyota nako wala na yung endearment nating 'Bro'. Wag naman ganun." Hayy. Kung alam mo lang!
"Chester, kahit na gustuhin kong manatili ang closeness natin, hindi pwede. Iba na ngayon. Maraming magbabago. Ang pakikitungo natin sa isa't isa. Ang tawagan natin. Ang lambingan at harutan natin. Unti unting mawawala yan. Dahil hindi nalang ako yung babaeng makakasama mo sa araw araw. Hindi nalang ako yung babaeng makakapagpatawa sayo. Hindi na lang ako yung babaeng mang aasar sayo. Maraming magbabago kaya ngayon palang, pinipilit ko ng umpisahan." Speech ko.
Kinurot niya yung pisngi ko.
"Ang dami mo naman sinabi. Ni isa diyan walang katotohanan!" Sabay alis nung pagkakakurot niya.
"Ako si Chester Nathaniel Fontanilla, bestfriend ni Jillian Chrizxia Yonaza. Nangangakong walang magbabago sa samahan naming magbestfriend kahit kailan, hanggang kamatayan."
Kahit kailan talaga hindi mo ko binigong pangitiin.
Ayokong maniwala, pero sabi ng puso ko.. paniwalaan ko kung ano ang sinasabi ng mahal ko.
"Pero hind---"
"Pwede manahimik na lang?" Abat! Napakasuplado!
De ayun.. Hinayaan ko na lang.
Silence...
Bigla siyang napatingin sa akin.
"What?" Ako.
"Wala." Siya.
"Ano nga?" Ako.
"Thank you." Unli?
"Paulit ulit naman eh." Ako.
"Basta! Napasaya mo ko sobra." Siya.
"Just promise me one thing." Ako.
"Anything." Siya.
"Wag mo siyang sasaktan."
"Promise." Sabay taas niya nung kamay niya na parang nangangako.
Sana nga wag mo siyang sasaktan. Sana nga wag mo siyang pagselosin. Sana nga wag mo siyang papaiyakin..
Di katulad ng ginagawa niyo ngayon sakin.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...